CHAPTER 32:

4.8K 168 1
                                    

Flashback

Nakatingin lang ang batang si zerenity sa nakatatanda nyang mga kapatid sa edad na nuebe(9) ay pinaramdam na sa kanya ng kanyang pamilya na hindi sya kabilang sa mga ito At dahil nga kilala ang kanyang pamilya at pangalawang pinaka malakas sa magica ang palasyo nila Ay Malaking threat sya sa palasyo dahil nga sa mahina sya at walang mahika.

Kitang kita ang lungkot sa mukha ng batang si zerenity Habang nakatanaw lang sa mga kapatid nyang masayang naglalaro sa hardin ng palasyo.

Lumapit sya sa mga ito

Napatingin naman sa kanya ang mga kapatid nya bago sya samaan ng tingin.

"Kuya gusto ko din makipag laro sa inyo."nakangiting sabi nito sa mga kapatid nyang masama ang tingin sa kanya Kahit na ganon ay matamis parin itong nakangiti.

Lumapit naman ang batang si zeric kay zerenity bago ito itinulak.

"Umalis ka dito hindi ka namin gustong kalaro."sigaw nito bago muling itulak si zerenity kaya napaupo ito.

Bumakas naman ang sakit sa buong mukha nito hindi dahil sa pagtama ng likod nito sa pader Dahil sa sinabi ng isa sa kuya nyang kambal.

"P-Pero-"

"Thats enough zeric lumipat nalang tayo Para hindi natin sya makita."yumuko ang batang si zerenity para hindi makita ng mga ito ang pagbakas ng sakit sa mata nya at ang pangingilid ng luha.

Malungkot lang na nakatingin ang isa sa kambal na si zewis sa bunsong kapatid.

Kahit gusto man nyang lapitan ito at ayaing maglaro Ay hindi pwede dahil narin sa utos ng kanyang ama at ina.

****

Nanatiling nakapikit ang batang si zerenity kahit naramdaman nyang pumasok sa kanyang kwarto ang kuya zeus nya gusto nyang malaman kung ano ang ipinunta nito sa kwarto nya.

Alam nyang pati ang isa pa nyang kuya ay nandoon dahil kahit itago nito ang awra ay naramdaman parin nya.

Naramdaman nyang umupo ito bago hinaplos ng marahan ang buhok nya pinigilan nyang bumangon at yumakap dito at nanatiling nagpapanggap na tulog Patuloy lang ito sa pag haplos ng marahan sa buhok nya bago nya ito narinig na magsalita.

"My princess maintindihan mo sana balang araw ang ginagawa ko,please forgive me Kung hindi manlang kita maipagtanggol I have a reason You will know someday."

Malungkot ang boses nito pinipigilan nyang umiyak dahil ngayon nya lang narinig ang ganong tono ng kuya zeus nya Dahil simula ng magkaisip sya ay laging blangko at malamig ang boses nito.

Naramdaman nyang hinalikan nya nito sa noo bago lumabas ng silid nya.

"Kuya."

Hindi nya napigilang iusal bago nya naramdaman ang pagtulo ng isang butil ng luha sa mata nya.

Pinanatili nyang nakapikit ang mga mata dahil nararamdaman parin nya ang kuya zewis nya.

Simula ng araw nayon ay lalong lumayo ang loob ng mga kapatid nya sa kanya Hindi na nya kaya ang mga trato nito sa kanya Kaya naisipan nyang magtungo sa lugar ng mga mortal.

Nag gawa nalang sya ng clone nya na kaparehang kapareha nya Maliban sa ugali dahil sinadya nya talagang ibahin ang ugali nito Baka sa kaling pagbalik nya ay iba na ang trato sa kanya ng ama at ina nya pati mga kapatid.

Hindi nya rin maintindihan kung bakit naglalabasan ang kapangyarihan sa katawan nya Meron rin syang napapanaginipan na mga imahe pero malabo lang lahat.

Another Life Of Ashanta (EDITING)Where stories live. Discover now