ASHTINE

"Hello?" Tugon ni Marcus sa tawag at sumunod doon ang isang napakalakas na pagsabog na naging dahilan nang hiyawan ng mga tao. Nagtakbuhan ang ilan at lumabas sa kotse nilang na-trap sa traffic. "What's going on?" Tanong niya habang nakakunot ang mga noo.

"What?! Get the f*cking out of there, immediately!" Saad na at bahagya pang lumakas ang boses dahil siguro sa biglang pagkagulat sa anumang sinabi ng tauhan niya. Sunod-sunod na nag-beep ang cellphone niya senyales nang pagtatapos ng tawag kasabay ng malakas na pagsabog. "Wait– hello? Hello?!"

"What happened?" I asked curiously but he just stared at me worriedly. He grabbed my hand and started pulling me through nowhere. "Where are we going?" I asked again but I didn't get any answer from him, instead he just walked faster like someone's behind us.

"Aah!" Napatili ako bigla nang may sumabog sa medyo malapit sa amin dahilan upang tumilapon kaming dalawa sa kung saan. Napahiwalay ako sa kaniya at nagulat na lamang ako nang makita ang isang armadong lalaki sa harapan ko nang makatayo ako nang maayos. "Sino ka?"

Hindi ako nakatanggap ng sagot.

"What do you want?" Tanong ko habang iniiwasan ang mautal at pinanatila ang tapang sa mukha kahit natatakot na talaga ako. Hindi pa rin niya ako nagawang sagutin subalit ay akmang hahawakan niya sana ang braso ko ngunit biglang may palaso sa tumusok sa pulsuhan niya.

Gulat akong napalingon sa kung saan iyon nanggaling at nakita ang iaang babae na mau hawak na pana at may sakbat na lalagyan ng mga palaso. Matalim ang mga mata niya, iyong tipo na makakapatay kahit sa sulyap lang. Tatanunin ko na sana kung sino aiya ngunit naunahan na niya akong magsalita.

"I'm Maris." Simpleng aniya at bahagya pang tumungo dahilan upang makaramdam ako nang pagkailang. "Nandito ako para protektahan kayo–nasaan si Prinsipe Marcus?" Nagtatakang tanong niya at inilibot ang tingin sa paligid kaya nagtaka na rin ako kung nasaan siya.

"Marcus?" Tawag ko sa kaniyang pangalan pero walang sumasagot. Nag-umpisa akong kabahan at nagsimulang may mabuo na kung anong takot sa dibdib ko. Pero, higit naman na mas malakas siya sa akin at alam kong kaya niyang protektahan ang sarili niya kaya hindi dapat ako kabahan.

"Come with me." Tanging saad na lamang ng babae at wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya nang walang pag-aalinlangan. Pinapasok niya muna ako sa loob ng isang mamahaling sasakyan saka mayroong kinausap sa telepono. "Manatili ka muna rito, hahanapin ko si Prinsipe Marcus." Saad niya at tumango na lang naman ako.

Wala naman akong maitutulong kung mananatili ako roon sa labas, at siguradong ayaw ni Marcus na mapahamak ako kaya hindi na dapat ako manatili roon. Ngunit, paano siya? Paano kung siya ang napahamak?

Napbalik na lang ako sa reyalidad nang makarinig ako ng isang pagsabog mula sa hindi kalayuan. Hindi ko alam kung ano naman ang maaaring maging motibo ng mga taong iyon para manakit sila ng mga inosente at magpasabog sa isang publikong lugar.

Ngunit.. bakit walang mga pulis na dumarating? Walang rescue o kahit ambulansya.

Dumungaw akong muli sa bintana at nanlaki ang mga mata nang makita ang pagbagsak no'ng babae na nagngangalang Maris sa kalsada. Napangiwi siya sa sakit at ganoon na lang naman bumilis ang kabog ng dibdib ko nang makita si Marcus na kinakalaban ang isang lalaki na may hawak na kutsilyo habang siya'y walang armas at sugatan.

Akmang bubuksan kong muli ang pinto ng sasakyan ngunit biglang may sumabog ulit dahilan upangtumalbo silang muli kabilang na si Marcus. Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit nanlaki ang mga mata ko ng napagtanto na naka-lock iyon! Pilit kong binuksan ngunit hindi pa rin iyon naa-unlock!

Passion Series 1: Counting Stars | COMPLETED | ERRORS | UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now