Chapter 2 "The Cousins"

60 46 6
                                    

Third Person's POV:

"Hey imported kong pinsan" mga salitang sinambit ng binatang kakapasok pa lang ang pumutol sa usapan ng mag lola at ng bagong dating na apo.

"Ano ka ba Azriel napaka bastos talaga ng bunganga mo eh. Tumahimik ka nga, mamaya mailang pa satin si Ate Nathalia." Napaghampas naman ng kasama niyang babae ang braso nung lalaki habang palapit sila sa dalawang nag uusap sa may sala.

Nathalia's POV:

"Bakit na naman ba Azula, ano na naman ba ang nasabi ko? Sinabi ko lang naman na 'Hey imported kong pinsan' anong naman ang masama dun eh sa US sya lumaki. Kakauwi lang niya ngayon, syempre imported sya!"

"Ay may pagkatanga ka naman pala eh. Ewan ko ba kung bakit kambal tayo, dapat tinae ka na lang ni mama nung pinag bubuntis nya tayo noon. Engot ka din eh ano, kung ako ang sasabihan mo nyan maiinis talaga ako sayo ng sagad. Biruin mo nun, kakauwi mo lang galing states ng sobrang tagal tapos tatawagin ka ng pinsan mong kumag na imported." sila siguro yung pinsan ko na anak ni tita, nakababatang kapatid ni mommy. Napatawa na lang ako ng mahina sa pag aaway nila, ang cute kasi.

I don't understand some of the term that Azula said like kumag and engot but I get the feeling na I will hear it more often lalo na kasi makakasama ko na sila.

"Hey, you guys don't need to fight. Hindi naman ako na-offend sa sinabi ni Azriel eh, it's kind of funny nga." I laughed a bit while Azula once again hit her twin brother.

"Eh ate Nathalia, kapag hinayaan mo lang ang bunganga ng gagong toh, hindi talaga yan mapapatimo. Napaka bastos pa man din ng bibig nitong engot kong kambal." Azula sat down next to tatay and gave him a side hug. Siguro nga sobrang close nina tatay at mamilola sa mga apo nila. Azriel then sat beside me and stared at my face, wait... is there something wrong? I laughed awkwardly

"Hoy Azriel, napaka creep mo talaga. Hindi mo ba napapansin na sa kakatingin mo, uncomfortable na si ate Nathalia? Tigilan mo nga!" Siniringan na lang ni Azriel ang kapatid nya habang binato naman siya ni Azula ng throw pillow. Napatigil na lang sila sa pag aaway nung nagsalita na si tatay at sinaway sila.

"Ano ba kayong dalawa, lagi na lang kayong nag aaway. Nung mga bata naman kayo hindi naman kayo ganyan ah, sobrang close nyo nga eh. Si Azula laging kuya Azi ang tawag kay Azriel, tapos si Azriel naman baby sis ang tawag sayo Azula. Atsaka mahiya nga kayo, andyan na yung ate Nathalia niyo oh, tigilan nyo na yan!" hinawakan ni tatay ang kamay ni Azula when she attempted to throw another pillow towards her brother. Tatay didn't notice Azula's other hand had already threw another pillow towards the direction of her twin, although it did not hit Azriel. It hit me.

"Hoy Azula napaka engot mo din naman pala, may pagkatanga din. Nabato mo tuloy si ate Nathalia sa mukha ng unan, ate okay ka lang? Pabayaan mo na yang si Azula, medyo air head yan paminsan minsan eh." Kinuha ni Azriel yung unan na nabato sakin habang inaayos yung nagulo kong buhok.

"Ang hilig niyo talaga mag away noh? Okay lang ano ba, it's not a big deal. I actually want to see the playful side of both of you more, and please just call me ate Thalia, ang long naman kapag Nathalia pa." Nginitian ko sila habang sinasabi yun. "I want us to have more interaction nga because I don't know anyone here in the Philippines, gusto ko nga kayong maging ka-close. And besides, we all took modeling right? Why don't we all look for the same agency to sign up para mag kakasama na lang tayo." I tried to persuade them, I might actually look like a fool right now. I'm desperate okay? Ayoko maging mag isa dito, I barely know anyone.

"Ay sakin ayos na ayos yun. Ewan ko lang dyan sa kambal kong kumag na wala nang ginawa kundi mang babae." Azula run to my side while pushing Azriel off his seat so she could sit next to me.

𝙏𝙝𝙚 𝘾𝙤𝙡𝙙 𝙈𝙤𝙙𝙚𝙡 [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon