KUMUSTA NA?

4 1 0
                                    


Kumusta?
Isang salitang hirap na hirap
akong bitawan sa tuwing
magkikita tayong dalawa.

Pero gustong-gusto kong
malaman kung ayos ka lang ba?
Masaya ka ba?
'yong sarili mo, nahanap mo na ba?

Kumusta ka?
'yong mental health mo kumusta?
Nag ooverthink ka pa rin ba?
Anong ginagawa mo sa tuwing nalulungkot ka?
Sa tuwing sasapit ang gabi, naiisip mo ba ako bago mo ipikit ang iyong mga mata?

Sa tuwing napapadaan ka sa paborito nating tambayan,
Ni minsan ba nagkaroon ka ng panghihinayang?
Kumusta?
Itlog at sinangag pa rin ba ang palagi mong almusal sa umaga?
Ang kape mo, nagbago ba na ang gusto mong timpla?

Hindi ko akalain na ang simpleng 'kumusta ka,'
ay mahihirapan akong itanong sa taong noon halos araw-araw kong sinasabihan ng mga katagang 'mahal na mahal kita'

MGA GUNITA (Pagbabalik-tanaw Sa Nakaraan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon