CHAPTER 31:

5.2K 180 1
                                    

Flashback

Noon

Sa mundo ng olympian kung saan ang mga dyosa at dyoso ang naninirahan My kanya kanya silang iniingatan at binabantayan na galing sa ibat-ibang lahi May kinikilala pa silang hara Na Namumuno naman sa kanila Pinaka malakas at makapangyarihan,Ang pagiging matapang at pagiging pantay ng hara sa kanyang sinasakupan Ay namana nito sa ama nitong si xialkiz at ang pagiging maganda ang panlabas at panloob na katangian nito ay namana nito sa ina nitong si mekeinzie Masaya ang pamumuhay ng dalagang si zerenity ngunit hindi nya magawang makuntento dahil alam nyang may kulang at iyon ang pagkakaroon ng soulmate o other half dahil sa sumpa.

Sumpa ng dyosa ng kadiliman noon na si lucia Sinumpa nito si mekeinzie Dahil sa nasawi si lucia sa una nitong pag ibig.Ang ama ni zerenity na si xialkiz ay kinahuhumalingan ni lucia Ngunit hindi pwedeng maging sila dahil na si mekeinzie ang soulmate ni xialkiz.

Isang araw ay umalis si xialkiz dahil may kailangan syang gawin dahil my tungkulin sya bilang isang dyoso At naiwan ang asawa nitong si mekeinzie.

Ng biglang dumating si lucia at binalak na patayin ang asawa nito.

Ngumisi si lucia kay mekeinzie na malamig lang na nakatingin sa kanya.

"Anong akala mo hahayaan kong maging masaya kayo?tapos ako nagdurusa?"galit na sabi nito kay mekeinzie Na hindi naman umimik.

"Pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sa akin!"galit na dagdag pa nito.

"Anong ginawa namin sayo?diba ikaw din naman ang may kasalanan dahil umibig ka sa kahit kelan hindi naman magiging sayo!ikaw ang nagdala sayo sa sarili mong pagdurusa Wala kaming ginawa sayo ginusto moyan!"malamig na sabi nito at kalmang nakatayo lang.

Lalo namang nagalit si lucia at ginamitan si mekeinzie ng napakalakas nitong kapangyarihan na hindi naman tumama dito dahil dumating si xialkiz Pinigilan nito ang mahika ni lucia na tatama sana sa asawa nito.

Nagpalabas ni xialkiz ng mahika na tuluyang pumatay kay lucia pero bago yon ayy Tumingin muna ito  sa kanila.

"SINUSUMPA KO PAGBABAYARAN NG MAGIGING ANAK NYO ANG GINAWA NYO SA AKIN!HINDI SYA MAGKAKARON NG SOULMATE AT MANANATILING MAG ISA HANGGANG SA KANYANG KAMATAYAN!!"

ginawa ng mag asawa ang lahat para maputol ang sumpa ni lucia ngunit hindi umipekto ito hanggang sa magdalaga ang dalaga Pinaramdam nila dito ang labis na pagmamahal ngunit kulang yon dahil kahit kailan hindi matutumbasan ng kahit na sino ang pagmamahalan ng dalawang itinakda At yon ang hinahanap hanap ng dalagang si zerenity Mula ng magkaisip ito ay lagi na nitong tinatanong ang ama at ina nito kung bakit wala syang kapareha.

Hanggang sa isang araw gumawa sya ng paraan para magkaroon sya ng kapareha at itinakda sa kanya.

Gumawa sya ng isang orasyon Para maisilang syang muli,Yon lang ang tanging paraan sa kanyang kagustuhan.

"Sigurado kana ba sa iyong gagawin hara?"bakas ang lungkot sa boses ng dyosang si winsey dahil sa binabalak na gawin ng kayang hara.

"Sigurado na ako winsey sabihin mo nalang kay ama at ina na mahal na mahal ko sila."desididong sagot ng hara.

Pero ang kagustuhan nya ay may kapalit

Ng muli syang isilang Ay mawawala ang kanyang alaala sa pagiging anak ng dyosong si xialkiz at ng dyosang si mekeinzie At ang kanyang pagiging hara ay makakalimutan nya.

At sa kanyang muling pag silang ay maghihirap ulit sya Dahil kung sa una nyang buhay ay mahal na mahal sya ng kanyang pamilya Kabaliktaran naman yon sa kasalukuyan nyang pamilya.

Dahil hindi lang alaala ang nawala sa kanya kundi pati ang lahat ng kanyang kapangyarihan Na babalik lang sa oras na makaalala ulit sya.

Yon ang naging dahilan para kasuklaman sya ng kasalukuyan nyang pamilya ngayon dahil sa wala syang kahit anong mahika.

Ang Hari at Reyna ng Diamond palace ang kasalukuyan nyang naging ama at ina Na simula ng mabuhay sya ay pinaramdam na nito sa kanya na wala syang kwenta.

*****
A/N:

Kung nabasa nyo po ang chapter 6 ay nabanggit po don kung sino si winsey.

Salamat:))

Another Life Of Ashanta (EDITING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat