SPECIAL CHAPTER

1.1K 39 0
                                    

Sa maaliwalas na kapaligiran ay kitang kita ang mga nagkalat at nagliliparang ibat-ibang makukulay na creatures na nagsisilbing dekorasyon ng lugar na iyon.

Kita ang saya at galak sa mga mukha ng lahat ng matunghayan ang pag iisang dibdib ng prinsepe killian at ng dyosang si zerenity sa harap ni mekeinzie na sinaunang dyosa na ina nito.

Mag mula ng bumalik ito ay nag umpisang bumalik ang ganda at dalisay ng mundo ng magica. Makikita sa paligid ang ibat-ibang lahi na dumalo upang masaksihan ang pag iisang dibdib ng dalawang taong ngayon ay mamumuno sa kanila.

Makikita sa harapan si mekeinzie at zialkiz na magkahawak ang kamay na nakatanaw sa anak nila na si zerenity. Bakas ang saya sa mga mata ng dalawa dahil sa wakas ay nakamtan na ng kanilang anak ang ligaya na noon pa lang ay hinahangad na nito.

Malaki ang ngiti ni mekeinzie ng humarap ito sa asawa.

"Sana ay magampanan nila ng maayos ang nakaabang na tungkulin sa kanilang dalawa zil." Malumanay na sabi nito at napangiti ng makitang tinulungan ni hellian ang kapatid nito ng madapa dahil sa likot.

"Alam kong handa ang anak natin sa kung ano mang problema ang dadating sa kanila mahal." Sagot naman ng asawa nito habang nakatanaw parin sila sa kanilang mga nepotes.

Bakas ang kinang sa kanilang mga mata habang nakatingin sa dalawang batang isa sa dahilan kung bakit ngayon ay nag uumapaw sa saya ang mundo nila.

"Ngayon palang ay nangangamba na ako sa magiging kapalaran nila zil." Bakas ang pangamba sa mukha ni mekeinzie habang nakatanaw doon.

Dahil doon ay naalala ni zialkiz ang nakita nilang pangitain noon sa hinaharap, na ang dalawang bata ang sasalo sa ginawa ng kanilang ina noon.

Ang ritual na ginawa ni zerenity noon ay alam nilang lumapit ito sa diyos ng buhay para humingi ng tulong na maisakatuparan ang proseso upang maisilang syang muli dahil sa paghahangad nya noon na magkaroon ng kapareha.

"Magtiwala ka kay zerenity, alam kong hindi nya hahayaan na may mangyaring masama sa kanyang mga anak, ang tanging magagawa nalang natin ay gabayan silang dalawa." saad nito habang nakatingin sa kanya.

Tumango ito pero kita parin ang nakatagong pangamba sa mata ng dyosa dahil sa pangitain na nakita.

Sa isang banda ay humagalpak ng tawa si tyron at dustin ng makita ang isang sungay ng unicorn na tumubo sa noo ni kevin dahil sa kagagawan ng munting prinsesa na si hyrra.

Kitang kita ang pagsimangot ni kevin na lalong nagpahalakhak sa kanila na mabilis ding natigil dahil sa kung anong bagay na bumalot sa bibig nila.

Napatingin sya kay polaris na nakatingin ng masama sa kanila habang tinuturo si hyrra. Napatingin din sya doon at nakita ang pagtataka sa inosente at maganda nitong mga mata.

"Bakit po kayo tumatawa?" Inosenteng tanong nito habang nakatingin sa kanila.

Napaayos naman sila ng tayo at napalunok bago tumingin kay polaris at sinenyasan na alisin ang spell nito.

Sungit naman ng mahal ko

Binalik ko ang tingin sa prinsesa na deretso parin ang tingin sa kanila. Kahit kailan ay napakaganda talaga at nakakabighani ang taglay na ganda nito na namana nito sa ina.

"May nakakatawang bagay lang kaming nakita princess." nakangiti nitong paliwanag habang pinipigilang mapabungisngis dahil sa nagmukhang taong unicorn si kevin.

Ito kase ang pinagbantay ni killian para bantayan pansamantala si hayrra at ang siraulong si kevin naman ay tuwang tuwa at nakalimutan na yata na mahilig ito sa mga creatures katulad nalang ng unicorn.

Another Life Of Ashanta (EDITING)Where stories live. Discover now