CHAPTER 17: The hidden and suspicion

833 75 5
                                    


Lumingon lingon ako sa paligid at hinanap ang kalaban ko at huli na ng tumingin ako sa taas dahil umataki na sya mula rito at tuluyan na ngang nabasag ang pananggalang na ginawa ko dahil sa hiniwa niya ito ng espada niya at bumagsak siya sa harapan ko.

Kasabay ng pagbagsak niya ang pagtutok ng kanyang espada sa leeg ko, Nagdududa na ko sa isang to kanina pa e. Ididikit nya sana ang espada nya sa leeg ko kaso napigilan ito ng "self-destruct barrier" ang pananggalang na ito ay kayang pigilin ang biglaang atake ng kalaban, ngunit gagana lamang ang ganitong barrier kapag wala akong ginagamit na ibang pananggalang.

Medyo napaatras naman sya dahil sa nangyare.

Shet, gumagalaw ang inaapakan kong lupa, nagkakaroon ng bitak at may lumalabas na malalaking baging at nagsisimula itong pumulupot sa paa ko.

Hindi to maganda, nakatutok parin ang espada nya sakin habang patuloy parin sa pagpulupot ang mga malalaking baging sa mga paa ko.

Kung ganon, ang espada mo mismo ang ipangpuputol ko sa mga baging na yan, hindi ako sinanay para tulungang a lamang sa ganitong sitwasyon.

Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip na mapunta sa akin ang Sandara ng kalaban gamit ang summoning bracelet na nasa kamay ko.

Ngayon na sa akin na ang sandata nya, tiningnan ko naman ang reaksyon nya, medyo nagulat naman sya, pero bakit parang inaasahan niya na ata na ganito ang gagawin ko? Bahala na sa ngayon, ang importante makaalis ako sa mga baging na'to.

Pinagpuputol ko na nga ang mga baging na nakapulot sa Paa ko at tuso ingat naman ako dahil baka matanaw ang sarili kong paa, pero tila hindi matigil sa pagpulupot ang mga baging sa Paa ko.

Ayaw talaga akong paalisin ng isang to e, patuloy parin nyang kinokontrol ang halaman, pero sigurado naman akong hindi nya ako papatayin, kung ganon sya ang ang kailangan kong gamitan ng espadang to.

Pero pano pala ako makagalaw kong May nakapulot na baging sa mga paa ko. Kung utusan ko kaya ang espada na gumalaw sa paraang gusto ko kahit hindi ko ito hinahawakan, gagana kaya yun. Wala namang masama kung susubukan ko.

Ngayon, gamit ang kamay ko kung saan nakasuot ang weapon summoning bracelet ay susubukan kong palutangin ang espada. Ayun lumutang nga kahit di ko hinahawakan, itinutok ko yung kamay ko sa kalaban, ang dulo ng talim ng espada ay tumutok din sa kalaban tulad ng gusto kong mangyari, wala manlang syang reaksyon sa mga nangyari. Naalala ko naman yung nangyari kanina bago dating sina Kyer, kaya nya palang magteleport, hindi uubra ang plano ko. Kailangan ko nang gumamit ng kakayahan ko ulit.

"Separation Space Barrier". Sambit ko ng malakas. Kusang nalanta ang mga baging na nakapulot sa mga paa ko, tiningnan ako ng May pagtataka ng kalaban. Hindi siguro makapaniwala na nakaya kong makaalis sa baging niya. Task, basic. Ang Separation Space Barrier ay May taglay na kakayahan na ihiwalay  at hatiin ang isang lugar sa dalawa at maging sa ikalaliman ng lupa ang okupado ng pananggalang na ito kaya hindi nakapagtataka na naputol ang baging sa area kung saan lumabas ang barrier na ginawa ko.

Ngayon wala ng nakapulot na baging sa mga paa ko. Napalingon ako dahil sa malakas na pagkabasag ng barrier na ginawa ko, inaasahan ko narin naman yan. Masyadong syang malakas at hindi rin ganon katibay ang pananggalang na ginawa ko kanina dahil sa wala ako sa tamang posisyon, kailangan kasing nakadikit ang kamay ko sa lupa pag ganong pananggalang ang gagamitin ko para solid at matibay ito.

Ngayon, kailangan ko nang gamitin ang dinala shot, pinalabas ko ang pana ko at ang espada ng kalaban ang ginawa kong arrow, pumosisyon ako sa pag-atake, isa, dalawa, tatlo, binitawan ko na ang lubid sa arc, at umalingawngaw ang paglipad ng espada patungo sa kalaban, at sa inaasahan ko, kasangga nya ito gamit ang water crystallized barrier.

Kompirmado ko na sya ngayon na syang plano ko una palang.

"Bubble Barrier" gumawa ako ng dalawang barrier para sakin at para sa kalaban. Nagtaka naman ang kalaban ko kung bakit bigla nalang syang napasok sa isang pananggalang ko.

Ngayon, magtratransfer ako papunta sa bubble barrier kung nasaan ang kalaban at tatanggalin ko ang bumabalot sa mukha nya. Ngayon na.

Nasa posisyon ako kung saan tatanggalin ko na sana nang bigla syang maglaho, at nagulat nalang ako ng may biglang isang kamay na pumulupot sa bewang ko at isang espada nakatutok sa leeg ko, magdikit ang mga katawan namin dahil nga nakayapos ang isa nyang kamay sakin.

Nagulat ako ng bigla nyang nabitawan ang espada nya. Ngayon May pagkakataon nako para matanggal ang bumabalot sa mukha nya.

Umikot ako at humarap sa kanya, di na ako nag atubiling tanggalin ang nakatabon sa mukha nya, at parang nag slow mo ang mga pangyayari. Unti unting kong nasilayan ang isang pamilyar na itsura ng isang tao na ngayon ay nakatitig sa akin habang nakayapos ang isa nyang kamay sa bewang ko, nakatingala ako ng konti sa kanya dahil hanggang tenga nya lang ang taas ko.

Kuya Shun, Kuya Leo? Anong ginagawa nyo?  Biglang sigaw ng isang pamilyar na boses. Natulala ko naman bigla si Leo kaya napabitaw rin sya sakin.

Oo si Leo nga yung nakalaban ko, at nakumpirma ko nayun bago ako gumawa ng bubble barrier para samin ni Leo. Nagduda na ako kanina palang na silang lima ay ang limang sikat na elementalist na magkagrupo sa school, dahil sa pinakitang kakayahan ng apat kanina kung saan taglay nila ang apat na elemento, at para mas tumibay pa ang kutob ko ay kailangan kong mapagamit ng apat na elemento ang lider nila na naging matagumpay naman, plinano ko rin ang one on one para masukat ang mga lakas nila at mapatunayang mga estudyante lang din sila rito.

Alam ko na may matibay na pananggalang dito at alam ko rin na hindi ito nasira at walang nakapasok na taga-labas dito dahil isa rin akong barrier maker at kaya kung pakiramdaman ang ano mang uri ng pananggalang kahit na hindi pa ako ang may gawa nito.

Pero mukhang may nalaman narin nina Lesther ang tungkol sa kutob ko.

The Unknown Prince (BxB)Where stories live. Discover now