Chapter 21: Running away

2.3K 95 4
                                    

Aveonna

Mabilis ang takbo ko, ni hindi ko makuhang lumingon dahil natatakot akong malaman kung sino ang sumusunod sa akin.

Nang makakita ako ng isang malaking puno ay napaupo muna ako habang pinagmamasdan ko ang paligid. Kailangan kong masigurado na hindi niya ako nasundan.

Masyado yata akong minaliit ni Steven, matapos kaming makarating sa lumang mansyon ay agad ko itong sinipa sa pinakamaselang parte ng kanyang katawan, swerte ko pa dahil wala siyang mga kasama, kaming dalawa. Hindi ko rin alam kung bakit dalawa lang kami sa lugar na ito, akala ko matalino siya mukang hindi naman pala.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ako lumingon, bahala na. Basta kailangan kong makatakas dito, ang problema hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Napakalawak ng lugar.

Isa pang problema ko, malapit ng dumilim at magiging mas delikado ang lahat. Hindi naman ako pwedeng maghintay ng umaga dahil baka dumami ang mga naghahanap sa akin.

"Anong ginagawa mo diyan? " halos mapa talon ako sa boses na biglang nagsalita, ayaw ko pa sanang tumingin sa nagsalita pero umupo ito sa tabi ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makilala ko siya.

"Tanda! Andito ka ba para tulungan ako o andito ka para sunduin ako? " tanong ko.

"Unang-una hindi ako si Tanda, pangalawa wala akong balak tulungan ka at kung mamamatay ka ay depende iyon sa desisyon mo, " paliwanag niya.

"Desisyon ko? You mean kung tatakbo ba ako ngayon o maghihintay ng umaga? "

"Siguro? " natatawang sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito? " tanong ko, gusto ko man siyang sigawan ay baka marinig ako ni Steven o ng mga galamay niya. Sigurado ako na marami na talagang naghahanap sa akin. Ngumisi siya.

Sa totoo lang hindi ko naman talaga alam kung ano ang silbi ko sa kanila, maliban siguro para takutin ang prinsipe. Marami namang paraan para takutin ang prinsipe, bakit ba ako dinamay?
" Aaminin ko na mahal ko ang prinsipe pero mahal ko rin ang sarili, ngayon ko lang minahal ng ganito ang sarili ko, kaya pwede bang mabuhay ako ng masaya kahit konti, " naiiyak kong sabi sa kanya.

"Hindi ito ang panahon para mag-drama, " sabi naman niya.

"Wala man lang comfort. At isa pa hindi ako nagdadrama, sinasabi ko lang ang totoo, " bulong ko.

May narinig akong kaluskos mula sa malayo, napa-pikit ako at napabuntong hininga bago sumilip.

"Andyan sila, " sabi ko.

Wala akong nagawa kundi dahan-dahang gumapang papaalis sa puno, sana hindi nila ako makita.

Kailangan ko lang lumayo ng kaunti at maghanap ng mapag-tataguan.

"Ayun! " narinig kong sabi ng isa, tumingin ako sa kanila at nakatingin din sila sa akin.

Tumayo agad ako at kumaripas ng takbo, nagdadasal ako na sana mabagal silang tumakbo dahil hindi ko na kayang tumakbo ng mabilis.

Alam kong mahina ang katawan ko pero pilit kong sinasabi sa aking utak na hindi, na kaya ko ito at makakatalas din ako.

"Tanda! Asan ka na?! " sigaw ko.

"Andito! " natatawa niyang sabi, nasa likod ko pala siya at tumatakbo rin.

"Bilisan mo baka makita ka nila! " bulyaw ko sa kanya.

"Hindi nila ako nakikita kaya huwag kang mag-alala, " sabi naman niya.

"Okay. " hindi na ako nagtaka. Sa dami ng nangyayari sa akin, magtataka pa ba ako?

The Villainess is Me?!  | ✔Where stories live. Discover now