Chapter 25

12.1K 342 47
                                    

Errors ahead!

Third person POV

Dumagundong ang boses ni Valeriox sa bawat sulok ng eskwelahan. Galit na galit ang tatlong mafia boss matapos nang nangyari sa babaeng minamahal. Pakiramdam nila ay naging pabaya sila at hindi tama ang naging desisyon nila na parehong ipasok ang dalaga sa ganitong klaseng paaralan.

“Find that man and bring him to me alive!" Nangangalit ang pangang sigaw ni Valeriox sa mga tauhan.

Napasugod ang mga ito matapos malaman ang trauma na dinanas ni Maria sa loob ng eskwelahan kaninang hapon at gusto nilang paputukan sa ulo ang sino mang gagong may gawa niyon.

Hindi halos maka-imik si Kohei habang tinatanaw ang mga estudyanteng takot na takot habang nakayukong pareho sa tatlo niyang amo. Mapa-babae man o lalaki, walang pinipili kahit na iyong mga guro at iba pang staffs.

Para sa kaniya ay nararapat lang ang mga itong matakot. Tatlong makapangyarihang lalaki ba naman ang ngayong nasa harapan nilang lahat at galit na galit na halos pasabugin na ang kanilang mga bungo. Higit sa lahat ay ang mga ito pa ang may-ari ng eskwelahang kinatatayuan nilang lahat ngayon. Ganoon ang mga itong ka-makapangyarihan, napapaluhod ang kung sino man.

“Oh," napabaling siya sa kaibigang si Phyllis nang may inaabot itong isang sigarilyo sa kaniya, mabilis niya iyong kinuha at nakisindi rito. “Tsk tsk, tahimik sana ang eskwelahang 'to kung hindi nila pinakialaman ang pagmamay-ari ng mga halimaw nating amo."

Bumuga siya ng usok habang nakapan-dekwatrong panlalaki. Sang ayon siya sa sinabi ng kaibigan, kahit na sila ay may takot din sa tatlong amo na kapag nagagalit ay daig pa ang kulog sa langit.

“Nasaan ang girlfriend mo?" Takang tanong niya rito, mabilis dumapo ang malakas nitong sapak sa kaniyang sikmura dahilan para mapadaing siya. “Fuck! What did I do?!"

“Shut up!" Asik nito kapagkuwan ay salubong ang kilay siyang tinignan ng masama. “Do you like, Gab?"

Napaawang ang kaniyang bibig at saka humalakhak. Hindi niya napigilan ang sariling matawa sa sinabi nito. What the heck? Siya? May gusto kay Gab?

“No way, sa'yo nalang ang girlfriend mo,"

Phyllis snorted in annoyance, bahagyang inirapan ang kaibigang ngayon ay nasa harapan ulit ang tingin. Nagtataka siya kung bakit minsan ay malalim ang iniisip ni Kohei, minsan ay tulala at may kausap sa phone.

“Huy!" tawag niya rito, nakataas ang kilay na lumingon ito sa kaniya. “Ikaw ba ay may tinatago sa'min? Tell me, you freak."

Natigilan ito, at sumeryoso ang mukha.

“What makes you think I'll tell you?" Kapagkuwan ay bumaling sa usok na ibinuga nito. “If you're thinking that I'm a traitor, please stop. What I'm hiding has nothing to do with the mafia, it's something personal."

“Tsk, kaya pala may katawagan ka ah, akala mo naman kung sino ang may jowa."

Ngumiti lang ito, kumikislap ang mata at tila may naalalang masayang pangyayari.

“I'll tell everyone when we get back in the Philippines."

Naiwan siyang nagtataka sa sinabi nito at walang nagawa kundi ang tignan nalang itong maglakad papalapit doon sa may komusyon.

Their Wild Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon