Chapter Three

28 2 6
                                    

Chapter 3

Ellisha's POV.


GUMISING na ako Ng maaga dahil ito na Yung araw na inaantay ko, nag impake na rin ako dahil titira na ulit ako sa dating boardinghouse ko na malapit sa school, malayo kasi Yung school sa bahay eh, mga five hours away, Ang hassle naman kung gigising ako Ng maaga tas uuwi Ng Gabi tapos, Yung pamasahe pa sa van diba?

Lumabas na ako Ng kwarto ko at Nakita ko si Drix at si Kiel sa labas nag reready na rin papunta sa school nila, Ang kaibahan lang sa aming tatlo, ay masyadong mamahalin paaralan ko at malayo rin, habang sakanila, mahal rin naman Yung babayaran sa school kaso malapit lang din dito, sa totoo lang mas masaya ako pag malayo school ko dahil di ko na kailangang umuwi dito araw araw, siguro mga weekend, need umuwi dahil baka kung ano daw gagawin ko dun sa boardinghouse at baka raw lumandi ako. Duhh kahit na lumandi ako, Wala namang papatol saken tss

"Nak, halika na mag aalmusal na" bungad agad Sakin ni mama sa kusina, at Nakita ko na andun na rin Yung gagong Yun, umiinom Ng kape, tss kala mo kung sinong seniorito, panget naman hmph!

Lumapit na ako at umupo saka sinimulan ko ng kumain kasabay na rin Ang mga kapatid ko, habang kumakain ay laging pinapaalala ni mama Yung gagawin ko dun sa boardinghouse at school.

"... Tapos pag mamasyal kayo Ng kaibigan mo magsabe ka sa akin, di porket malayo ka na sa amin ay pwede ka na mag lakwatsa okay?" Tumatango lang ako dahil memorize ko na yan, Ang daming bawal pero naintindihan ko, atsaka pinapayagan rin naman ako mamasyal dahil Wala Silang nagagawa nasa malayo ako

" Bawal mag dala Ng boys sa bahay, no boyfriends muna please?"

" Kailan ako nagkaboyfriend ma? Parang Wala naman ah" pagsagot ko sakanya, inirapan niya lang ako

" Sus maniwala ka jan na walang boypren Yan! Sa landi mong Yan Wala?!" Singit naman ni gago, napapikit nalang ako sa inis at pilit kinakalma sarili ko, sinabihan naman siya ni mama na wag makisali sa usapan namin, pero kahit ganun, naiinis parin ako

" O sya, bilisan mo ng kumain jan at baka maiwan ka ng van, isang oras pa yung susunod na van eh,kaya bilisan mo jan"

Natapos na akong kumain, at naghugas ng plato at nag pakain ng alaga namin, andito na kami sa terminal papunta sa boarding house ko. Bitbit ko yung mga maleta at ang iba ko pang gamit na maaaring gamitin ko dun. Lumingon ulit ako kay mama at hinug siya

"Basta, yung mga habilin ko sayo ah? I'm always watching you Ellisha Callista" naka krus pa yung braso ni mama kayang nakangiting tumango nalang ako

Lumipas ang limang oras, huminto na yung sinasakyan kong van, kaya isa isa kaming mga pasahero na lumabas, pagkalabas ko ng van ay nagulat ako na may tumakip sa mga mata ko kaya siniko ko siya sa likod at narinig kong napadaing siya at natanggal yung mga kamay niya na nasa mata ko, pagka lingon ko

"JED!" nagaalalang sigaw ko sabay lapit sakanya para sabayan siya sa pag daing

"Aw! My tummy!"

"S-sorry! Aw? Aw? does it hurt? Ouch? masakit pa ba?"

tinignan niya ako ng masama " masakit. pa.ba?" nanggigil niyang sabi kaya bigla niya akong inakbayan at hinila pababa kaya napa aray din ako

"Eh kung ikaw kaya sikuhin ko sa tyan? Masakit pa ba ha? Masakit ba pa?"

" Ah! Aray! Masakit na!" pinapalo ko pa yung mga braso niya para sana mabitawan ako, eh sinasakal niya na ako gamit ang braso niya

"Masakit? Masakit? ha?" at mas hinigipitan niya pa ang pag sakal niya saken gamit ang braso kaya napaubo ako, nagtaka ako nung biglang lumuwag yung pagkasakal niya saken at napadaing nalang siya

When We believe (ON-GOING)Where stories live. Discover now