Chapter Four

59 2 0
                                    

Chapter 4

Ellisha's Pov


Natapos na Ang orientation namin sa Personal Development, at ngayon ay lalabas na kami para mag lunch, nauna na kaming lumabas ni khira habang si Sabatian Kamari naman ay nandun pa at nagpaiwan, well di rin namin Siya inaya, di ko naman Yun tropa no, para ayain!

" Woi Alli! Ano Yung binato ni Savi kanina? Opss! Wag mong itanggi! Nakita ko!" Napairap nalang ako dahil alam niyang sasabihin ko na Wala lang, pero sadyang makulit Ang lahi niya Sige, pag bigyan natin

" Sinabi niya na maghihiganti daw siya saken" casual na Sabi ko habang naglalakad patungo uli sa canteen

" Talaga?! Kung ganun..." Gulantang Sabi niya at napaisip pa siya, kung nagtataka kayo kung bat lagi kami magkasama ni Khira, it is because ginagamit niya ako /*inner pout; At ako naman si Super woman, na nagpagamit naman. Charot! Eh kasi magkaklase kami at magkaklase rin kami sa music lesson.

"... Bat di ka kinakabahan? Diba dapat mag ask help ka or something?"

" Gaga! Hayaan mo Siya, kasalanan ko rin naman, pero kung sakali man na ano..." Saad ko naman habang naglalakad

" Ano?" Tanong ulit saken ni khira, malapit na kami sa pwesto nina Heaven


"Hmmm... Kung sakali man na ganun din Yung paghiganti niya, Edi Wala siyang originality!" Sabi ko at tamang tama andito na kami sa pwesto namin at umupo na ako

" Gaga! Akala ko naman kung ano" Sabi ni Khira sabay hampas saken at tumabi na saken Ng upo.

" Anong walang originality?" Tanong agad ni Aira sa amin



" Eh kasi, kaklase pala namin si Savi! Tapos tinapunan niya Ng papel si Alli!" Kwento ni khira at nakinig naman Ang tatlo na si Aella, Heaven at Aira


"Ows? Oh tapos?" Heaven said it in a monotone voice

" Tapos! Ang nakalagay daw dun is Maghihiganti daw si Savi Kay Alli!" Patuloy sa pagkwento ni Khira na para bang nakaka amaze Yung nangyare kanina

" Oh tapos?" Tanong rin ni Aella na sobrang interesado sa kwento

" Oh tapos.... Yun lang" napasimangot naman Ang iba habang si Heaven ay walang pake


"Yun lang?" Nakangusong tanong ni Aira

" Oo, Yun lang! Yun lang kasi Ang na kwento ni Alli eh, diba Al?" Tanong ni Akhi saken at napatango nalang ako

" Edi ikaw magkwento Calli!" Saad naman ni Aella sa akin kaya ayun nag kwento na rin ako


" Tapos nun, tinext ko siya at sinabe ko na ' lampake! Sa ating dalawa ikaw Yung mas mukhang unggoy! Gawin mo Ang gusto mong gawin' Yun tapos napagalitan siya sa paggamit Ng phone niya" kwento ko at nilabas na Ang phone ko para i-text sana si Eurydyce para sumama sa amin na mag lunch nang Makita ko Yung text message kanina, Gago! Siya pala Yung nag text! Buti nalang di ko tinignan kanina kundi lagot ako Kay miss

Tinignan ko Yung text niya at napakunot noo ako sa Nakita Kong text niya

From: Unregistered number

Becareful what you wish for

To: Unregistered number

Wala akong wish tanga!

Pagkatapos Kong sinend Yun tinext ko na si Eurydyce at nag reply naman siya na paparating na raw siya

When We believe (ON-GOING)Where stories live. Discover now