Chapter 4

195 13 5
                                    

"Yeah." Tumango ako at tipid na ngumiti. "Next day ang practice. Doon na lang po sa bahay namin kung gusto ninyo."

"Sige, Allisia, doon tayo sa bahay mo. Mag dadala pa ba ako ng laptop?"

Umiling ako. "Huwag na siguro. Sagot ko na. Marami na kayong dadalhin na props. Ayoko naman na mabigatan kayo."

"Mataba! Ang taba mo kaya, Alexis kaya walang nag kakagusto sa ‘yo. Diet diet rin," rinig kong sambit ng babae.

"Thank you, Monique."

"Welcome. Excuse me," paalam ko.

Inayos ko ang mga gamit at tumayo sa kinauupuan. Lumabas ako ng classroom para tingnan kung sino ang nag salita. Nakita ko sa dulo ng hallway na may mga grupo ng babaeng nakapalibot kay Alexis.

"Nasaan na ang kaibigan mong bakla? Ang tapang tapang mo kapag kasama mo siya. Ang laki ng katawan mo tapos hindi ka maka-laban sa amin?"

Bahagyang kumunot ang noo ko.

"Ayoko ng away. Hinihintay ako ng kaibigan ko."

"Bakit mo nilalandi boyfriend ko?"

Tumagilid ang ulo ko.

"Wala akong nilalandi," sagot ni Alexis.

"Sinungaling—"

"Gusto mo matanggal sa dean's lister?" Sabat ko.

Sabay-sabay silang lumingon sa gawi ko. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko bago nag lakad papunta sa kanila.

"Monika," tawag ni Alexis.

"Let's go." Sumenyas ako sa kaniya.

Agad naman siyang tumakbo papunta sa akin. Tumango ako sa mga babaeng humarang kay Alexis bago siya hatakin pababa ng hagdanan.

Nag prisenta siyang bumili ng chips at juice naming dalawa. Kung alam ko lang na haharangin na naman siya ng grupo ni Arella, sumama na ako sa kaniya.

"Mataba ba talaga ako?" Biglang tanong niya.

"Hindi, maganda ka. Don't let them ruin your inner peace, okay?"

"Mag da-diet na talaga ako para hindi nila ako sinasabihan ng ganoon." Ngumuso siya.

"Mag diet ka para sa sarili mo hindi para sa kanila."

Absent na naman si Cholo. Sinubukan kong tawagin kanina pero wala ni isang mensahe siyang ipinadala sa akin. Ayoko mang mag isip ng hindi maganda pero hindi ko ma-iwasan.

Hay, Naku, Monique. Tigilan mo ang pag over think.

Baka naman busy lang ‘yung tao kaya ganoon.

"Hello, Dahlia," Nakangiting bungad ko sa kaniya.

"Good evening, Monique. Kumusta?"

Umayos ako ng pagkaka-upo sa kama. Katatapos ko lang gawin ang mga ritwal. Na isipan kong kumustuhin si Dahlia kaya naman tinawagan ko siya.

"I'm fine. Busy sa acads. Ikaw?"

"Busy rin. Uhm..." Umubo siya. "K-kumusta si... Uhm..."

"Kumusta si Pacco?" Pag kompleto ko sa gusto niyang sabihin.

"Hindi!" Agad na tanggi niya. "K-kumusta si Casse. Si Casse kasi. W-wag ka nga."

"Ah." Natawa ako. "Maayos na siya kahit paano. Nakakangiti na. Nakiki-pag biruan na rin. Hindi niya pinuputol ang koneksyon sa amin kahit pa ganoon ang nangyari," makahulugang sambit ko na ang tinutukoy ay si Pacco.

Uncontrollably Feelings (Malabon Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon