1

6.6K 184 51
                                    

"gulay! gulay! kayo diyan!"

"pst! uy ganda bili kana nito, murang-mura"

"magkano ba 'tong giniling mo dito mare?"

"ang mahal naman bakit dun sa kabila mura lang-- baka pwedeng tawaran?"
ilan lang 'yan sa maririnig mo sa isang maingay at magulong lugar na dinadayo ng mga mamimili.

Kaliwa't kanan ang tao kaya kinakailangan mo rin minsan makipagsiksikan at makisalamuha sa kanila kaya hindi rin maiiwasan ang halo-halong amoy na malalanghap mo. Matagal na akong labas masok dito kaya hindi ko talaga kinakalimutan ang facemask.

Hindi naman sa nag-iinarte pero parang ganon na rin ng slight.

"MAGNANAKAW!!" nakakasura siya na naman-- hindi talaga nadadala ang batang 'to, papunta sa direksyon ko yung totoy kaya gumilid ako at--

"Tabi! tab--aarrrgh! lintek!"

"huliin niyo!" lumayo ako ng ilang dipa at mabilis na umeskapo nang kuyogin siya ng mga tao kaso hindi pa ako nakakalayo nang may pumigil sa'kin.

"sandali! nakita ko ang ginawa mo iha at kung hindi dahil sa'yo baka hindi ko na nakuha ang gamit ko kaya maraming salamat" tiningnan ko lang ang nakangiting alé at nakita kong hawak na nito yung bag na kinuha sa kanya.

Nakita ko sa likod nito yung totoy na umiiyak habang nagmamakaawa na 'wag siyang ipakulong. Nakakaawa tingnan pero kasalanan niya rin dahil gumawa siya ng ikapapahamak niya.

Magsasalita sana ako pero napa kunot-noo ako ng makita kong bumunot ito ng ilang pera sa pitaka niya at kaagad na inilahad sa harapan ko.

p-payb tawsan?!

"walang anuman po pero hindi ko po matatanggap 'yan atsaka-"

Napabuntong hininga ako nang mapansin kong napunta na naman sa'kin ang atensyon ng ibang tao lalong lalo na ang marites na mga tindera. Isa sa dahilan kaya ginagamit ko ang facemask para medyo matago ang mukha ko pero sa nakikita ko may sa lahing aso din ang mga ito.

"sige na iha tanggapin mo na ito, kaonting tulong na rin sa ginawa mong pagtulong kanina" paano ba ito nakakahiya naman tapos hindi pa nakakatulong yung mga bubuyog na mga marites sa gilid namin baka kung ano na naman ang isipin.

"ano po kasi p-pinulikat? opo! yun nga! pinulikat lang ako kanina kaya kailangan kong i'stretch yung paa ko hehe... uhm ingat po kayo sa daan" mabilis na akong nagpaalam at narinig ko pa na ilang beses niya akong tinawag kaya nakipagsiksikan ulit ako pero akala ko natakasan ko na yung ginang dahil mas narinig ko pa sila.

'siya yun diba?'

'yang bibig mo talaga lolita, baka marinig ka at oo siya yun... ang sabi wala pa naman daw nakakapatunay na totoo ang mga balitang kumakalat'

'hay naku, kung ako sainyo maniwala na kayo dahil ilang beses na raw 'yan nakita na nakikipagkita dun at kita niyo ang arte pa hindi na lang tinanggap yung pera tsk!'

Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga katulad nilang walang ibang ginawa kundi mang-akusa at mangalap ng mga maling impormasyon. Hindi na rin ako magugulat kong kinabukasan o sa mga susunod na araw may mga sarili na rin silang bersyon ng kuwento tungkol sa'kin-- tao nga naman basta may mapag-usapan lang talaga.

May mga kilala din akong mga marites pero hindi naman katulad sa kanilang mapanirang puri.

"mabuti na lang nasasanay na ako"

Kaagad kong nahanap ang bilihan ng mga isda pero nang makita ko ang natitirang salapi sa kamay ko ay napapikit ako.

"Magandang umaga ho" napangiwi ako ng makita kong nawala ang pagkaka ngiti nito pagkatapos kong ibaba ang facemask.

𝐓𝐡𝐞 𝐇𝐚𝐫𝐭'𝐬 𝐌𝐚𝐢𝐝Where stories live. Discover now