11

14 4 0
                                    

ASHTINE

"UY, una na ako, ha?" Saad ni Cielle at tumango nalang naman ako sa kaniya. "Tawagan mo ako kaagad kapag may nangyaring masama sa 'yo, tsaka h'wag kang lalandi kapag wala ako!" Dagdag niya pa at tumawa naman ako ng bahagya ngunit agad na napawi nang makita na seryoso siya.

"Opo, 'nay" Ngumiti ako sa kaniya at yumakap naman siya sa akin. Jusko, akala mo hindi naman kami magkikita bukas. Medyo natatawa pa rin ako dahil sa palagi niyang paalala sa akin na, 'Huwag kabg lalandi kapag wala ako' at minsan ay kung ano-ano pa.

"Sige, magbehave ka babae, ha?" Tumalim ang titig niya at tumango naman ako habang nagpipigil nang tawa. Naglakad na siya papunta sa Parking Lot. Umiling nalang ako at tatalikod na sana upang pumunta sa Waiting Shed sa labas ngunit may nabungguan ako. "Uhm, sorry–"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita kung sino ang nakabangga ko. Ang sakit na akala ko'y nalimutan ko na, muling bumalik nang makita ko siya. Ang kaniyang magagandang mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi na matagal kong hindi nakita.

Ang lalaking nanatili sa tabi ko sa gitna ng aking pag-iisa. Ang lalaking nakasama sa gitna ng trahedya at naging dahilan ng pagtawa, ngunit hindi inaasahang siya rin pala ang iiwan sa akin sa huli, ang unang lalaki na bumihag at bumasag ng puso ko.

"Hi.. Ashtine. Uhm.. how are you?" He asked awkwardly. I faked a smile then nodded and said, "I'm fine. Here, still on process picking up my heart and make it a whole again" I smiled bitterly.

"I'm going, thanks for your concern" I tapped his shoulder then walked towards the gate,  passing him dumbfounded. It may be sound really bitter, but that's my way forgetting my feelings towards him. Acting normal like nothing happened, and you will just find out that the feelings were slowly fading away. It's just a simple 'like' after all.

NANG makarating kami sa Hospital kung nasaan naka-admit si Bree, agad kaming pumunta sa kaniyang Hospital Room. May dala si kuyang mga prutas, nabalitaan kasi namin kanina lang na nagising na si Bree ngunit hirap na hirap ito. Ni-hindi nga raw maibangon ang sarili at minsan ay sumusuka ng dugo.

"Tiya?" Tawag ko kay Tiya Marie nang makapasok kami sa loob ng kwarto. Naroon lang siya sa gilid ng kama ni Bree habang hinahaplos ang buhok ng kaniyang anak. Naunang lumapit sa kaniya si kuya habang nanatili naman akong nakatitig sa kanila.

Akmang lalapit na sana ako sa kanila, ngunit biglang nagvibrate ang cellphone ko mula s aaking bulsa. Nagpalit na kasi ako ng damit, naka-suot na ako ngayon ng blue fitted jeans at simple white t-shirt. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at nagtaka ng makita ang text ng isang unknown number.

Unknown Number

Goodafternoon. I'm sorry:)
I didn't mean to.. hurt you.
Hope you're doing well:))

After reading the text, it slowly sinked in my head. I shook my head and instead of replying, I blocked his number and turned off my phone. He broked my heart once, and I will never let him broke it twice. Once is enough, Twice is too much.

Hindi na ako nag-isip kung saan niya nakuha ang number ko, hindi naman kasi ako nagpalit ng number. Nagpalit lang ako ng cellphone. Kaya sigurado namang nakabisa niya ang number ko dati.

"Tiya, bilhan ko lang kayo ng Dinner" Saad ko at akmang tatayo si kuya pero pinigilan ko siya at sinabi, "Ako nalang. D'yan lang naman ako sa KFC sa tapat. Hindi na kailangan ng kasama." Ngumiti ako sa kaniya, naniniguro. Tumango nalang siya at lumabas naman na ako ng silid.

Nagugutom kasi ako kaya naisipan kong bumili ng makakain. Craving na rin pati ako sa Manok, hindi ko kasi kayang magluto ng ala-KFC ang lasa. Ano kayang secret ingredient nila? May espesyal pa silang inilalagay o ginagawa sa Manok? Actually, Manok lang talaga gusto ko doon. Hindi pa ako nakakatikim ng iba.

Passion Series 1: Counting Stars | COMPLETED | ERRORS | UNDER EDITINGDove le storie prendono vita. Scoprilo ora