Nanginginig ang mga tuhod ko nang pumasok ako sa interview room. Gusto ko na mag back out pero sa tuwing naaamoy ko ang tsokolateng halimuyak sa interview room ay ayaw ko ng umalis.
Ang bango-bango. . . Nag-crave tuloy ako ng chocolate.
"Miss Alfonso, are you with me?" Tanong ng isang baritong boses ng lalaki.
Jusko, nakalimutan kong nasa kasalukuyan pala ako ng interview. Siguradong hindi na ako matatanggap nito.
"I'm sorry, Sir," paumanhin ko.
"Again, give me a reason why should I hire you?"
Why should he hire me? Oh my gosh, dapat pala nag review ako or nag research ng isasagot ko sa tanong na ito. Anong isasagot ko? Isip Sam, huwag kang bobo umisip ka ng isasagot mo.
"M-masipag po ako sa trabaho at gusto kong matuto sa isang tulad niyo na beterano kung maituturing sa murang edad," mabilis kong sambit.
Hindi ko alam kung saan napulot ng utak ko ang sagot na 'yon pero mukhang hindi naman na disappointed si Mr. Galvez.
"So you're saying you want me to be your trainer? Paano kung sa ibang management kita iassign, anong gagawin mo?"
"Nothing."
Nasilayan ko ang bahagyang pag kunot ng kaniyang noo habang nakaharap sa aking resume. Gusto kong itanong kung may nakita ba siyang typo o grammatical error pero nakakahiya naman 'yon.
"Sige, lumabas ka na," walang emosyon niyang sabi. Akala ko bang mabait ang ceo na ito?
Tumayo ako at naglakad palabas ng interview room. Hindi ko na nakausap kahit saglit si Kianna dahil kaagad itong pinapasok ng babaeng staff sa loob ng interview room.
Ilang minuto ng aking paghihintay dito sa hallway ay magkasabay na lumabas si Kianna at ang ceo na si Mr. Galvez.
"Puwede na ba kayong mag simula ngayon?" Tanong sa amin ng binata.
Napa sunod ako sa pagtango ni Kianna nang bumaling ako sa kaniya.
"Okay. Love, ihatid mo si Miss Kianna sa vice president's office and you Miss Alfonso, come with me."
Ibig sabihin ba nito ay natanggap kami ni Kianna? Pero tama ba iyong narinig ko na tinawag niyang Love iyong babaeng staff? Ka fling niya siguro 'yon.
Nang makaalis sina Kianna ay tahimik akong sumunod kay Mr. Galvez habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri sa sobrang kaba.
"Be professional, Miss Samantha."
"Ha? Yes po."
Pagbukas niya sa kaniyang opisina ay muli na naman naglaro sa aking ilong ang matamis na halimuyak ng tsokolate.
"Maupo ka muna d'yan habang inaayos pa ang puwesto mo sa labas. You will be my secretary for 4 months." Wika niya kasabay ng pag-upo nito sa kaniyang swivel chair.
Nakatanga akong nakaupo dito sa living room ng opisina ni Mr. Galvez habang hinihintay na maayos ang magiging puwesto ko sa tapat ng kaniyang opisina.
Makalipas ang ilang sandali ay napag masdan ko ang paghithit ni Mr. Galvez sa pahabang bagay at nagbuga ito ng usok na siyang pinagmumulan ng matamis na amoy nitong kuwarto niya. Nag v-vape pala siya kaya gan'on ang amoy nitong opisina niya.
"Samantha, I'm embarrassed. Can you stop staring at me?"
Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang pumroseso sa aking utak ang kaniyang sinabi.
"Pasensya na po, Sir. Hindi na mauulit." Paumanhin ko.
Ano ba 'to, bakit naman kasi bigla na lang ako napatulala sa kaniya na parang tanga. Aminado akong gwapo siya at napakalinis niya tignan pero nakakahiya na nahuli niya akong nakatitig sa kaniya.
Makalipas ang mahigit isang oras ay pumasok dito sa loob ng opisina iyong staff na tinatawag niyang Love at sinabi nitong maayos na ang magiging silid ko katapat nitong opisina ni Mr. Galvez.
"Love, paki dala naman ito sa opisina ni Cassandra and please make a cup of coffee for me," utos na naman ni Mr. Galvez sa babae.
Napangiwi ako sa kung papaano siya magsalita. May pa lambing mode ang barito niyang boses beh, pero teka saan kaya dinala si Kianna. Bakit hindi ko siya nakikita dito?
"Sir, nasaan po pala iyong kaibigan ko, si Kianna po yung kasama kong nag-apply dito kanina." Nahihiya man pero sinikap kong itanong sa kaniya, s'yempre siya yung nag hired sa amin.
"Kasama niya ang vice president," wika niya habang nakapamulsa ang kaniyang mga palad.
Kahit papaano ay nawala ang kaba ko dahil magkasama kami ni Kianna dito para mag ojt, kung hindi siguro kami magkasama ay mas pipiliin ko na lang mag-ojt sa kumpanya nila kuya Lucas kaysa sa mag-isa lang ako dito.
"Buti nalang magkasama pa rin kami kahit papaano." Mahina kong sambit.
"Minsan lang sila dito dahil madalas ay nasa EXGC Empire ang vice president kaya parang sa ibang kumpanya siya mag o-on-job training. Kung concern ka naman sa kaibigan mo ay huwag kang mag-alala, Cassandra is a good trainer, paniguradong maraming matututunan ang kaibigan mo kahit na magkasing edad lang kayo." Matamis itong ngumiti sa akin samantalang nangunot naman ang noo ko.
Gusto ko nalang magpalamon sa lupa nang malaman kong hindi naman pala kami magkakasama ni Kianna. Simula high school ay kasama ko na si Kianna kaya feeling ko ay hindi ko kayang mag survive sa ganito kung wala siya.
"Hindi po ba puwedeng dito na lang siya mag ojt, Sir?"
"No."
"Final na, Sir?" Tanong kong muli.
"Hindi nga. Anyway, you will handle my schedule for 4 months, naka installed na sa desktop mo mga list ng mga clients and business partners ng kumpanya. I'll take my leave, I'm running out of time so don't forget to use the intercom if you have something to say, understand?" Sunod-sunod niyang sabi matapos niyang tignan ang oras sa kaniyang relo.
"Yes, Sir." Nilisan niya ang aking silid at muli siyang bumalik sa opisina niya.
Napaupo nalang ako at nagsalumbaba sa aking puwesto. Gawa naman sa salamin ang nagsisilbing pader ng aking silid kung kaya't nakikita ko mula dito sa loob ang nasa labas nitong opisina.
"Hanggang kailan kaya ako makaka survive rito?" Tanong ko sa aking sarili.
Kung titignan mo ay walang katao-tao ang floor na ito maliban na lang kung may pakay sila sa CEO.
I'm starting to dislike this place. Napaka boring at parang hinihigop ng katahimikan ang enerhiya ko, magmumukha akong lantang gulay nito.
Ipinatong ko ang aking ulo sa ibabaw ng aking mga kamay na nakapatong ngayon dito sa aking lamesa. 4 months lang naman kaya konting tiis na lang at pagkatapos ng ojt na ito ay magtatapos na ako ng kolehiyo kagaya ng ipinangako ko kay Mama.
YOU ARE READING
Hiding The President's Child
RomanceSamantha Alfonso have to complete her on-job training within 800 hours, so she applied to a famous company, but unexpectedly she was assigned as the secretary of the company's president The two became close to each other and when Samantha got her fi...