"Chase..." Tawag ko sa pangalan ni Chase nang makabalik na ako sa aking opisina.
"Mama, you're back. Sabi po ni Lolo Peter pumunta ka doon sa isang pang malaking building sa tabi nung xfinite, tanda ko may empire 'yon eh. Magtatampo sana ako kasi hindi mo ako sinama pero nag enjoy naman ako kasama si Lolo Peter." Sambit niya habang kumakain ito ng pancakes.
"You should call him Sir Peter, Chase."
"But he want me to call him lolo. They even gave me pancakes." Masayang sabi nito.
"They?" Pagtataka ko.
"Yeah, do you remember my classmate in province who always give me flowers? She came her with her papa and she said Lolo Peter was her grandpa."
"Is that so... Did you have a good talk with your old classmate?
"Yes po, na kuwento ko sa kaniya na dito na ako nag-aaral and gusto niya na rin lumipat para maging magkaklase ulit kami. Isn't that great na magkakaroon na ako ng kaibigan sa school no'n?"
"Bakit, wala ka pa bang mga kaibigan ngayon? Akala ko bang friendly ang Chase ko?"
"W-whatever..."
Matapos niyang maubos ang kinakain niya ay umuwi na kami.
***
Gabi na ng dumating si kuya Lucas at hinahanap niya si Chase kaya kumatok ako sa kuwarto nito upang tawagin siya. Hindi pa naman siya natutulog at naglalaro lang ito sa iPad niya.
"Chase, nandito si tito Lucas mo."
Mabilis na bumukas ang pinto at lumabas si Chase sa kuwarto niya. Naghanda ako ng miryenda dahil alam kong hanggang mamaya sila magku-kuwentuhan.
"Balita ko may gaganaping event sa AU sa friday." Sambit ni kuya Lucas.
Takang nabaling ang tingin ko sa kanilang dalawa. Anong event? Bakit walang sinasabi sa akin si Chase?
"Meron nga po, sinabi sa amin ni teacher noong monday."
"Friday na bukas, anong event?" Takang tanong ko.
"Hindi mo alam? Chase, hindi mo sinabi sa mama mo? It's a family day." Gulat na sambit ni kuya Lucas
"I don't want to attend." Mahinang sabi ni Chase.
What's wrong with him? Last year nag attend pa kaming dalawa sa family day nila sa school, sobrang excited pa niya no'n and now ayaw na niyang mag-attend.
"We should attend, 'di ba nag enjoy ka last year dahil maraming games at tsaka—" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang sigawan ako nito.
"Sabing ayoko nga!" Mabilis siya tumakbo pabalik sa kuwarto niya at naiwan kaming gulat na gulat ni Kuya Lucas sa inasal nito.
Susundan ko sana si chase sa kuwarto niya ngunit pinigilan ako ni kuya.
"Ako na lang ang kakausap sa kaniya." Sabi nito at hinayaan ko muna siyang kausapin si Chase.
***
Ilang minuto akong pabalik-balik nang lakad dito sa sala at nang lumbas si kuya sa kuwarto ni Chase ay sinalubong ko na siya.
"How is he?"
"Nakatulog na. Sasamahan ko kayo sa event tomorrow, susunduin ko kayo ng 8 am magpahinga ka na uuwi na ako."
"Ingat ka." Sinamahan ko ito hanggang sa paglabas niya sa penthouse.
Kinabukasan ay maaga itong dumating, mabuti na lang at maagang nagising si Chase kaya maaga rin kaming nakapag-ayos.
YOU ARE READING
Hiding The President's Child
RomanceSamantha Alfonso have to complete her on-job training within 800 hours, so she applied to a famous company, but unexpectedly she was assigned as the secretary of the company's president The two became close to each other and when Samantha got her fi...