CHAPTER 42: Ang mga tanong ni Dino

505 46 6
                                    

Naiiyak na niyakap nila ang isa't-isa.

"Dinos POV"

Sa Cafeteria

Matapos ang laban para sa team fight ay lumabas na muna ang lahat sa bulwagan para makaghanda at makakain narin kaya napagdesisyonan naming bumalik muna sa mga dorm namin para maligo dahil sa amoy pawis kami dahil sa laban. Hindi din na naman namin kailangan pang magpahinga pa dahil sa ginamit ulit ni Shun sa amin ang witchcraft spell na ginamit nya kay Baby Lesther ko para mapagaling ito kaya nabawi agad namin ang lakas namin.

Alam kong medyo hindi tanggap sa Ashanya ang paggamit ng witchcrafty dahil ang practice na ito ay galing sa Yumin. Kung pagkaraniwang tao lamang si Shun at hindi namin alam na sya ang prinsepe ay siguradong pagdududahan namin siyang isang espiya galing sa kaharian ng Yumin.

So ayun na nga at bumalik na tayo sa una nating sinasabe at medyo napapalalim na naman ang mga iniisip ko. Matapos naming maligo at makapag-ayos na ay nagtungo na rin kami sa Cafeteria ng School para kumain at syempre hindi na rin mawawala ang grupo nila Leo dahil parang magnet na yan sa Prinsepe. Mas Lalo pa nga atang nadagdagan ang paghanga nya rito sa mga nasaksihan nito sa naging laban ng team namin o mas specific sa naging laban ng Prinsepe lamang.

"Ang galing ng team nyo kanina, di talaga namin akalain na kayo ang mananalo." - Ang sabi ni Airon.

"Lalong-lalo na sa final round. Grabe ang husay ng teamwork na pinakita nyo." - Dagdag naman ni Sander sa sinabi ng kasintahan nya.

Ang ganda lang tingnan ng dalawang ito. Parang ang saya nila sa piling ng isa't-isa. Nagsusubuan pa nga habang kumakain. Kami kaya ni Baby Lesther ko kalian magiging katulad ng dalawang to? Bantay ng bantay kasi itong itinakda sa amin ni Lesther eh. Buti nalang minsan sinusuway sya ng Prinsepe. Ramdam ko rin ang mga namumuong pagtitinginan sa dalawang ito. Pero hindi namin alam na mga guardian kong ano nga ba talaga ang plano ng hari at reyna. Sino ba talaga ang magiging kabiyak ng itinakda sa huli? Ang prinsepe o ang prisesa?

Ang utos lamang sa amin ay bantayan namin ang prinsepe dito sa Shanya at sina Reyu at Tyron naman pala sa Prinsesa. Nalaman ko lamang nang magkita-kita kami sa bayan ng Terpis. Ang bilin lamang sa amin ni Kyer na mananatili kami sa tabi ng Prinsepe hanggang sa tuluyang pagbukadkad ng Golden Blossom. At ang isa pang bilin sa amin ay agad na magpadala ng mensahe sa palasyo kapag nasa kapahamakan ang prinsepe at sa akin nakaatas ang pagpapadala ng mensahe dahi sa isa akong mind informer o messenger kong tawagin. Si Kyer naman ang mas nakapukos sa kaligtasan ng prinsepe.

Wala kaming alam sa anumang kwento tungko

"Syempre naman mga kuya, nandyan si kuya Shun na syang nag-iisip ng mga strategy na gagamitin namin sa laban." - si baby Lesther ko ang sumagot.

"Oo, tama. Paano mo pala yun Shun nagagawang makapag-isip ng strategy ng mabilisan lang? Ang hirap din non ah." - Airon

Walang sumagot sa tanong ni Airon, hindi ko alam kong narinig ba ng prinsepe ang tanong ni Rain sa kanya o hindi. Tiningnan ko naman ang Prinsepe kung ano ang ginagawa at mukhang hindi na nya napapansin ang mga pag-uusap dito habang kumakain.

Nahuli ko naman syang nakatitig lang kay Leo, nang tingnan ko si Leo ay nakatitig lang din ito sa kanya na tila ba nag-uusap ang kanilang mga mata na sila lang ang nagkakaintindihan. Mukhang may susunod na kina Sander at Airon. Mauunahan pa yata kami ni Lesther. Itong si Kyer ay babagal -bagal din kay Seina.

"Kaya pala di na ako sinasagot ni Shun may iba palang pinagkakaabalahan." ngiting-ngiti na sabi ni Airon.

Parnang bigla namang nahimasmasan ang prinsepe at bigla itong binaling ang tingin kay Airon na parang nagtatanong kung ano ang sinasabi nito."

"Ang tanong ko kanina sayo ay kung paano mo nagagawang makapag-isip agad ng strategy sa laban." - pag-uulit ni Airon na hindi parin maitago ng ngiti dahil sa nasaksihan.

"ah........ahmmm...pano ko ba sasagutin yan.. ahmm.. utak lang?....basta madali ko lang na-aanalisa ang mga pangyayari ganon. ...ahmm....kain na tayo ulit.." - sagot naman ng prinsepe na tila ba kinakabahan at naiilang dahil sa tagpong maging sya ay tila nabigla din.

Side effect lang kaya ng Golden Blossom ang mga nangyayari sa kanila ng Itinakda? Mawawala ba ang mga kakaibang mga nararamdaman nila sa isa't-isa pag nawala na rin ang Golden Blossom? Ang daming ko na namang iniisip. Pero paano kung ganon nga ang mangyari? Ano ng mangyayari sa dalawa? Mukhang napakakomplekado ng sitwasyon nila. Paano kung ang Prinsepe ay mahulog ng tuluyan ang loob sa itinakda at ang itinakda ay iwan sya pagwala na rito ang Golden Blossom sa kanya? Napalapit narin sa amin ang prinsepe kaya siguradong malulungkot din kami kung ganon nga ang mangyari.

Ang isa ko pang kinakatakot ay kung malaman na ng prinsepe ang tungkol sa amin ni Kyer na syang mga guardian. Magagalit kaya sya sa amin? Mahigpit na ipinagbilin sa amin na dapat ay hindi kami mabesto sa pagpapanggap namin. Limitado lamang ang nakakaalam tungkol sa prinsepe. Nang una ko itong malaman ay nagulat din ako dahil ang alam ng lahat ng mamamayan sa Ashanya ay isa lamang ang anak ng Hari at Reyna at si Prinsesa Shane lamang na syang nakatakdang magiging kabiyak ng Itinakda kung susundin ang nakagawian sa Kaharian ng Ashanya.

Sa henerasyon kong ito ngayon ay tila maraming hundi naaakma sa nakagawian sa Ashanya. Nagiging mas komplekado ang mga sitwasyon habang tumatagal.

Habang nag-iisip ako ay may tumapik sa aking balikat at nang lingunin ko ito ay si Kyer pala.

"Tila ang lalim ng iniisip mo Dino ah, ikaw nalang ang hindi pa tapos kumain eh." ang sabi ni Kyer sa akin. Nang tingnan ko sila isa't-isa ay tapos na nga silang kumain.

"Kuya Dino, bilisan mo na kumain para makapunta na tayo ulit sa bulwagan para manuod ng solo fight." ang sabi naman ng baby Lesther ko.

"Wala bang sumali sa inyo?" ang biglang tanong naman ni Rain na ngayon ko lang ata napansin nagsalita. Napapansin ko kasi sila kanina ni Pyro na tila may pinagbabangayan pero sa tahimik na paraan lang. Sumagi tuloy sa isip ko kung posibleng magkagustuhan rin ang dalawang yan. Tubig at apoy? Kakaiba.

"Wala eh, sa team fight lang talaga kami. Sabi ko nga rito kay Kyer na sumali sya kaso ayaw din nya." ang sagot naman ni Seina kay Rain.

"Ay sayang naman, pero sa tingin ko maganda ding walang sumali sa inyo dahil baka pagtulungan lang ang sinumang mang sumali sa inyo dahil sa tulad ng nangyari sa Team Fight kanina." ang sabi naman ni Pyro.

Habang nag-uusap naman sila ay binilis-bilisan ko naman ang pagkain at nang matapos akong kumain ay binigyan naman ako ng baby Lesther ko ng tubig. Ang cute talaga nya.

"Tara na?" ang sabi ko matapos makainom ng tubig na bigay ni Baby Lesther. Tumayo na ako at inakbayan ko rin syempre si Lesther. Mukhang busy rin kasi si Leo sa prinsepe kaya siguradong hindi sya makikialam samin ngayon.

So ayun na nga at umalis na kami sa cafeteria at nagtungo na sa bulwagan. Pagkarating namin ay nagsisimula ng magtawag ng pangalan ng mga kasali sa Solo fight competition. Katulad ng kanina ay bawat tinatawag ay lumulutang ang pangalan sa tas at may kasama itong imahe.

"ang ating panghuling competitor ay walang iba kundi si Shun" nagulat naman kami a pangalan ng huling kalahok sa solo fight category ng competition na ito.

Please do help me grow my followers. Thank you

The Unknown Prince (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon