HINDI MO AKO MAHAL, MALUNGKOT KA LANG.

2 3 0
                                    

Sabi mo "mahal mo ako."

Marahil kung noong mga panahon na sobra-sobra pa ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo ay sasaya akong marinig ang mga katagang ito mula sa'yo.
Ngunit hindi ngayon na mayroon akong napagtanto.

Taliwas ang mga kilos na ipinapahiwatig mo,
maging ang mga salitang namumutawi sa mga labi mo.
Siguro ay nababalot ka lamang ng kalituhan o ng pangungulila at kalungkutan.
Hindi mo ako mahal, malungkot ka lang.

Iyong mga panahon na akala mo mahal mo ako,
hindi iyon totoo at alam ko alam mo ito.
Malungkot ka lang ng mag-isa, kaya akala mo ay mahal mo ako,
dahil naroon ako at nababawasan ko ang kalungkutan na dinadala mo.

Mahal mo lamang ang ideya na nasa tabi mo ako,
Ngunit hindi mo mahal ang kung sino ako.
At alam kong kapag bumalik ang taong pinakahihintay mo ay iiwan mo rin ako.
Sapagkat kahit minsan ay hindi naman pagmamahal para sa akin ang nararamdaman mo.
Kundi pansamantalang kapalit ng taong hinihintay mo.

MGA GUNITA (Pagbabalik-tanaw Sa Nakaraan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon