Kabanata 2

61 9 2
                                    

JUSMIYO Santisima Trinidad! What happened to your room? It’s too messy!”

Iyan agad ang narinig ni Josefa mula sa kaniyang ina pero hindi niya pa rin iminumulat ang kaniyang mga mata. Pinapakiramdaman lang niya ang kaniyang ina na kasalukuyang pumapasok sa kaniyang kuwarto.

“Kuwarto pa ba ito ng isang babae, Maria Josefa Manlangit? Hinayaan lang kitang magmumukmok ng tatlong araw pero ngayon hindi na ako natutuwa sa’yo. Bumangon ka na nga riyan!”

Naramdaman na lang ni Josefa na hinila ng kaniyang ina ang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan na dahilan para imulat niya ang kaniyang isang mata sabay humikab.

“I feel sleepy, Mom. I’ll just want to rest,” inaantok na saad ni Josefa habang naiinis niyang ginulo niya ang kaniyang buhok.

“Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Tsk. Ano bang mapapala mo riyan sa pagsusulat, huh?”

“Dito ako masaya, Mom.” Umiling-iling si Josefa, tila ayaw niya munang makipagtalo sa kaniyang ina at saka nararamdaman niya na parang mabibiyak ang kaniyang ulo.

“Masaya? Bakit? Makakakuha ka ba riyan ng pera? Hindi ‘di ba? Nagsasayang ka lang ng oras at load dahil diyan sa pesteng pagsusulat na iyan. Kung kinuha mo sana ang gusto naming kurso edi sana may suweldo ka na ngayon,” himutok nitong sambit at naramdaman na lang ni Josefa ang paglubog ng kaniyang kama nang umupo ang kaniyang ina.

“Mom, please I don’t want talk to this issue again.” Hindi na naiwasan ni Josefa ang mapabuntonghininga at napagdesisyunan na lang niyang bumangon sa kaniyang higaan kaysa naman paulanan naman siya ng sermon ng kaniyang ina.

“Ayaw mong pag-usapan pero ayaw mo namang marinig sa amin. Josefa, hinayaan ka naming mag-shift sa course na Malikhaing Pagsulat kahit na gusto namin ng daddy mo na tapusin mo ang Business Administration dahil balang araw ay isa ka sa mamahala ng mga business natin pero nirasonan mo pa kami na hindi mo gusto ang course na iyon. Wala kaming magawa kundi ang suportahan ka na lang kahit labag sa kalooban naming but not this time, Josefa… napapansin namin na napapariwara ka na sa buhay. Bakit hindi ka gumaya sa mga pinsan mong successful na.” Umiling-iling pa nito matapos bitiwin ang mahabang litanya at pagkatapos nito ay tuluyan na siyang iniwan nitong iniwan sa kuwarto.

She can’t help not to brush her hair out of frustration. Tamad siyang tumayo at inunat niya ang kaniyang dalawang kamay. Sa halip na ayusin ang kaniyang hinigaan ay inuna niya munang hinawakan ang kaniyang laptop para magsulat ng panibagong storya. Marami na ngang nagtatampo sa kaniya at naiinip kung bakit hindi na siya muling nakakapagsulat.

She has a life too! At hindi niya maiwasan ang maghihinakit sa mga reader niya grabeng maka-demand ng update. She loves her readers pero hindi rin naman umiikot ang kaniyang buhay sa pagsusulat.

Napatampal na lang siya sa noo nang wala pa ring pumapasok na eksena sa kaniyang utak. Perks of having writing block! Ilang minuto na siyang nakatutok sa laptop pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naiisip na eksena.

Ang hirap sundan ang buhay ni Tasyo. Isang bida sa sinusulat niyang nobela. Si Tasyo ay isang heneral nang taong 1850 at nawalan ng kasintahan dahil tumalon ito sa lawa at hindi na muling nakita pa.

Simula nang na-terminate ang kontrata niya ay unti-unting nawawala ang passion niya sa pagsusulat. Parang all of the sudden, tuluyan na siyang nawalan ng ganang magsulat baka tama ang kaniyang ina na nagsasayang lang siya ng load at oras sa pagsusulat. Baka hindi siya destined na maging isang writer.

Nang isang oras na siyang nakatunganga sa harap ng kaniyang laptop ay naiinis niyang isinara ang kaniyang laptop at napagdesisyunan na lang niyang pulutin ang kinumos niyang mga papel na nasa sahig.

A Blast of MemoirWhere stories live. Discover now