Prologue

2.1K 35 0
                                    

"Samantha, welcome to the family."

Namatay si Mama sa kaniyang sakit dalawang taon na ang makalipas, tumigil ako sa pag-aaral upang maghanap ng trabaho para suportahan ang aking sarili dahil sa loob ng dalawang taon ay hindi kami binalikan ni Papa.

Lingid sa kaalaman kong anak ako sa labas ni Papa, may una siyang pamilya at marangya ang kanilang buhay at ngayon ay muli niya akong binalikan upang isama pauwi sa una niyang pamilya.

"This will be your new home, Samantha," wika ng isang ginang at natitiyak kong siya ang legal na asawa ni Papa.

"Salamat po sa pagtanggap niyo sa akin." Yumuko ako bilang pasasalamat.

"Hindi mo kailangan magpasalamat, you're welcome here and finally may babae na rin akong kasama dito sa bahay."

Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging trato niya sa akin, akala ko ay magagalit siya kapag inuwi ako ni papa dito sa tunay niyang pamilya pero hindi pala.

"Nasaan yung dalawa, mahal?" Tanong ni papa sa kaniyang asawa.

"Nagkukulong sa mga kuwarto nila. Sandali, tatawagin ko." Sinundan ko ng tingin ang ginang na naglakad paakyat sa hagdan habang isinama naman ako ni papa sa sala upang doon muna maupo at maghintay sa mga ipapakilala niya.

Ilang sandali lang ay natanaw kong pababa ang ginang habang hatak-hatak ang dalawang lalaki na tila napilitang lumabas sa kanilang mga kuwarto.

"Dali na, ang babagal niyo naman naghihintay si Samantha." Dinig kong wika ng ginang sa kaniyang mga anak.

"Nakita na namin si Samantha. Ma, bukas nalang inaantok na ako."

"Nakausap mo ba? Hindi 'di ba, kaya puntahan niyo siya doon kung hindi wala kayong 1 month allowance."

"Hihingi na lang kami kay Dad."

Napabaling ako kay Papa nang tumayo ito. "Niko, Lucas, huwag niyo ng pahirapan ang Mom niyo magpakilala kayo kay Samantha," wika ni Papa.

Tumayo ako nang lumapit sila sa akin upang magpakilala.

"Hi, it's nice to see you again. I'm your kuya Niko, what do you want me to call you?"

"Sam na lang po."

"Okay, Sam." Lumipat ang tingin niya sa kaniyang kuya. "Anong balak mo kuya? Tutulala ka nalang ba d'yan?"

"Wait, I just can't believe this. Are you really Samantha?" Tanong ng lalaki.

"Opo." Maikli kong sagot.

"Ang laki mo na you were 7 years old the last time I saw you, how old are you now?"

Ibig niyang sabihin ay nabubuhay pa si Mama ay nakita na nila ako? Kaya pala hindi sila nagulat sa pag-uwi sa akin ni Papa dito sa bahay nila.

"17 po."

"Matanda lang pala ng isang taon itong si Niko, anyway I'm Lucas, 20 years old, the oldest child."

Nakilala ko ang dalawa kong kapatid sa Ama at nakipag kuwentuhan pa sila sa akin. Ang asawa ni papa na si Leti o Letisha ay sobrang bait naman sa akin, ang sabi niya matagal na niyang gustong magkaanak na babae ngunit hindi sila nabiyayan ni Papa kaya kinumbinsi niya akong tawagin siyang Mama para kahit papaano ay may anak na siyang babae.

Ang magkapatid na kanina ay parang lantang gulay ay nabuhayan ngayon, excited pa akong inilibot ni kuya niko at kuya Lucas sa iba't ibang bahagi ng bahay.

Hindi ko inaasahan 'to, pakiramdam ko ay maiiyak ako sa sobrang tuwa. Sa nakalipas na dalawang taon nang mawala si Mama ay akala ko tuliyan na akong aabandonahin ni Papa, hindi siya nagpakita ni minsan sa dalawang taon na iyon kaya napilitan akong tumigil sa pag-aaral at namasukan akong tindera sa isang grocery malapit sa aming lugar upang may makain ako sa pang araw-araw.

"Sam, dito ang magiging kuwarto mo. Katabi lang 'yan ng kuwarto namin ng Papa mo para kapag may kailangan ka ay malapit lang ako. Tayo lang dalawa ang babae rito kaya hindi natin maaasahan ang dalawa mong kuya pagdating sa mga girl things," wika ni Mama Leti.

"Salamat po, Mama Leti."

"Nako ayos lang 'yon. May mga damit pala akong pinamili nung isang araw dahil ang sabi ng papa mo ay iuuwi ka na niya rito, nalaba na yung mga pambahay at pantulog, isukat mo yung iba para kung hindi kakasya ay mapalitan natin."

"Sige po, salamat po ulit Mama."

"Ang ganda talaga sa pandinig nung Mama. Sige magpahinga ka na, goodnight."

"Goodnight rin po."

Kinabukasan ay isinama ako ni Mama Leti sa unibersidad kung saan nag-aaral sila kuya Lucas para mag-enroll, laking gulat ko ng malamang sa kanila pala iyon at si Mama Leti pala ang president sa naturang paaralan at makalipas ang ilang araw ay papasok na ako upang muling mag-aral.

"Ready ka na bang mag-aral muli, Sam?" Tanong sa akin ni kuya Niko.

Actually kinakabahan ako. Malaki at maganda itong unibersidad at hindi maipagkakaila na may mga mapangkutyang estudyante sa paligid at natatakot ako sa mga sasabihin nila kapag nalaman nila ang tungkol sa aking pagkatao.

"Kinakabahan ako kuya."

"Sige, ganito na lang. Kapag may nang-away sa 'yo ay magsabi ka kaagad sa amin para maipaghiganti ka namin at magulpi namin sila ni kuya Lucas hanggang sa hindi na sila makatayo," mahangin niyang sabi.

"Ang brutal naman no'n, hindi na lang ako magsusumbong," wika ko.

Tumawa siya at umakbag sa akin. "Joke lang 'yon ipapa guidance na lang namin, okay ba 'yon sa 'yo?"

Tumango ako bilang pagtugon sa kaniyang sinabi. Inihatid nila akong dalawa sa aking classroom at nagpaalam sila bago umalis, sa pag-uwi naman ay hinintay ko sila sa harapan ng aking classroom dahil susunduin daw ako ng mga ito.

Fourth year high school ako nang tumigil sa pag-aaral kaya bumalik ko sa fourth year high school ngayon upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral.

Hindi ko sasayangin ang oportunidad na ibinigay sa akin ni Papa at Mama Leti. Magpapatuloy ako hanggang sa makamit ko ang pangarap ni mama na makatapos ako ng pag-aaral.

Binihisan at pinag-aral ako ng tunay na pamilya ni Papa, minahal nila ako na parang isang tunay na kapatid at anak, binibigay nila sa akin maging ang hindi ko kailangan at pinatira nila ako sa kanilang tahanang puno ng kanilang pagmamahal.

Anak ako sa labas ngunit hindi ako nagsisising naisilang ako sa mundong ito, lahat ng pangungutya at pang-aapi ng ibang tao sa nakaraan ng aking ina ay isa walang bahala ko dahil alam ko sa sarili ko na marangal na tao ang aking Ina at hinding hindi ko siya ikakahiya.

Hiding The President's Child Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon