5

2.6K 80 32
                                    

Habang nag-didilig si Nika sa hardin ay narinig na niyang bumusina ang pamilyar na sasakyan, kaya naman dali-dali niyang kinuha ang kanyang jacket na nasa kusina at tsaka ito isinuot.

"Sandraaaa!" Masayang sigaw niya ng makita ito na nag-lalakad habang hawak-hawak ni Sandro.

Agad naman itong tumakbo sa kanya at tsaka ito binuhat.

"Kumain na po kayo?" Tanong ni Nika.

"Hindi pa nga eh, pero may mga dala kaming bagnet." Sabi ni Liza.

"Sige tita, maupo na po kayo sa labas mag-hahain lang po ako." Sabi ni Nika.

"Sandro, hindi ata naibaba yung uwi nating Bagnet. Paki-kuha mo nalang sa sasakyan." Utos ni Liza.

Agad naman niya itong kinuha habang nag-hahain si Nika.

"Kamusta na pakiramdamo mo?" Tanong ni Bong.

Napa-isip si Nika sa tanong ni Bong at mabuti nalang ay naalala niya si Sanadro. "Okay naman na po tito, medyo giniginaw lang." sagot ni Nika.

Agad namang tumayo si Liza at hinipo ang noo nito. "Wala ka naman nang lagnat, pero mag-pahinga ka parin muna."

"Opo tita, pero wag po kayong mag-alala at maayos na po ako." Naka-ngiting sabi nito.

"Siya nga pala, dun na tayo mag babagong taon sa lumang bahay.... andun na din sina mama Meldy kasabay namin sila ngayon. Babalik nalang tayo bukas dun hanggang sa makalawa." Kwent ni Bong.

"Natawagan mo na ba yung catering?" Tanong ni Liza.

"Sabi wala na daw silang mga tao na makakapag serve at nag-sipag uwian na sa probinsya." Kwento ni Bong.

"Ako nalang po ulit ang mag-luluto." Sabi ni Nika habang umuupo ito.

"Mapapagod ka lang." sagot ni Liza.

"Nako, tita. Kayang-kaya ko po yun!" Sagot naman ni Nika.

"Mukang hindi mo na mapipigilan to Liza." Natatawang sabi ni Bong.

"Oo nga eh, kakulit na bata. Pero sige basta pag may kailangan ka, wag ka mahiyang humingi ng tulog samin ha?" Sabi ni Liza.

"Sandro, bilis I'm starving na!" Sigaw ni Bong ng makitang pumasok na ito ng pinto.

Agad namang tumakbo si Sandro at nilagay na sa plato ang bagnet tsaka ihinain sa lamesa.

"Nika oh, this is mama Meldy's chrostmas gift for you, and this is from me and Sandra." Sabi ni Sandro sabay abot ng regalo.

Para namang kinurot ang puso ni Nika sa hindi niya maintindihang pakiramdam.

"Open it!" Sabi ni Sandro.

"Maupo ka na muna, at kumain muna tayo. Sige bubuksan ko to, pero after nating kumain." Sabi ni Nika.

Agad namang naupo si SSandro at kumain na sila. Habang kumakain si Nika ay timmutulungan niya ding kumain si Sandra na naka-upo sa high chair sa tabi niya. Nang maka-kain ay agad na munang niligpit ni Nika ang kanilang mga pinag-kainan at ng matapos ay inutos na ni Sandro na buksana ang regalo.

Gift From GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon