CHAPTER 4:

7.6K 398 25
                                    

THIRD PERSON POV:

Pumasok ang Royalties sa loob ng kwarto ni zerenity, Nakita nila itong nakatalikod at nakatanaw sa labas ng palasyo, nilibot nila ang paningin sa kabuuan ng kawarto nito, kulay violet ang theme ng kwarto nya at punong puno ng pang babaeng kagamitan.

"Oh Gising kana pala." Napa baling ang tingin ni zelix sa nakatatandang kapatid at isa sa kambal nya ng magsalita ito, rinig sa boses nito ang pang uuyam at pagkasuklam sa kapatid

"Bakit hindi ka humarap sa amin zerenity, Ganyan kana ba talaga kabastos?." Sarkastikong ulit pa nito,ngunit nanatiling nakatalikod ang prinsesa at hindi nag abalang tignan man lang sila.

"Duh alam nyo naman na ganan na ang ugali ng babaeng yan,Bat nagtataka kapa prince zeric?." Nangibabaw ang maarteng boses ni Lady Alicia ng magsalita ito.

"Bastos,Mahina,Malan---" Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng magsalita si Zerenity na ikinataas ng balahibo ko,kitang kita ko kung paano mamutla si Alicia at mapaigtad.

"Are you done?." Napaatras ako pati narin ang iba pang prinsipe maging ang mga prinsesa at lady sa lamig ng tinig nya, nanatili syang nakatalikod at hindi humaharap sa amin.

"Pwede na kayong lumabas kung wala na kayong sasabihin." Nagulat muli ako ng mangibabaw ang malamig na boses, nagkatinginan kaming lahat dahil hindi namin alam kung anong nangyayari sa bunso kong kapatid.

Ambilis ng pangyayari, Nakita ko nalang ang kakambal kong si zeric na hinaklit ang braso ni zerenity Bago sampalin ng malakas.

"WALA KA TALAGANG GALANG!KINAKAUSAP KITA!." Sigaw nya bago pabagsak na binitawan ang braso nito, hindi ko makita kung ano ang reaksyon ni zeren dahil nakayuko lang ito. ang akala ko ay takot lang ito ngunit nanlaki ang mata ko sa ginawa nya.

Napaawang ang bibig ko ng suntukin nya ng malakas si zeric na dahilan ng pagkatilapon nito hindi kalayuan.

"Once is enough, wag mo ng subukang padapuin yang kamay mo sa mukha ko." Muntik na akong mapaluhod sa lamig ng boses nya, ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.nanlalaki parin ang mata ko dahil sa ginawa nya, hindi ako makapaniwalang nagawa nya yon kay zeric dahil sa pagkakatanda ko ay takot sya sa kakambal kong yon.

Inangat nya ang tingin nya sa amin, Bumungad sa amin ang malamig nyang mga mata at ang maganda nyang mukha na wala ng ekspresyon hindi katulad noon, bukod doon ay napalilibutan narin sya ng itim na aura, Dahilan ng pagsinghap ng ibang prinsesa at napatulala naman ang kapwa ko royalties bago napaatras, maliban kay killian.

Hindi agad nakatayo si zeric Dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni zeren, Hanggang ngayon ay gulat parin sya at hindi makapaniwala, Nanatili ang titig nya ky zerenity, Hindi ko alam kung totoo ba tong nakita ko o guni-guni kolang dahil nawala din bigla, May dumaang lungkot at sakit sa mata ni zeric habang hindi makapaniwalang nakatingin kay zerenity.

Tumitig sya samin hindi parin nawawala ang lamig sa kanyang mga mata, Nakita kong inilibot nya ang tingin sa amin, Hanggang sa tumigil ang tingin nya kay Killian na nakatingin lang din sa kanya ng malamig, Kitang kita namin ang pagtititigan nilang dalawa, Hindi ako makapaniwala na napaiwas ng tingin si killian dahil walang sino man ang nakatatalo sa kanya pag dating sa ganon.

pano nangyari yon?

Hindi ko alam kung nakita rin nila ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi ni zerenity na kaagad ding nawala.

"Leave." Napaiktad kaming lahat ng muli itong magsalita, Hindi kaagad kami nakareact at natulala lang.

"I SAID LEAVE." Dali-dali kaming lumabas ng kwarto nya, Hindi nakatakas sa paningin ko ang panginginig ng ibang kasama ko, Nakaalalay si prince kevin at prince dustin kay Zeric dahil namimilipit parin ito hanggang ngayon.

Anong nangyari sa bunso naming kapatid? Bakit parang hindi kona sya makilala.

O kung kilala ko ba talaga sya?.

                Enjoy readings!

Another Life Of Ashanta (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon