41

10 4 0
                                    

ASHTINE

5 years later...

"I DID IT!" Naiiyak na sigaw ko nang mabasa ang pangalan ko sa monitor. Napayakap ako kay Cielle at yumakap naman siya sa akin pabalik, nakapasa ako – kami. Dumating na ang araw na hinihintay ko – namin. "Cielle, nakapasa tayo." Hindi ko mapigilang maluha sa balikat niya at siya rin naman.

"Yes, we did. We did it." Pareho kaming nagtatalon sa tuwa at hindi ko naman na maintindihan ang nararamdaman ko. Finally, after five years of sacrifices, hardships, stress, and breakdowns, we did it. It was all worth it. "We passed the third stage, and now, we about to enter the real battle field."

****

"OMG, Congratulations! That's my girls!" Azhiara hugged us both and we did a group hug while jumping up and down because of joy. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao dahil napalakas ang boses ni Azhiara. At siguradong mayamaya ay puro camera na naman ang nakapaligid sa amin. "Oopsies."

"Kapag tayo hinarang na naman ng mga camera kakalbuhin kita, Azhiara." Pagbabanta ni Cielle at natawa na lang naman ako dahil sa kanila. Hindi pa rin talaga sila nagbabago, gano'n pa rin. "Mas'yadong nae-expose ang kagandahan ko, gaga ka."

"Kung ano-ano ka." Puna ko naman sa kaniya saka tumayo dahil biglang nakaramdam ako ng pag-ihi. Naiilang man sa titig ng ibang tao ay nakakayanan ko nang labanan ang sarili ko. Hindi katulad no'ng dati na takot na takot ako. "CR lang ako."

"Beh, don't say that! You know you're important to me 'di ba? So don't lang-lang your self! Don't say na 'CR ka lang', CR ka, at tanggap kita!" Kumunot ang noo ko ngunit mayamaya ay pare-pareho na kaming natawa dahil sa kagagahang sinabi ni Cielle. Tinabig ko ng mahina ang ulo niya saka naglakad na papunta sa comfort room.

Pumasok ako ako sa isang cubicle saka umihi. Ngunit hindi pa ako natatapos ay biglang may pumasok at naririnig ko silang mag-usap habang nasa loob ako. Nasa tapat ko lang sila, nandoon sila sa sink at sa tingin ko ay inaayos ang sarili.

"Bilis, mag-ayos ka! Nakita kong pumasok dito sa bar si Marcus and oh my god, mas gumwapo siya after those years!"

"Talaga?!"

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, biglang nanginig ang katawan ko. Hindi ko alam kung iisang Marcus ba ang iniisip namin pero nagbigay talaga ng kung anong kava sa akin ang marinig lang ang pangalan na 'yon. Pero, bakit naman ako kakabahan? Marcus is a very common name, imposibleng 'yong Marcus na 'yon ang tinutukoy nila.

Hindi pa rin sila lumalabas ng CR at sa tingin ko ay todo ayos pa rin sila. Lumabas ako sa cubicle at mukhang nagulat naman sila na makita ako, pinagtaasan ko sila ng kilay saka pumunta sa sink upang mag-hugas ng kamay. Nilampasan ko sila at lumabas ng lugar na iyon ngunit kasunod ko silang lumabas.

Habang nakayukong naglalakad at hindi maipaliwanag ang kabang nararamdaman, nabunggo ko ang isang lalaki. Kaagad akong umatras saka tiningala kung sino iyon – at tila naputulan ako ng hininga nang makita kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"I'm s-sorrry." I curved my fallen hairs behind my ears and just walked against him like he's we're not acquainted.

I felt my heart beating so fast as his gorgeous face flashed in my mind. His beard is slightly growing, he has little moustaches, his jaws became more clenched. His chest is way more hard that it used to be before, it's like, he's a new person. It's like he's not the Marcus that I knew before.

"Anong nangyari sa 'yo? Parang nakakita ka ng multo, ah?" Natatawang tanong sa akin ni Cielle at hindi naman ako kaagad nakasagot. Tahimik akong umubo at pinakikiramdaman pa rin ang tibok ng puso. "Hoy, gaga anong nangyari sa 'yo? May kasalanan kang nagawa sa CR?"

Passion Series 1: Counting Stars | COMPLETED | ERRORS | UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now