UMAASA PA RIN AKO NA BABALIK KA.

5 2 0
                                    

Sabi nila kapag may umaalis,
tiyak na may darating,
at kapag may pintuang nagsara,
siguradong may panibagong magbubukas.

Ngunit bakit sa tagal na ng panahon mula noong umalis ka ay wala pa ring dumarating?
Sa haba na ng oras na nakasara ang mga pintuan ay wala man lang panibagong nagbukas?

Hindi ako sigurado kung wala ba talang dumarating
at nais magbukas ng aking pintuan.
Ang totoo ay sinigurado kong naka-kandado ito
upang manatiling sarado kanino man.

Sapagkat sa isang banda ng aking isipan
ay batid kong ikaw lang naman ang aking hinihintay.
Nanatili pa rin ako,
kung saan mo ako huling iniwan.

Nakatanaw pa rin ako sa bintana
kung saan makikita ang kalsada, tinatanaw ka.
Nanatiling nakasara ang aking mga pintuan,
dahil umaasa pa rin ako  na isang araw ay kumatok at bumalik ka.

MGA GUNITA (Pagbabalik-tanaw Sa Nakaraan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon