Chapter Seven

11 0 0
                                    

Ellisha's POV.



"Huy! Sorry na nga kasi! Ambilis mo naman mapikon tapos ang tagal mo namang tanggapin sorry ko, kanina pa ako nanunuyo sayo kahit na di naman kita jowa para suyuin!" reklamo niya at nakanguso rin siya na para bang nagtatampo na rin siya, umirap nalang ako dahil hindi bagay sakanya.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa boarding house ko, di ko parin siya bati, napaka OA at arte ko man tignan, pero wala eh napag tripan kong mainis sakanya. Kanina pa siya ganyan, halos pinag titinginan na nga kami ng iba, may iba pa nga pinag isipan kami na mag jowa, how did I know? Narinig ko kasi kanina habang nag lalakad kami na 'Naol sinusuyo ng jowa'

Anyways, wala akong balak pansinin siya dahil... trip ko lang. Kung ano ano na ang  ginagawa nito sa gilid ko, kanina nga muntik nato masagasaan eh, buti nahila ko agad pero di ko parin to kinikibo at sinasamaan lang ng tingin.

"Elli-shaaaaaa" Nakangusong sabi niya at ngayon tumalon talon ulit siya na para bang bata na namimilit na bilhan ng laruan

" Tumigil ka na nga! Para Kang bata Jan" naiinis na Sabi sakanya. Di ko alam kung bat naging ganito to! Minsan seryoso pero kadalasan? Ewan ko nalang

" C'mon, parang Yun lang eh, gagalet ka agad Jan-" He stop talking when I faced him with a serious face

" Okay fine, forgiven ka na since di naman ako ganun ka OA at gawing big deal Ang lahat " Sabi ko at tinignan niya lang ako na parang natatawa kaya I frowned my face when he starts laughing and poke my waist na para bang kinikiliti ako kaya napaigtad ako.

"Uyyyy, ngiti nga Jan"

" Stop it, Sabastian" I gave him a death glare pero Ang Tanga di nadala at kinikiliti parin ako

"Asusss sungit sungit, di oobra saken Yan! Smile nga! Ngingiti na yan, ngingiti na yan" he starts chanting that makes him look ridiculous kaya napatawa na rin ako, ngunit napatigil ako nang may pamilyar na Boses ang tumawag sa pangalan ko.



" Ellisha..."

Napalingon ako sa tumawag saken at Nakita ko Ang seryosong mukha ni mama dahilan na napalayo ako kay savi. Tumikhim ako at nag aalangan na tumingin sa kaibigan ko.


"Ahh sige, sab... Salamat sa..." owshit! Ano sasabihin ko? Pag sinabe kong hinatid, mag tatanong si mama kung bat ako hinatid, kung sasabihin ko namang 'pag sama sa akin' mas lalong magtatanong yun kung bat kelangan pa akong samahan! Fudge! bahala na! "... sa pag sabay sakin, sige, nasa unahan pa bahay mo diba? Ingat nalang"


Nakita ko ang pag kunot noo ni Sav pero mukhang na gets niya nung palihim ko siyang pinanlakihan ng mata.


"Uh... Yeah, thank you to-"


"Ellisha, pumasok ka na! Hapon na hapon lumalandi ka!" putol ni mama kay sav, nahihiyang tumango ako sa lalaki bilang pamamaalam.


Nakatungong pumasok ako sa boarding house, nahihiya ako kasi andaming kapit bahay ang naka tingin at lalo na nung sinabihan ako ni mama na malandi ako. Pagpasok ko sa may salas ay nakapameywang na si mama sa harap ko.


"Ma-"

"Malandi ka" gigil na sambit ni mama, kitang kita ko ang galit na emosyon sa kanyang mata.


"Ma, kaibigan ko lang naman yun eh, nagka sabay lang kami kanina since malapit lang bahay nila dito" Akala ko... akala ko matatanggap niya ang rason ko... Ang lakas ng kabog ng puso ko, kinakabahan sa mangyayareng away namin ni mama ngayon.

When We believe (ON-GOING)Where stories live. Discover now