22

1.4K 47 5
                                    

Halos mag-iisang buwan na ng mawala si Sandra ngunit wala parin silang balita dito. Lalo na ding napabayaan ni Nika ang kanyang sarili dahil sa sobrang pag-aalala sa kanyag anak. Walang gabing umipas ang hindi siya umiyak. Ang mga kapatid ni Bong naman at si Imelda ay tumungo na muna ng Hawaii kasama ang kanilang mga anak na nanggaling pa sa iba't-ibang parte ng bansa. Minabuti muna nila na magsama-sama muna dun dahl sa palagay nila ay mas ligtas sila don. Walag tigil si Bong at si Sandro sa pag-hahanap kay Sandra ngunit bigo parin sila sa huli. Si Liza naman ay kahit na hirap na ay pinipilit na magpakatatag at kausapin si Nika dahil ano mang oras pwedeng malglag ang batang dinadala niya.

"Nika, kumain ka na muna. Kailangan mo na kumain." Liza.

"Sige mom, iwanan niyo nalang po diyan." Sabi ni Nika habang naka-higa sa kamang lumuluha at nakatanaw ang sa bintana.

"Anak, kailangan mong kumain. Alam naman nating isa si Sandra sa may gustong mag-kkaron na siya ng kapatid, sabi ng doktor kung hindi mo maibabalik ang lakas mo, maaring mawala yung magiging kapatid ni Sandra." Sabi ni Liza. "Anak, mahina na ang heartbeat ng bata. Kailangan mo na magpaka-lakas at lumaban."

"Mom! Nika!" Sigaw ni Sandro mula sa ibaba.

Naramdaman naman nila na paakyat na ito kaya inalalayan ni Liza si Nika para maka-tayo.

"Tumawag na si Melissa!" Masayang sabi niya pag-pasok ng pinto.

Para namang muling nabuhay ang loob ni Nika sa sinabi ni Sandro kaya dali-dali siyang lumapit dito.

"Asan daw si Sandra? Ano sabi? Kamusta si Sandra?" Sunod-sunod na tanong ni Nika.

"Naka-usap ko si Sandra at sabi okay naman daw siya. Gustong makipag-kita ni Melissa sakin bukas ng gabi." Masayang kwento ni Sandro.

"Ao daw ang kapalit?" Tanong ni Liza.

"Wala mom, kkailangan ko lang makipag-kita sa kanya." Kwento ni Sandro.

"Imposibleng walang kapalit yon. Pinag-alala niya tayo ng halos isang buwan tapos ganun-ganon lang?" Liza.

"Ang mahalaga, mababalik na satin si Sandra! Diba Nika?" Sandro.

"O-oo. Makikita ko na si Sandra." Sabi ni Nika habang umiiyak.

Iba ang kutob ni Liza sa magaganap na pag-bawi ni Sandro kay Sandra bukas ng gabi kay Melissa. Alam niya at sigurado siyang hindi lang ito ang kapalit na hinihingi sa kanya ni Melissa kaya hinayaan niya munang mag-saya ang dalawa at bumaba na muna siya para hanapin si Bong.

"Ma'am wala pa po si sir. Nasa opisina pa daw po siya ni Heneral Luna at mamaya pa daw pong ala una ng madaling araw makaka-uwi." Kwento ng kanilang katulong na inutusan niyang tumawag kay Bong.

"Ahh ganun ba? Okay sige, paki-timpla mo nalang ako ng kape at dalin mo nalang sa kwarto." Utos ni Liza dito.

Dahil sa kwento ng katulong nila na nasa opisna pa ni heneral si Bong at mamaya pa makaka-uwi ay lalo na isyang kinutuban na may iba pang gusto si Melissa mula sa kanyang pmilya. Alam niyang kaya nandito. Si BOng ay pinaplano na nila ang mangyayaring pag-kilos nila sa magaganap na pag-bawi kay Sandra bukas.

"Ma'am ito na po yung kape niyo." Sabi ng katulong habang kumakatok mula sa pinto ng kanilang kwarto.

Agad naman niya itong pinag-buksan at inabot ang kanyang isang tasang kape.

Gift From GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon