CHAPTER 8: Danger Light Signal

981 76 3
                                    

Nagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog dahil nauuhaw ako, babangon na sana ako nang mapansin kong may kung anong umiilaw sa taas ng katawan ng natutulog na si Lesther.

Ano naman yang nag-aagawang kulay asul, berde, ginto at puti na umiilaw kay Lesther? Nakalutang lang ito sa hangin at parang binabantayan si Lesther na natutulog. Sa mga nakaraang gabi na natutulog si Lesther ay wala namang ganyan. Bakit biglaan naman ata ang pagpapakita niyan?

Teka lang, ang apat na nag-aagawang kulay na yan ay sumisimbolo sa apat na elemento. Apat na elemento? The quadruple elementalist? si Leo? Ano ba ang nasa isip ng taong iyon?

Tumayo ako at nilapitan ang umiilaw na bagay at binalak na hawakan ito. Nagulat ako nang hindi ko ito mahawakan at para bang hindi ito solid form at isa lamang ilusyon magic.

Dahil hindi ako sigurado na kagagawan nga ito ni Leo kaya nagpasya akong gisingin si Lesther.

Lesther, gising, gising. inalog-alog ko siya habang mahinang ginigising.

Nag-inat siya ng kamay at mabagal na iminulat ang mga mata niya, at kinusot-kusot niya pa ito.

Kuya Shun? gulat na saad niya sa medyo patanong na tono.

Pasensya kana Lesther at ginising kita, nagtataka lang kasi ako dyan sa umiilaw na lumulutang sa ibabaw ng katawan mo. Pagpaumanhin sa pagdisturbo sa tulog at sabay sabi at turo don sa umiilaw na bagay.

Umiilaw na bagay? Nakikita mo kuya yong "danger light signal" na nakabantay sakin? nagtataka niyang tanong sakin.

Oo. Kaya nga ginising kita kasi nabahala ako kung ano yan. sabi ko naman sa kanya.

Ah, isa itong danger warning kuya na kapag nasa unsafety situation ako ay malalaman ng naglagay nito sakin na nasa panganib ako. Pero ng matulog ako kanina ay wala pa ito. Si kuya Leo siguro ang may gawa. sabi naman ni Lesther.

Bakit bigla naman atang sumagi sa isip ng Leo na yun na lagyan ng Danger light signal tong si Lesther? Teka lang naalala ko kanina yung sinabi niya bago siya umalis ah. Wag daw masyado pakampante si Lesther sa paligid niya. Anong namang gusto niyang palabasin don? Nga pala, ito ba yung ibig sabihin ng nagdududang tingin niya kanina? Pinagdududahan niya ba akong may gagawing masama sa kapatid niya?

Nga pala kuya, nagtataka lang ako kung bakit nakikita mo tong danger light signal? Ang sabi ni kuya dati sakin ay ang summoner at ang binabantayan lang nito ang nakakakita rito. Naguguluhan nyang sabi.

Hayaan na nga natin kuya, inaantok pa ako eh. hehe. sabi nalang niya at sabay hikab.

Sige, matulog kana at iinom lang muna ako nang tubig. Sagot ko naman sa kanya, naalala ko kasi na nauuhaw ako kanina.

Pagkatapos kong uminom ay bumalik nako sa kwarto. Nadatnan kong mahimbing nang natutulog si Lesther at nandoon parin ang umiilaw sa taas niya.

Nahiga nako sa kama at pumikit pero hindi ako makatulog kasi iniisip ko yung sinabi ni Lesther kanina. Pinapahiwatig nya don na hindi natural para sa isang magician na makita ang danger light signal na yun dahil visible lang ito sa summoner nito at binabantayan. Dagdagan pa nong pag-iisip ko don sa pagdududang yon ng Leo na yon.

Kailangan kong matulog.

(Kyer POV
Nagharap na kanina ang prinsepe at ang itinakda. Alam kong mag uumpisa ng magduda si Leo dahil sa mga pagbabagong mararamdaman niya kapag kaharap niya si Shun, ganoon rin si Shun. Kailangan sa lalong madaling panahon ay matapos na dapat ang bonding, alam kong mahihirapan ako sa misyong ito dahil sa history ng Ashanya ay ngayon palang nangyaring ang nagtataglay ng 'golden blossom of the pure heart' ay isang prensipe at hindi prensisa.)

Kinabukasan...

Nandito kami ngayon sa Cafeteria at kumakain. Sa Power Improvement lang kasi kami nagsanay kanina since hiniram nang propesor namin kahapon yung oras namin sa PI kaya ayun nagmeditating lang kami buong umaga. Hindi ko alam kong may alam ba talagang ibang tactics sa pagtuturo yung propesor namin sa Power Improvement eh. Mamaya pala itutuloy yung one on one weapon training.

Kung tatanungin niyo ako tungkol dun sa umiilaw thingy kay Lesther, ayun visible parin sa mga mata ko habang ang ibang kasama namin ay walang nakikita. Tinanong ko kasi sila kanina kong may napapansin silang kakaiba kay Lesther, wala naman daw ang sagot nila sakin maliban kay Kyer na ang sabi ay 'may mga bagay talaga sa mundo na nangyayari sa di malamang dahilan pero may kaakibat na rason.' Masyadong makahulugan yung sinabi niyang yun pero isinawalang bahala ko nalang.

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan naming libutin ang kabuuan ng Shanya, matagal pa naman kasi ang start ng Weapon Training namin eh.

Pagkalabas namin ng Cafeteria ay bumungad samin ang malawak na training field, open ito at dito rin kami naglaban kahapon. Sa bawat gilid nito ay mga walkway at sa gilid naman ng walkway ay may mga punong kahoy na nakahilira na syang nagpapalamig sa lugar dahil sa mga magarbong mga dahon nito. Tahimik lang akong nagmamasid habang ang mga kasamahan ko ay maraming sinasabi sa mga nakikita nila.

Binagtas namin ang daan papunta sa susunod na training field, ito ay may bobong at napaligiran ito ng pader, kung titingnan ay parang kalahati lang ang laki nito kaysa doon sa open na training field. Dito pala kami magsasanay sa Weapon Training. Sa bandang kaliwa naman nito ay may mga silid na para sa mga lectures, ganon din sa kanan may mga silid din. May mga mangilan ngilan din kaming estudyante na nakikita dito sa paligid. Napansin ko rin ang gusali na may dalawang palapag. Nakatayo ito sa Dulong bahagi ng paaralan, napagitnaan ito ng mga silid katulad ng sa training field na may pader, yun sigiro yung opisina ng Headmaster dito. Ang lawak ng kabuuan ng Paaralan ng Shanya at ang mga silid at mga ibang facilities ay malawak ang pagitan nito at may mga halaman na magaganda na halatang alaga dahil sa maganda ang pagtubo ng mga ito.

Di nagtagal ay tumunog na ang hudyat para sa susunod na pagsasanay. Malapit lang din naman kami doon sa training field para sa Weapon Training kaya doon na kami nagtungo. Sumama narin naman si Kyer kasi dito rin daw ang training nila sa Weapon Training at katulad namin ay may one on one training din sila sa offense team. Nang pumasok kami ay nadatnan namin ang dalawa pang pintuan. Bali, pagbukas namin sa main entrance ay may isang metro lang na lawak para sa daan at may dalawa pang pintuan ng may nakalagay na simbolo ng offense team na sandata sa isang pintuan at ang isa naman ay may simbolo naman ng depence team na panangga.

Nagpaalam na si Kyer samin at pumasok na sa pinto para sa offense team, at pumasok narin kami sa kabilang pintuan.

The Unknown Prince (BxB)Where stories live. Discover now