CHAPTER 15: 5 VS 5

834 69 4
                                    

Nandito silang apat?

Hindi ko napansin na nawala na pala ang bubble barrier na ginawa ko kanina pa habang tinututok ko yung espada sa kalaban kanina. Salmat nalang at nahila ako nang Golden Chain ni Seina. Oo, yung rason kung bakit bigla nalang akong nawala sa pwesto ko kanina ay dahil ginamit ni Seina ang sandata niya sakin para mahatak niya ako doon sa taas ng puno.

Ngayon magkatabi na kaming lima na naka-posisyon sa paghawak ng mga sandata kaharap ang limang estranghero maliban kay Dino dahil nga nasa akin ang espada niya.

Salamat Seina, at sa pagdating niyo. Ito nga pala Dino yung sandata mo. Binalik ko na kay Dino yung espada niya. Tinanggap niya naman.

Walang anuman yun ano kaba..Sino ba yang mga yan Shun? Si Seina

Yan din ang gusto kong malaman. Ako

Shun mas mabuti pang umalis na tayo dito ngayon. Si Kyer

Tama si Kyer, Shun. si Dino

Gamitin nalang natin uli itong sandata ko para magteleport. Si Lesther. Kung ganon ay ang sandata pala ni Lesther ay may kakayahang magteleport. Kaya pala agad silang nakapunta dito.

Hindi natin pwedeng iwan nalang ang limang yan dito na pagala gala lang sa loob ng Paaralan ng Shanya. Maaaring may masama silang pakay sa paaralan natin. Ako

Tama si Shun, maaaring May binabalak sila sa paaralan. Si Seina

Pero malalakas sila, mga elemental user sila. Mahihirapan tayo pagnilabanan natin sila. Si Kyer

Ilang beast ba ang kaya mong isummon ng sabay Kyer? Tanong ko kay Kyer.

Mga tatlo palang, nahihirapan pa ako sa pagkontrol sa kanila pagmarami na. Si Kyer

Kung ganon, magpalabas ka ng mababagsik mong beast. Ikaw na ang bahala sa earth elemental user. Sabi ko kay Kyer.

Ako na din ang susubok lumaban sa Air elemental user. Si Dino

Susubukan ko narin yung fire magician kuya Shun. Si Lesther

Yung water magician nalang sakin Shun, susubukan kong labanan. Si Selina

Lesther, palit tayo. Ako nalang sa fire elementalist, delikado syang kalaban. Si Dino

Sa tingin ko Dino, mas mabuti kung fire magician ang kakalabanin niya dahil mahihirapan lang sya sa air elementalist, wag ka mag alala dahil isa syang healer. Pagsalungat ko kay Dino. Alam kong concern sya kay Lesther, pero salungat sa kakayahan ni Lesther ang labanan ang isang airist.

Tama si kuya Shun, kuya Dino. Baka ibalibag ako ng kalaban gamit ang ipo-ipo. Hehe. Si Lesther, nagawa pa talagang magbiro.

Sige na, basta mag-ingat ka. Sabi nalang ni Dino sabay pisil ng pisngi ni Lesther. Nagtinginan nalang kaming tatlo ni Kyer at Seina.

Sige na, let's do the one on one position. Sabi ko nalang sa kanila, nakita ko kasing naghahanda na din yung mga estranghero sa harapan namin, parang binabantayan nila ang magiging galaw namin.

Binigyan ko ng tig iisang pana ang mga kasama ko, yung mga pana ng kalaban ko kanina. Sinummon ko ang mga yun galing sa bubble barrier na pinaglagyan ko kanina.

Puntiryahin niyo ang mga gusto nyong kalabanin sa kanila. Sabi ko sa kanila

Ginawa nga nila ang sabi ko at nakuha na nga nila ang atensyon ng kalaban. Alam ko namang, walang panama ang pagpana nila, sinabi ko lang yun para malaman ng kalaban na gusto namin ng one on one battle.

Naghanap na nga sila ng pwesto ng malalabanan, nagsiliparan na nga sila. Nauna ang mga kalaban. Madali lang naman sa kalaban ang lumipad dahil mga elementalist sila. Si Lesther ginamit ang Golden Staff niya at sumunod sa fire elementalist, si Seina naman ay ginamit ang Golden Chain niya. Nagpalipat lipat siya ng puno sa pamamagitan ng pagsabit sabit niya ng sandata para masundan ang water elementalist. Si Kyer naman ay pinalabas si Agile at sumakay sa likuran nito at lumipad sa papunta sa kinaroroonan ng Earth elementalist, tiningnan ko naman si Dino kung ano ang gagawin niya para sundan ang kalaban niya. Itinaas niya ang espada niya at nilipad sya nito patungo sa air elementalist. Namangha naman ako sa kakayahan ng espada nya, at sumagi sa isip ko yung four legendary swords ng Ashanya, pero naalala ko yung lider ng mga kalaban namin kaya naghanda na ako dahil mukha napakalakas nya. Nararamdaman ko ang malakas nyang awra.

Nagtataka talaga ako sa kanila kung bakit hindi sila nagsasalita mula pa kanina. Naglakad papalapit sa kinaroroonan ko ang estranghero at tumigil siya mga 3 metro mula sa kinaroroonan ko. Ano kayang balak nito? Sheyt, iwinasiwas niya ang kamay at nagsilabasan ang sandamakmak na ice dagger papunta sakin at natamaan na ako sa may balikat bago ako nakagawa ng anti- seize barrier.

Patuloy parin siya sa pag ataki gamit ang ice dagger, tiningnan ko yung sugat ko at nagsisimula na rin itong naghilom, isa akong royal blooded magician kaya mas madaling mag generate yung mga cells sa katawan ko.

Napansin ata ng kalaban ko na walang epekto ang ice dagger niya sa pananggalang na ginawa ko. Nagulat ako ng May naghalong fire ball sa ice dagger niya at iwinasiwas nya rin ang isa nyang kamay at nagpalabas ng maraming metal blade.

Nagsisimula ng mag crack ang pananggalang na ginawa ko dahil sa dami ng tumatamang atake ng kalaban ko. Kung ganon, kailangan ko na ring gumanti sa mga atake nya, pinalabas ko yung pana ko. Gagamitin ko na naman ang arrow build shrieking barrier. Kahit nasa loob ako ng mga barrier na gawa ko ay kaya kong umatake kaya hindi na ako mahihirapan pa mag isip kung pano ako aataki ng hindi natatamaan ng mga ataki ng kalaban ko.

Pumusisyon na ako at hinila ang lubid sa arc ng pana, ngayon ay ibabalik ko sa kanya ang lahat ng ataki nya. Ito na, binitiwan ko na nga ang lubid at umalingawngaw sa lakas ng pwersa ang binitiwan kong ataki, mabilis na sinangga ng ataki ko ang sandamakmak na ice dagger, fire balls at metal blade ng kalaban. Mabilis na tinungo ng malakas na pwersa ang kalaban ko at dahil sa pagsalpukan ng ataki ko at ataki niya ay nagkaroon ng maraming usok hanggang sa hindi ko na makita ang kalaban ko.

Pagkawala ng usok ay nanlaki ang mata ko dahil wala akong makitang tao doon at kahit anong senyales ng kalaban ko. Sheyt, nakakapagteleport pala siya.

Ang ingay ng paligid dahil sa pagsalpukan ng mga ataki sa kung saan saang sulok ng kagubatan na ito. Ano na kayang nangyayari sa mga kaibigan ko? Mamaya ko na muna iisipin yon dahil kailangan ko munang malaman kong nasan na ang kalaban ko.

Lumingon lingon ako sa paligid at hinanap ang kalaban ko at huli na ng tumingin ako sa taas dahil umataki na sya mula rito at tuluyan na ngang nabasag ang pananggalang na ginawa ko dahil sa hiniwa niya ito ng espada niya at bumagsak siya sa harapan ko.

(A/N: Ang hirap mag isip ng scenario, sabaw na sabaw kasi sa modules.. 😅)

The Unknown Prince (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon