Prologue

7.9K 210 28
                                    


"tawagin mo lang po ako kapag may kailangan"

"pasensya na sa abala at salamat" pagod at mahinang tugon ko bago siniguradong hindi namin nagising ang babae. Napangiti ako pero kinuha nito ang atensyon ko kaya hinarap ko ito.

"ingatan mo ang puso mo.. ganyan ka rin noon sakanya" hindi ako umimik dahil ayokong pag-usapan namin ang tungkol dun kaya napabuntong hininga ito.

"ayokong mau-"

"opo nay, ako na po ang bahala" bastos man pero ayoko muna. Nakangiting nagpasalamat ulit ako pero tiningnan niya lang ako at umiling iling. Pagkasara ng pintuan ay napahilamos ako sa mukha bago ko nilingon ang lasing na babae.

Lumapit ako at dahan-dahang naupo sa tabi nito pagkatapos ay inadjust ang electric fan sa katawan nito. Pinapasalamat ko dahil nakapag linis ako kahapon kaya hindi nakakahiya ang kwarto ko.

Pinagmamasdan ko ang payapa nitong pagkakahimbing nang sa hindi sinasadyang mapadako ang mga mata ko sa medyo exposed nitong cleavage. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong mga pisngi kaya mabilis ko itong tinakpan ng kumot.

Marami na akong nakikita at nakakasalamuhang magagandang babae pero siya lang ang namumukod tangi. Kahit sinong babae mababaliko ata nito kapag siya na ang kaharap.

Napakaganda niya pa lalo kapag natitigan siya sa malapitan.

Hindi rin ganon ka-kapal ang make-up dahil sobrang natural nito para ngang naglagay lang siya ng pulbos at lipstick. Maganda ang kurba ng mga kilay pati na rin ang--

Inabot ko ang matangos niyang ilong na nagpangiti pa sa'kin dahil para siyang diwata na lasenggera, hindi mo makikitaan ng tigyawat o kahit anong kulubot sa mukha sa sobrang kinis.

Manghang-mangha ako sa nakikita ko ng mapako ang mga mata ko sa labi niyang namumula. Para makaiwas sa tukso ay ibinaling ko ang tingin sa mga mata niyang nakapikit pero kusa pa ring hinihila pabalik ang mga mata ko sa labi niyang nakakaakit.

Very tempting dahil para akong inaanyayahan na halikan ito

"patawarin mo sana ako pero bakit kasi ganyan labi mo" mahinahon kong pakikiusap sa mahimbing na dyosa kaya unti-unti akong lumapit sakanya.

Magkahalong takot at excitement, ito yung araw na hindi niya ako susungitan dahil sa hindi ko nasunod ang gusto niya tapos nakakadarang pa ang pabangong gamit. Gahibla na lamang ang natitirang distansya pero kaagad kong nahigit ang hininga ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong gumagalaw ang mga talukap ng mga mata niya.

Shit!

Trumiple pa ang kabog ng puso ko nang unti-unti niyang idinilat ang kalahati ng isa niyang mata kaya nanigas ang katawan ko. Nag salubong ang mga mata namin kaya bigla akong nataranta sa sobrang kaba dahil bubungangaan na naman ako nito and worse mapagkakamalan na mapag samantala.

Tuluyan na niyang idinilat ang isa pa kaya titig na titig ito. Hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal kaya ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at mabilis na nag-usal ng mahinang dasal dahil mahal ko pa ang buhay ko "hindi na po mauulit... hindi na po mauulit lord basta patulogin niyo lang po ulit siya"

Nasa kalagitnaan ako ng dinadasal ko nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa pisngi ko kaya mas lalo pang nanigas ang katawan ko sa kaba hanggang sa gumapang pa ito papunta sa likod ng batok ko na nagpatindig ng mga balahibo ko.

Naimulat ko ng wala sa oras ang mga mata ko at kaagad naman akong sinalubong ng nakangiti niyang labi.

Gandaaaaaaa!

"hey" yung boses niya pwede nang pang ula- I mean para kang hinihele sa sobrang lambing.

"what are you doing?" sa palagay ko nasa impluwensya pa rin siya ng alkohol dahil imposibleng ganito ang reaksyon niya sa'kin.

"m-ma'am ano po kas--"

"I miss you" huh??

"h-ho?" ngumiti pa ito ng malaki kaya yung puso ko ayaw na kumalma.

"p-pasensya na po m-ma'am gigisin-- hmmsjppp" OH MY GOD!!!!

uhm?

okay? baka nanaginip ako pero--




shit!!

Matiwasay itong nakapikit habang ako ay hindi makapaniwala at nawiwindang sa nangyayare.

This is unexpected at nakakahiya dahil ako yung may balak. Hindi siya ang unang halik ko ngunit sinusumpa kong kakaiba siya sa una. Ito yung klase ng halik na hindi mo pagsasawaan at talagang hahanap-hanapin mo.

Gusto kong pumikit at namnamin ang mga sandali kaso natatakot ako baka sa pagmulat ko magising ako sa katotohanang panaginip lamang ito pero totoo to!

The kissed is so magical. A warm fuzzy feeling na hindi ko maintindihan. Matagal ko na siyang kilala and I always got this feeling whenever I see her o kaya kapag sobrang lapit niya.

Nakapikit itong humiwalay sa pagkakahalik sa'kin habang minamassage ang batok ko pagkatapos ay isinuklay ang mga daliri nito sa buhok ko kaya naiwan akong nakanganga habang pinoproseso pa ang nangyareng pag-atake niya.

Binging-bingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko hanggang sa napakurap-kurap ako ng ilang beses na parang unti-unting nagigising sa impluwensya ng salamangka niya.

Bukas sara ang bibig ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Mag so-sorry ba ako???

"I like you... Rii" mahinang sambit nito na ikinabagsak ng balikat ko at kaagad napahiwalay sa kanya.

Hinintay ko ulit siyang magsalita kung tama ba ang pagkakarinig ko pero narinig ko na ang mumunting hilik nito. Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko dahil kilalang kilala ko na ang pakiramdam na 'to. Natawa nalang ako sa sarili ko dahil mukhang bokya na naman ako sa isang ito.






"Rii huh?"

𝐓𝐡𝐞 𝐇𝐚𝐫𝐭'𝐬 𝐌𝐚𝐢𝐝Where stories live. Discover now