PASALUBONG

80 11 4
                                    


Naniniwala akong, isang araw
darating ang taong paulit-ulit kang pipiliin
kahit hindi mo pilitin.

Isang araw darating ang taong sasalubong sa nararamdaman mo.

Darating ang panahon na mayroon nang sasalubong sa mga bagay na ginagawa mo para sa isang tao.

Isang araw, may taong sasalubong sayo.
Ngunit hindi ka lalampasan bagkus hahawakan ng mahigpit ang iyong mga kamay.

Isang araw may sasalubong sayo,
Ngunit sa pagkakataong ito'y hindi ka lamang sasalabungin,
siguradong hihinto siya upang sabay kayong maglakad.

Isang araw,
darating ang tamang taong sasalubong sa'yo,
Dahil ang taong iyon ang bunga ng bawat panalangin mo.

MGA GUNITA (Pagbabalik-tanaw Sa Nakaraan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon