Chapter 31

391 7 0
                                    

"Miss, may patient ba ritong Austin Galvez?" Tanong ko sa babaeng nasa front desk upang makasiguradong nandito nga siya, baka pinaglololoko lang ako nung tumawag.

"Sandali lang po, mam."

"Austin Galvez, room 27 po." Sambit nito.

"Sige, salamat."

Nagmadali ako sa pagtungo sa nasabing room number. Pagkapasok ko sa naturang kuwarto ay nadatnan ko ang isang dalagang babae at isang matandang lalaki na siyang nakausap ko siguro kanina sa telepono.

"Kayo po ba yung nakausap ni itay sa telepono, yung asawa nitong pasyente?" Tanong ng dalaga sa akin kasabay ng pagtayo nito mula sa pagkakaupo sa upuan.

"Hindi niya ako asawa pero ako yung tinawagan niyo." Sagot ko sa dalaga at bumaling naman ako sa mamang nakaupo. "Anong po nangyari sa kaniya?" Tanong ko.

"Hindi pa namin alam hija. Nagtatanong ang doctor kung mayroon ba itong komplikasyon sa puso, hindi nmana namin masasagot iyon dahil hindi naman namin kayo kilala. Sarado na kami nang bumalik siya sa shop ko kagabi dahil may kukunin daw ito sa kotse niya, nagawa na namin yung kotse niya kaya iuuwi na niya sana rin iyon pero noong iabot ko sa kaniya ang susi ng kotse bigla na lamang sitang nawalan ng malay." Kuwento ng matanda.

Uminom ito ng tubig na binigay ng dalaga at muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Isinugod namin siya rito nung boy ko sa shop, kaso umaga ka na namin na kontak kasi hinintay ko munang umuwi ang anak kong ito, siya lang kasi ang nakakaalam kung paano pakyelaman itong telepono ng kasintahan mo."

"Maraming salamat po sa pagdala sakaniya dito sa hospital. Magsabi lang po kayo kung may kailangan kayo." Pagpapasalamat ko.

My God, Austin, anong nangyayari sa 'yo? Nakakastress ka.

Nang mabaling ako sa dalaga ay bahagya akong naabala sa malalim na titig sa akin ng mga kumikinang niyang mga mata at tila ba'y may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili.

"May problema ba?" Mahinahon kong tanong sa kaniya.

"I-Ikaw po ba iyon? Iyong kapatid nung may-ari sa melody?" Tanong nito at napansin ko ang pamumula ng kaniyang mga tenga.

"Ah ako nga." Bahagya akong natawa sa reaksyon nito, para siyang sasabog sa sobrang tuwa.

"P-puwede po bang malaman kung hiring sila ng designer tapos ano-ano po yung mga requirements? Ang tagal ko nang gustong makapasok doon. Ay e-eto po pala may sample ako ng design ko puwede mo pong p-pikturan kung gusto mo."

Tiningnan ko ang mga sample ng kaniyang design at kinuhanan ko ng letrato ang isa sa mga iyon.

"Wala pang hiring sa melody as of now, but can give me your number? Sasabihan kita kapag nakakuha ako ng position para sa 'yo."

"T-talaga po?! Maraming salamat po ate! Ay pasensya na po napalakas yung boses ko hehe..." Masaya niyang sabi.

"What's your name, by the way?"

"Phoebe Galang po, ate Samantha. Fan na fan mo ako, lagi ko pong naririnig yung pangalan mo sa mga interview ni Mr. Alfonso, kasi galing daw sa 'yo yung mga nag trend na design in the past few years. Picture mo lang ipinapakita sa screen eh pero mas maganda ka pala sa personal at ang bait-bait mo pa. Totoo pala ang chismis haha."

"Chismis?"

"Na mabait kayo, mukha kasi kayong masungit sa picture hehe."

Na curious tuloy ako kung aling picture ko ang ipinapakita nila sa on screen.

"Sige po ate, uuwi na po kami ni tatay ko, siguradong mag-aaya na siya pauwi nito." Pabulong niyang sabi.

"Mag-ingat kayo. Sa may kanto ng sampaguita street lang naman yung shop niyo hindi ba? Kukunin ko nalang mamaya iyong kotse niya."

"Sige po."

Makalipas ang isang oras bago makaalis ang mag-ama ay dumating ang doctor. Na sabi noon sa akin ni Austin na nagka komplikasyon siya sa puso at na operahan siya noong bata siya pero hindi ko alam kung anong klaseng sakit sa puso iyon.

The doctor also said that base on his blood test he's recently been taking some medication for numbness. Pinaghalong kaba ang pag-aalala ang naramdaan ko sa mga sinabi sa akin ng doctor. I wanna know what happen in the past few years, bakit siya umiinom ng mga gano'ng gamot, anong nangyari sa kaniya?

"Sam?"

Bumaling ako sa kaniya at pinagmasdan ko itong dahan-dahang lisananin ang kama at tumayo.

"Magpahinga ka muna." Sambit ko. Hindi ko na kinaya ang malalim nitong titig sa aking mga mata kaya nag-iwas na ako ng tingin.

"Aasikasuhin ko na yung bills ko para makauwi na tayo," aniya.

"Babalikan ka ng doctor maya-maya. Maupo ka na muna."

"Maayos naman na ako." Naglakad ito patungo sa pinto upang lisanin sana ang kuwarto ngunit bago pa man siya makalabas ay pinigilan ko na ito.

"Anong maayos?! Maayos ba iyong bigla-bigla nalang nahihimatay? Maayos ba ang tawag mo sa pag-inom mo ng mga gamot? Tell me para saan ang pag-inom mo ng mga gamot na iyon."

"I... I can't tell you, sam, I'm not ready to tell you now."

"Bakit, Austin? Why can't you tell me what happened to you?!"

Hindi ko maiwasang pagtaasan ito ng boses dahil medyo naiinis na ako sa kaniya. Bakit ba kasi ayaw niyang sabihin sa akin, isip niya ba huhusgahan ko siya? Ang babaw naman no'n.

"H-hindi ko talaga kayang sabihin sa 'yo."

"Iyan yung mahirap sa 'yo eh, yung ayaw mong magsabe. Sige kung ayaw mo hindi na kita pipilitin, bahala ka na. Huwag mo akong gugulihin, kami ni Chase lubayan mo kami."

Pabagsak kong inilapag sa lamesa ang niresetang gamot ng doctor, aalis na sana ako ngunit mahigpit na pumalupot sa akin ang mga braso ni Austin.

"M-magsasabi na ako Sam, hindi nga lang ngayon pero pangako sasabihin ko lahat sa 'yo. Just please don't leave me... Again."

"Bitaw." Malamig kong sabi pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakal sa akin mula sa aking likuran.

"Bitaw sabi."

"Hindi, ayoko. Promise me na hindi mo ako iiwan then bibitawan kita."

"I won't make promises to someone who can't be open with me." Sapilitan kong tinanggal ang mga braso nitong nakayakap sa akin at tuluyan ko nang nilisan ang kaniyang kuwarto.

The moment I left, I know that I hurt him... again.

Kinuha ko ang telepono ko sa aking bag at kinontak ang numero ni Kuya Lucas. Naka tatlong dial ako bago niya ito sagutin.

[Sorry hindi ko kaagad nasagot, sinamahan ko sa check up si Cassandra. May problema ba?] Aniya pagkasagot niya sa tawag.

"Kasama mo pa ba siya ngayon?"

[Yeah, pauwi na kami.]

"Ayokong mag cause ng stress kay Cassandra ngayong nagbubuntis siya pero kailangan niyang malaman na isinugod sa hospital si Austin kahapon, puwede niyo ba siyang sunduin dito? We're not in good terms that's why..."

[I get it. Naririnig ka rin ni Cassandra. Send me the hospital address, dadaretso na kami d'yan ngayon.]

Sumakay ako sa aking kotse at itinext ko muna kay kuya itong address ng hospital bago ako tuluyang umuwi.

Maingay na nag bahay pagdating ko kaya't nasisiguro kong gising na sila Chase. Pagkapasok ko ay sumalubong si Chase sa akin.

"Ma, saan ka galing? Nasaan si papa?" Takang tanong nito sa akin

"Pack your things, we're leaving." Tanging sagot ko sa kaniya na siyang bahagyang ikinataka nito.

"Ngayon na po?"

Tumango ako. "Yes, immediately."

Hiding The President's Child Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon