Chapter 4

183 31 0
                                    

Dumating na ang order namin at kasalukuyan na kaming kumakain ngayon.

Mahinang umubo si Ate Sela na parang kinukuha ang atensyon namin at agad naman kami tumingin lahat sa kanya.

Pinunasan niya muna ang labi niya at uminom ng tubig, tinignan naman agad ako nito.

"Jaydee, your chemotherapy is after two months na. Are you  really sure with it?" pagtatanong niya.

I just nodded to her as an answer.

I was diagnosed of lung cancer when i was in my 11th grade. Life's been hard for me since that day, ang daming bawal na gawin. I feel so dead, limitado lang ang nagagawa ko. Alagang-alaga ako ni mama at papa, hindi naman sa ayaw ko pero nasasakal ako sa ginagawa nila. Alam kong para sa akin 'yon but they won't let me have the happiness na gusto ko bago ako kunin ng langit? Kahit man lang magawa ko ang lahat ng bagay na hindi ko magawa, baka bigla na lang akong mawala.

Nabalik ako sa wisyo ng mahinang tinapik ni Daryll ang balikat ko.

"Kanina ka pa namin tinatawag, okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Daryll.

"Ah opo, may iniisip lang po ako." tanging naisagot ko na lang.

"Balik tayo sa sinasabi ko, pagkatapos ng chemo mo bibisita kami sa'yo Jaydee. Para na din hindi ka mainip sa hospital." kanina pa pala talaga ako nila kinakausap at hindi ko man lang alam na may plano na sila.

"Ang tagal pa nun, nagpa-plano na agad kayo." I clicked my tounge.

"Okay na yung may plano kaysa sa wala, para naman maclear namin schedule namin ng maaga." saad ni Dana.

Tumango na lang ako at ang ibang kaibigan namin sa sagot niya, ibig sabihin na nag aagree sila sa sinabi ni Dana.

Napakaswerte ko sa kanila, hindi ko alam ko ang gagawin ko sa buhay ko kung wala sila.

Nagpatuloy na kami sa pagkain at nilihis na sa ibang usapan ang topic namin.

After 2 months...

"Ready ka na ba, anak?" pagtatanong ni mama sa akin.

"Opo, ma." tanging sinagot ko na lang.

Papunta kami ngayon sa hospital, today's my chemotherapy at aaminin ko na medyo kinakabahan ako.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa hospital.

Inalalayan akong bumaba ni mama sa sasakyan. "Mama naman masyado mo akong bine-baby." I pouted.

"Dati ikaw pa nga nagpapalambing sa amin ng papa mo, ngayon nagrereklamo ka na. Dalaga ka na pero baby ka pa din namin." paglalambing ni mama sa akin sabay yakap niya sa akin.

"I love you, ma." sabay yakap sa kanya pabalik.

"Mahal ka din namin ng papa mo." mas lalo niya namang hinigpitan ang yakap namin, ilang segundo bago kami bumitaw sa yakap.

Ikinabit ko na lang ang kamay ko sa mga braso niya at nagpatuloy na kaming maglakad papasok ng hospital.

"Kumusta, anak? May masakit ba sa'yo?" pag-aalala ni mama, kakatapos lang ng chemotherapy ko at medyo nanghihina ako.

Tumango na lang ako kay mama bilang sagot, kahit makapagsalita hindi ko magawa.

Gusto ko na lang muna magpahinga.

"Mukhang nanghihina ka pa, magpahinga ka muna at mamaya ay nandito na si papa mo." inayos niya lang ang higaan ko at hinalikan ako sa noo at umalis na ng kwarto ko.

Pakiramdam ko sa oras na 'to mas lalong hindi ko magagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. I'm just living for them, my family and friends but now it sucks.

Unang SayawWhere stories live. Discover now