Chapter 19: Found Memories

2.3K 105 13
                                    

Aveonna

Ngayon ko lang napagtanto na ang kwarto ko ang nagiging safe haven ko, dito ako nakakapag-isip at nagmumuni-muni. Pilit kong inaabsorbed ang mg nalaman ko mula sa prinsipe.

Pakiramdam ko babalik na ang mga alaala ko dahil doon, how I wish.

Lahat ng mga plano ko ay nasira....mali pala, hindi pa ako nakakapagplano ng maayos tungkol sa mga gagawin ko para mabuhay ako ng matagal tapos ganito ang nangyari.

Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim, konti na lang at mabubuo na ang mga alaala sa utak ko.

-Flashback-

Matapos akong kunin ng lalaki. Dinala niya ako isang lumang mansyon, huli ko ng napansin na may sugat ako sa gilid at tumulo ang dugo ito.

"Anong ginagawa ko dito? " nanginginig kong tanong sa lalaki.

"Wala lang. Gusto lang naman ng lider namin na takutin ang prinsipe, " natatawang sagot niya.

"Bwisit ka. Bakit ako ang kinuha mo, eh hindi naman ako ang gusto non?! Si Lady Claire na lang kaya, wala akong pakialam kahit anong gawin mo sa kanya. Kaya pwede ba na pakawalan niyo na ako!" sigaw ko. Tumawa lang ito ng malakas.

"Pasensya na, hindi pwede si Lady Claire, " sabi naman niya at iniwan ako.

Gusto ko talagang malaman kung bakit hindi siya pwede, don't tell me dahil gusto din nila si Lady Claire?

May biglang pumasok na mga lalaki sa kwarto, bigla akong kinabahan, hindi ako makapagsalita at nagsimulang manginig ang buo kong katawan.

Walang pasabi ay bigla akong sinampal ng isa, nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong may dalang latigo ang isa sa kanila.

Tumawa naman ang mga ito, nagkatinginan pa ang ilan na tila ba hindi alam kung sino ang mag-uumpisa sa pananakit sa akin.

Mabilis ang pangyayari bigla na lang ako nilatigo ng isa, sumunod naman akong pinagsisipa ng isa pa.

Nakapikit lang ako kaya hindi ko sila mamukaan, hindi ko rin alam kung ano ang susunod na gagawin nila sa akin.

Muli akong sinipa, nilatigo at minsan pa ay sinasabunutan. Hindi ko alam kung ilang beses o kung may balak ba silang tumigil.

Napasigaw naman ako sa sobrang sakit, gusto kong tumakbo pero wala naman akong matatakbuhan. Nakatali pa ako.

Wala silang pakialam kung sumisigaw na ako sa sobrang sakit, tawa lang sila nang tawa na para bang natutuwa sila sa pananakit sa akin.

Pero ayokong magmakaawa, hindi iyon mangyayari. Mas mabuti nang mamamatay ako dito, taas noo akong mamamatay.

"Tama na iyan, "  boses babae ang nagsabi.

Nagulat ako sa pamilyar babaeng biglang pumasok.

"Ikaw sabi ko na nga ba may mali sa iyo bruha ka, " inis na sabi ko kay Lady Claire.

Ngumisi lang ito.

"Pwede niyo na kaming iwan, " utos niya sa mga lalaki.

"Matagal ko ng gustong gawin ito sa iyo, "  sabi niya.

Isang malakas na sampal ang ginawa niya sa akin at isa pa, hanggang sa pinagsisipa niya ako.

"Matapang ka lang dahil sa nakatali ako, " sabi ko naman. Hindi ko rin alam pero wala akong naramdamang takot sa kanya, siguro kasi galit parin ako dahil siya ang pinili ng prinsipe. Turns out parehas lang naman pala kami may pagka demonyita.

The Villainess is Me?!  | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon