Chapter 5

367 15 4
                                    

Nanatili ang mga titig ko sa kanilang dalawa. Pasimple kong tiningnan ang ilang estudyante na nakatingin sa aming tatlo.

"Hmm, okay," panimula ko.

"Yes, Monika?" Tumaas ang kilay ni Cholo.

Bumuntong hininga ako. "Sabihin ko mamaya paguwian na. Mahuhulo tayo sa klase."

"Sige, mamaya na," Sagot ni Alexis.

Tumakbo kaming tatlo dahil ilang oras na lamang  magsisimula na ang klase. Naiilang ako sa mga titig ni Cholo sa akin. Hindi ko alam kung saan niya nalaman iyon. Hindi naman sila mag kaibigan ni Ruston. Tanging close friend at business partners lang ang may alam kung ano kami ni Ruston.

Wala rin namn nag tatangkang mag tanong sa akin na mga kaklase ko last last year kahit nakikita nila si Ruston.

Sa tingin ko, hindi ko naman utang ang paliwanag sa kanila pero dahil kaibigan ko silang dalawa, mag papaliwanag ako.

"Totoo?! Gagi?" Hiyaw ni Cholo. Sinenyasan ko naman siyang manahimik. "Ay sorry! Na keridaway lang ako!"

Na iwan kami sa room. Mabuti na lang at may baon na pagkain si Alexis kaya hindi na kami nag abalang bumaba pa na tatlo.

"Ang tagal niyo na pala."

"Hindi naman," tipis na sagot ko.

"Kaloka ka, Monika! Sobra mong private na tao! Eh, bakit hindi Baldivia surname mo?"

"Nothing. Kahit mahal ko si Ruston, ayokong palitan ang apilyido ni Daddy. Pwede naman siguro kami maging mag-asawa na hindi ko ginagamit ang apilyido niya, ‘di ba?" I smiled.

"Weeh? Pwede pala ‘yon?"

Tumango ako. "Wala namang batas ang ang nilagdaan na kailangan sundin ang apilyido ng asawa. Majority lang talaga ng tao na sundan ang apilyido ng partner nila."

"Pero may balak ka namang kuhanin apilyido ni Ruston?" Si Alexis.

"Siguro? Baka hindi? Ewan ko. Aayusin ko na lang lahat kapag graduate na. Mahirap kasi. Maiiba ‘yung record ko."

"Ay, teh! Last na!" Tumabi si Cholo sa akin. "Bakit dito ka nga pala nag-aral sa CMU?"

"Huh?"

"I mean, ang yaman niyo kaya! Kayang-kaya niyo bayaran mga tuition fee ng estudyante dito. Ayaw mo ba sa La Salle? Ateneo? Harvard?"

"Oo nga naman."

"Kasi ‘yung mga bestfriends ko, dito sila nag-aaral. Dito na rin ako. Kahit hindi kami mag kaklase na lima, Nakikita ko pa rin sila. Aanhin ko ‘yung mga high class na University kung wala naman sila roon, ‘di ba? Isa pa, malapig ang CMU sa bahay namin. No hassle."

Sumaglit ako sa Department store para bilhan ng  mga gamit si Steffa. Busy ang mga kasambahay. Hindi naman makababawas sa pagkatao ko kung ako ang bibili. Ayoko na sila masyadong pagurin. May mga edad na rin ang maid na nag g-grocery sa bahay.

"Chubi-chubi," Masayang sambit ko. "Ano? How's your day, baby?"

Pinaulanan ko ng halik si Steffa. Tanging pag bungisngis ang isinasagot niya sa akin. Sobrang pagod ako sa School pero sa tuwing nakikita ko si Steffa, nawawala lahat ng pagod ko sa katawan.

"Sis."

Lumingon ako sa pintuan. "Eris. Bakit?"

"Did you see our dad?"

"Hindi, eh. Bakit? Ask mom."

"Okay. Where is she?"

"Sa garden. Ayos ka lang?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Uncontrollably Feelings (Malabon Series #5)Where stories live. Discover now