2

1.8K 44 7
                                    

Bawat hakbang niya ay napapaingos ako sa hanging dala nito.. partida medyo malayo pa siya sa'kin pero-- alam niya kaya yung deodorant o kaya yung tawas na tag piso man lang? Hindi ko alam kung may nakaharang ba sa daanan ng hangin niya sa ilong o baka immune na talaga sa body odor niya.

Lumaki ang pagkakangisi ni kuya monke-- este macky kaya napangiwi nalang ako (mukha talaga siyang unggoy)

"anong agahan natin yaya?" hindi ko pinansin at nagkunwaring tinitingnan ang nasa ibabaw ng lamesa pero may nagtutulak sa'kin na sampalin siya.

"mukha namang masarap yung niluto ko dahil wala na ngang natira... sigurado akong may agahan na akong hinanda bago ako umalis ng bahay" I said with full of sarcasm at mukhang may tinamaan

"pinagbibintangan mo ba ako?!!"

"may sinabe ba akong 'ikaw?" mag maang-maangan tayo shilo para makabawi naman

"may narinig ka bang 'kinain mo na naman ba yung agahan natin kuya marky'... diba wala?" namumula at sobrang sama na nang timpla ng mukha nito pero infairness umiling siya bilang tanda na wala nga siyang narinig na pangalan niya.. niceeee!

"ayon naman po pala... eh bakit ka nag rereact diyan? tinamaan ka ba kaya ka na--"

"hoy babae! mag ingat ka sa mga sinasabe mo kung ayaw mong malagot sa'kin... makikita mo talaga hinahanap mo... MA! MAAAA!" ang tapang ng bibig.. nag tawag pa ng kapwa kampon.

"isip bata ang litse"

"ANONG SABI MO?! MAY SINASABE KA?!! HA?!" the thing is... my life can compared to cinderella's story pero hmm, siguro mga centimeter lang ang pagkakapareho.

Pilya at higit sa lahat hindi mahinhin.

I really don't know but I find cinderella's story weird. Unang-una hindi naman naka disguise or mask pero bakit hindi ma recognized ng prince?

unknown: Fairy Godmother put spell po kasi kay ate cindy para hindi siya makilala nung prince

hmm?

anyway! atsaka sino naman ang nasa matinong pag-iisip ang magsusuot ng glass shoes? paano kung pasmado at pinagpapawisan ang paa nung tao and honestly kung mahal talaga siya nung prince ay dapat wala siyang pakialam kahit ano pa ang magiging itsura niya once na mag expired yung magic.

"tapos porke nagkasya yung sapatos ay siya na agad yung 'The One'. That Fairy Godmother is something else, imposibleng si Cinderella lang ang namumukod tanging may ganong siz---"

"kreysiii" kumunot noo ko sa narinig. Anong kreysii naman ang pinagsasabe nito. Tatanungin ko pa sana 'to pero mabibigat na yabag ang narinig kong papalapit sa gawi namin hanggang sa nakita ko ang humahangos nitong nanay na akala mo parang abaca yung buhok sa sobrang dry.

"what is da matir iho?!?" mag-ina nga

Mabilis namang lumapit si kuya macky sa nanay nito at dinuro-duro pa ako na akala mo may ginawa akong krimen sakanya.

"she-- she is-- ma, she's layk dis-- she raises dis and that" tinuro pa yung kilay niya tapos dinemonstrate sa harap ng nanay niya yung pagtaas ng kilay pero teka... teka nga muna! hindi ko siya pinagtaasan ng kilay gagong parrot na 'to.

"like thi--"

"FYI lang po ha hindi kita pinagtaasan ng kilay"

"ako pa ang sinungaling ngayon at I-F-Y yun BOBO. BOBO mo pati sa alpametical" ano yun? Information For You? anong alpametical pinagsasabe niya

"For Your Information ata pinagsasabe mo or FYI po and nauna ang F sa I bago Y" hindi naman niya ma gegets na niloloko ko rin siya kaya papatolan ko na 'to.

𝐓𝐡𝐞 𝐇𝐚𝐫𝐭'𝐬 𝐌𝐚𝐢𝐝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon