Chapter 30: Crazy

826 30 4
                                    

You will gradually accept it if that time will come. You will also know how much worth you are for them. It wasn't easy but sooner or later you'll find out and accept what you are into now.

Love. One word and four words, it was easy to pronounce but it wasn't too easy to feel especially when you're hurt. Love does make you feel wanted but at the same time...it will break each other's peoples heart.

Tuminghala ako sa langit saka pumikit dahil sa sunod-sunod na patak nang ulan. Kung noon ay halos iyak ako nang iyak ay hindi na ngayon kasi pakiramdam ko wala na akong luhang mailuluha. Pakiramdam ko'y ubos na.

"Naku! Ikaw talagang bata ka! Huwag ka ngang magpapaulan diyan at baka magkakasakit ka niyan!"

Natatawa akong humarap sa tatay Robert ko pagkatapos niyang inilagay ang towel sa balikat ko.

"Magpunas ka, dali!"

I snorted before wiping my wet face.

"Ano bang iniisip mo at bakit ka nagpapaulan doon?! Alam mo namang sakitin ka." Napabuntong-hininga siya at ako'y pinameywangan. "Si Enzo na naman ba?"

Napatigil ako sa pagpupunas ng mukha at tumingin kay tatay. "Sabi na nga ba eh, naku! Hindi ko talaga alam kong magagalit ako sa Enzo'ng iyon o maaawa, hindi ko din alam kong maiinis ako sa iyo o maaawa, paano ba naman kasi ang gulo niyong dalawa!"

Umiling ako. "Matutulog na po ako." Ani ko saka tumalikod sakanya.

"Pagod ka na ba?"

Lumingon ako sa tatay ko saka ngumiti nalang. "Paano po kong oo? Magagalit po ba kayo sa akin?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit mo naman sinabi iyan?"

"Kasi po diba gustong-gusto niyo ho si Enzo na maging asawa ko?"

My dad sighed then he walk toward me and he hugged me tightly. "Oo at gusto namin siya pero nasa sa iyo parin iyang huling desisyon." Pinunasan niya ang luha ko.

Tumawa ako ng mahina. "So tatanda na ata akong dalaga, no?"

"Ewan ko sa iyo, hindi naman siguro. Gusto namin ni Benxh magka-apo kahit isa lang."

Pero ang totoo, hindi ko naman maiwasang mainis kay Enzo, nasaktan ako sa mga sinabi niya pero hanggang doon lang iyon.

Hindi ko parin siya susukuhan, hihintayin ko nalang ang araw na siyang lalapit sa akin kahit hanggang pangarap nalang.

Pagkatapos naming mag-usap ni tatay ay umalis sila at pumunta sa barber shop. Hanggang ngayon ay ayaw pa nilang magtigil sa trabaho nilang iyon.

Nakatulog narin ako at saka lang ako nagising sa malakas na patak ng ulan. Napatalon ako mula sa kinahihigahan ko at tumakbo palabas ng bahay namin para kuhanin iyong mga damit.

"Yah! Basa na naman ako at ang mga damit!" Tuminghala ako sa araw saka napanguso. Umuulan tapos umaaraw, siguro mayroong nagpapakasal na tikbalang, wow ha! Buti pa iyong mga tikbalang, may forever. Ako, wala na.

Pumikit ako saka tuminghala sa ulan at kinagat ang ibabang-labi ko. Itinaas ko ang mga kamay ko saka umikot-ikot, nararamdaman ko talaga iyong ulan na pumapatak sa aking katawan, napakasarap niya pala sa pakiramdam.

Kumunot ang noo ko nang wala na akong maramdamang pumapatak na ulan sa mukha ko at sa mga kamay ko, ang tangi ko lang nararamdaman sa ngayon ay ang kabog ng puso ko at naamoy ko ang pamilyar na pabango.

"Are you crazy?! Balak mo bang magkasakit niyan?!"

Dahan-dahan akong tumayo ng maayos saka humarap sa kinatatayuan ni Enzo.

The Billionaire's Chief Secretary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon