Chapter 5: In between

6.3K 238 10
                                    

Ava

"Wakey, wakey, " nakarinig ako ng isang boses, hindi ito pamilyar sa akin. Nasilaw pa ako nang sinubukan kong buksan ang aking mga mata.

" Nasaan ako? " tanong ko habang pinagmamasdan ang lugar kung nasaan ako. Wala ako sa kwarto ko dati, sa hospital o sa kwarto ni Aveonna, puro puti ang kwartong ito. Maliban sa mga rosas na nasa mesa.

"Hulaan mo? " tila nang-aasar na sabi nito.

Nasa harapan ko ngayon ang isang lalaki, may edad na ito. Mahaba ang puti nitong buhok at may puti itong kasuotan.

So? Patay na ako, tapos na iyong panaginip ko tungkol sa pagiging Aveonna? Sinasabi ko na nga ba eh, may katapusan ang lahat.

"Oo at hindi, " nakangising sabi niya. Nagulat naman ako.

"Nababasa mo ba sinasabi ng utak ko? " tanong ko sa kanya.

"Siguro, " sagot naman.

Hahambalusin ko itong matanda na ito eh. Gawin bang biro ang lahat.

"Grabe ka naman sa matanda, " natatawang sabi niya.

"So, where am l?" tanong ko na lang.

"You are in In between, " tipid na sagot nito.

"In between what? " tanong ko sa kanya.

"In between, " sagot naman niya.

"Yun lang? " naguguluhan ako sa matandang ito.

"Oo, iyon lang. Nasa In between ka, " natatawang sabi ng matanda.

"Anong In between? " tanong ko pa.

"Just a place for your soul to rest, " nakangiting sagot.

"So patay na ako? Ano ito langit? " naguguluhan ako pero napakatipid ng sagot niya. Nakakainis na.

"Hindi? " sagot niya.

"Anong hindi at bakit parang hindi ka sigurado? " tanong ko sa kanya. Inis na inis na ako sa kanya baka mahambalos ko na ito.

"Okay, relax. Ipapaliwanag ko ang lahat. Huwag mo lang akong hambalusin, " natatawang sabi niya.

Naglakad naman ito at sumenyas na sundan ko siya, wala naman akong nagawa kundi sumunod. Lumabas kami sa kinalalagyan ko at namangha ako sa mga nakita. Isang napakagandang hardin.

Umupo kami sa isang bench na kulay puti din. Napansin kong kami lang nasa lugar na ito, napaka tahimik, nakakabingi. Masyadong payapa.

"Patay ka na ba? Oo, until you're not. " pag-uumpisa niya. Magsasalita sana ako pero mabilis ako nitong pinigilan.

"Anong ibig kong sabihin? In other words, namatay ka na. Tapos nabuhay ka uli. And no, not like Jesus grabe ka naman doon. Kumbaga, reincarnation. Kung hindi mo pa ma-gets. Pangalawang buhay mo na ito, " paliwanag niya.

"Oo, na-gets ko na. Umpisa pa lang, " inis kong sabi.

"Nasa langit ka ba? Wala, kasi hindi ka nga patay, nasa In between ka. Iba iyon. In between, nasa ibang realm ka, " paliwanag niya uli.

"Bakit ako nandito? " tanong ko pa.

"Dahil kailangan mo ng paliwanag. Baka kasi mabaliw ka na sa kakaisip ng mga nangyayari sa buhay mo, " natatawa niyang sagot habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa paligid.

"Okay? " naguguluhan kong sabi pero ngumiti lang ito.

"Gaya ng una mong napagtanto, nasa loob ka nga ng libro. Bakit? Ikaw ang may gusto niyan dahil masyado kang napamahal sa librong binabasa mo. We have different realms kung saan ka pupunta para sa mga susunod mong buhay, nagkataon lang na sobra ang attachment mo sa libro kaya diyan napunta ang kaluluwa mo. Kay Aveonna. Ikaw si Ava noon, si Aveonna ka na ngayon, " paliwanag niya.

"Bakit kay Aveonna? " tanong ko.

"Gaya nga ng sabi ko attachment, " tipid na sagot niya.

"So, buhay ako. At ako na si Aveonna? " tumango naman siya sa tanong ko.

"Madalas kong basahin ang libro na ito, hindi ganito ang kwento, parang may iba at hindi ako pwedeng magkamali doon, " pagtataka ko.

"Alam mo na siguro ang sagot diyan. Nababago mo ang plot ng istorya simula ng dumating ka. It's bound to happen, it will change. Hanggang sa wala na sa  binasa mong libro ang mga nangyayari, " paglilinaw niya.

" May mga bagay akong hindi maalala. Maging ang dati kong buhay o yung buhay ni Aveonna, nalilito na ako, " sabi ko naman.

"Hindi mo na maalala ang dati mong buhay o yung mga bagay na alam mong dapat mangyari kay Aveonna dahil unti-unti ka ng nagiging parte ng istorya. Tandaan mo patay na si Ava, ikaw na si Aveonna. Wala ka na sa mundong kinalakihan mo, nasa mundo ka na ni Aveonna. At unti-unti ang dati mong mundo ay tuluyan ng magiging isang kwento sa isang libro at ang mundo mo ngayon ang magiging totoo, " seryosong paliwanag.

"Papaano nga ba kung mga character lang tayo sa libro? Iyan ang katanungan ng nakakarami sa atin, " sabi pa niya.

"Ito ang sagot, " dagdag pa nito.

"Ano ang dapat kong gawin? " tanong ko sa kanya.

"Mabuhay ka, huwag mo ng ulitin ang ginawa mo dati, " nakangiting sabi niya.

"Alam mo namang mapapatay si Aveonna hindi ba?!" inis kong sabi sa kanya. Napatawa naman siya dahil doon.

"Binabago mo naman ang hinaharap niya eh, " sabi habang tumatawa.

"Huwag kang mag-alala. Maalala mo rin yung mga nawawalang alaala ni Aveonna, " sabi pa nito.

"Wait lang tanda. Paano ko maaalala ang lahat? " tanong ko.

"Una hindi tanda ang pangalan ko. Pangalawa, special case ka kasi dahil naaalala mo pa ang dati mong buhay. Dapat kasi mawala muna ang alaala mo sa dati mong buhay bago bumalik ang alaala ni Aveonna. Kaya diba nga sabi ko kanina hindi mo na dapat maalala ang dati mong buhay. Isa pa iyong kaluluwa dapat nakapasok na noong sanggol pa lang si Aveonna. Pero may nangyari, " paliwanag naman.

"Nangyari? " tanong ko.

"Sa taas, " sabi naman niya habang tinuturo ang langit.

"Mga special case iyon, konti lang ang ganoon, " sabi naman niya.

"So makakalimutan ko ang dati kong buhay, " hindi ko alam kung bakit ako nalungkot.

"Ganoon talaga ang buhay, sometimes we have to let go," seryosong sabi nito.

"Ano nga ang pangalan mo? " tanong ko.

"Nagit, " nakangiting sagot.

"At bakit ka andito? " tanong ko pa uli, na-curious na ako eh.

"Para sa mga kagaya mong naliligaw, " tipid na sagot niya.

"Makikita pa ba kita? I mean after this? " tanong ko pa.

"Oo naman, baka sa susunod mong buhay o baka magpakita uli ako sa susunod na mga araw. Sa totoo lang depende sa sitwasyon, " sagot naman nito.

"Wait. Hindi ko alam ang gagawin ko, " kinakabahang sabi ko.

"Mabuhay ka ng masaya Aveonna. Ito na ang pagkakataon mo, " nakangiting sabi niya habang kumakaway.

Napansin kong unti-unti akong naglalaho. Maging ang paligid ko ay naglalaho din.

"Sandali! " sigaw ko pero pagdilat ko ng aking mga mata ay nasa kwarto na ako ni Aveonna.

"Aveonna, " napatingin ako sa boses na tumawag sa akin.

Ang prinsipe.

END OF CHAPTER 5

The Villainess is Me?!  | ✔Where stories live. Discover now