IPINAPANALANGIN KITA.

43 5 0
                                    


Alam mo bang ipinapanalangin kita-ang iyong kasiyahan at kapayapaan ng isipan.
Na sana balang araw, ang mga bagay na iyong inaasam ay mapunta na sa iyong mga kamay.

Ipinapanalangin kita-na sa bawat araw pakiramdam mo, para ka ng kandilang nauupos.
Hinihiling ko sa Kaniya na sana ay huwag ka Niyang hayaang maubos.
Sa mga araw na pakiramdam mo nalulunod ka na.
Sinasabi ko palagi sa Kaniya na "Lord please, iligtas mo po s'ya."

Tahimik akong nanalangin sa Kaniya hindi para sa akin kundi para sa'yo.
Sa bawat dasal ko na 'iligtas mo at ingatan ang buong pamilya ko. '
Palaging ang karugtong noon ay ang katagang 'pati na rin po s'ya kahit malayo siya sa tabi ko. '

Hindi ko man kasi kayang sabihin sa'yo sa ngayon na ikaw ang gusto ko.
Sapat na siguro munang alam ng Lord na ikaw ang laman ng gabi-gabing dalangin ko.

Hindi ako mapapagod na ipanalangin ka.
Dahil alam kong isang araw ibibigay ka rin Niya.
At masasabi ko rin ang katagang "salamat Lord, answered prayer na."

MGA GUNITA (Pagbabalik-tanaw Sa Nakaraan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon