Chapter 29

12.6K 355 60
                                    

Errors ahead..

Maria Clara's POV

I scratched my cheek while busy pointing the tip of my feet at the crystal clear water. Naka-upo kami ngayon sa damo sa gilid ng tubig matapos naming mag-dinner kanina.

It feels surreal, parang hindi makatotohanan ang mga pangyayari. Hindi ko maiwasang balikan ang kaginhawaang nadama matapos kong ihayag ang pagpayag sa panliligaw nila.

Muli ay dinama ko ang masarap na tubig sa'king paa, kumikislap iyon dulot ng liwanag ng buwan. Tuloy ay gusto kong lumusong at maligo roon.

"Why are you smiling hmm?" Si Valeriox iyon.

Nainguso ko ng kaunti ang labi sa kakaibang dulot ng malambing niyang boses.

"G-Gusto kong maligo," kapagkuwan ay malungkot na bumuntong hininga. "K-Kaso gabi na, s-saka baka bawal."

"But you really want to swim?" Tanong ni Alken sa akin. Tumango ako. "We'll swim with you then."

Namilog ang mata ko, hindi ko inasahang ganoon ang sasabihin nito.

"T-Talaga?" Bagama't gulat ay hindi maitatago ang aking pagkagalak.

"Of course, my sweet!"
He said, chuckling, while he slightly pinch the tip of my nose.

Mabilis akong naalarma nang makitang tumayo ang mga ito, lumubo ang pisngi ko nang makita si Isaac na walang pagdadalawang isip na hinubad ang puting long sleeve.

Halos hindi ako makalunok nang makita ang namumutok nitong katawan.

Nakita ko kung paanong mahinang sinuntok ni Alken ang sikmura nito dahilan para madrama itong mapahawak roon.

"What the fuck, man?!" Asik nito sa kaibigan.

"You're scaring her, asshole!"

Natigilan ito at napabaling sa'kin, kasabay ng pagtakip nito sa katawan ay ang pagtalikod ko.

Hinawakan ko ang dibdib, pinapakalma dahil pakiramdam ko ay magigiba iyon sa sobrang lakas ng kabog. Nararamdaman ko rin maging ang pag-iinit ng aking pisngi.

Hindi ako sanay na makakita ng ganoon, kahit ang totoo ay may damit man sila o wala, kapansin pansin parin ang pamumutok ng kanilang katawan tuwing may suot silang damit.

Natigilan ako nang may maalala.

"W-Wala pala akong dalang damit.." ani ko, malungkot na para bang iyon ang pinakamasaklap na nangyari sa araw na ito.

Nanatili akong nakatalikod sa kanila kaya hindi ko nakikita ang kanilang reaskyon. Narinig ko ang buntong hininga ni Valeriox.

"We'll go first, and you can t-take your dress off," nanlaki ang aking mata, ngunit hindi parin nagsalita. "D-Don't worry! We won't look."

Nakahinga ako ng maluwag sa mabilis nitong dugtong. Kagaya ng sinabi nito ay nauna nga ang mga itong lumusong sa tubig, hindi ko sila sinulyapan dahil hanggang ngayon ay kinakabahan parin akong maghubad ng damit.

Huminga ako ng malalim at inilibot ang tingin sa paligid. Madilim, wala na iyong mga lalaking nagdala ng pagkain at iyong musikero matapos ang mga itong kausapin ni Valeriox kanina.

Their Wild Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon