Chapter 38

9.2K 322 20
                                    

Mary Odette's POV

"Ms. Odette? Hindi ka pa po ba uuwi?" Tanong sa'kin ni Janet nang mag-alas sais na ng hapon.

Itinigil ko ang pagsubo ng paboritong nuggets upang tignan siya. Kung may namana man sa'kin si Jaden, iyon ay ang pagkahilig ko sa pagkaing 'to.

I didn't know why but a sudden flash of vision came in my head. Napakurap kurap ako at napahawak sa sintido. What was that?

"Ms. Odette?"

"H-Ha? Ah.. sige mauna kana, mamaya nalang ako." Ngumiti ako sa kaniya upang siguruhing okay lang talaga sa'kin.

Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na ito. Naiwan akong mag-isa sa loob ng studio, kumakain sa loob ng maliit kong office.

Napanguso ako dahil sa kaba, naaalala kona naman na ngayong gabi pala ang date na utang ko kay Mr. Toscano.

Ang makita ito ay nagbibigay talaga ng kaba sa'kin, ngunit hindi ko rin maitatanggi ang kagustuhang muli itong makita.

Muling rumagasa sa'king ala-ala ang gwapo nitong mukha. Kamangha manghang tignan at halatang foreigner ang lalaki. Katulad nong estrangherong nagnakaw ng halik sa'kin!

Umiling ako upang tanggalin sa isipan ang lalaking iyon. Nag-iinit na naman ang pisngi ko sa naalalang huling sinabi nito. Napaka talaga!

Minabuti kong tawagan na lamang si Jaden upang mangumusta rito. Hindi ko ito masusundo ngayon at mas lalong hindi rin ito masusundo ng daddy niya dahil may operation ito sa mga oras na 'to.

Gustavo is a retired chef and now a professional doctor. He owned one of the most respected hospitals in Makati kaya talagang importante ang oras nito.

"Hello, momma!"

"Jaden baby, nasa bahay kana ba?"

Humagik-ik ito sa kabilang linya.

"Yes, momma! And guess what?"

Napakunot noo ako nang mapansing tila may binubulongan ito.

"What?"

"Daddylo fetched me! Nandito siya sa bahay, kaya please umuwi kana, momma!"

Bahagya akong nalungkot. Daddy's at home, sayang lang at kailangan kong ituloy ang naudlot na date ko sa pinakaimportanteng donator ng Charity.

"I can't make it today, baby. May date si momma remember?"

Natahimik ito, panigurado ay nagtatampo.

"Baby? Can you give the phone to your Daddylo?"

"Mary hija."

Lumambot ang puso ko sa pagbati nito. Gusto ko tuloy e-cancel nalang iyong date at umuwi, pero alam kong hindi pwede. Baka mainip si Mr. Toscano 'pag tumanggi na naman ako ngayon, bawiin pa ang pera sa charity.

Napalabi ako, hindi naman siguro ganoon ang lalaki. Nakakahiya iyon pag nagkataon!

"Dad! I missed you!"

Kung naroon lang sana ako ay yayakapin ko ito ng mahigpit. Namiss ko ito ng sobra. Dad is on his late 40s but still he looks younger than his age. Gwapo at makisig parin.

"I missed you too, sweetheart. I heard you have a date? With my son?"

Napangiwi ako, nahihiyang nagkamot ng noo.

"Ah.. not with Gustavo dad.." I sighed at saka mas piniling sabihin rito ang totoo.

"Oh.. make sure to go home early, alright? I would love to see you tomorrow in the mansion. Pumunta ka."

Their Wild Obsession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon