Kabanata 4

43 7 0
                                    

“’Di ba sinabi ko sa iyo na huwag kang humiwalay sa akin?” Nanglilisik na saad ni Tasyo

“Edi sorry na. Uwuu.”

Kitang-kita naman niya ang pagkunot ng noo nito. “Tila iba ang iyong wangis, maging ng iyong pananalita. Nahihiwagaan pa rin talaga ako kung sino ka nga talaga.”

“Pero, Tasyo, bakit mo naman pinatay ang mga tulisan?”

Hindi alam ni Josefa kung bakit nagtayuan ang lahat ng balahibo sa batok niya nang nakita niya ang pagngisi ni Tasyo.

“Ano ba dapat ang ginagawa sa mga taong katulad nila? ’Di ba, pinapatay?”

“Pero hindi naman dapat patayin mo sila basta-basta. Kita mo naman na nagmamakaawa na ang tao.”  Mababakas sa boses ni Josefa ang pagkairita.

“Mga indio lamang sila binibini at nararapat lamang na ganoon ang kanilang kinahitnan.”

Napanganga na lang si Josefa sa kaniyang narinig. “Excuse me, huh? But are you saying that they don't deserved to live because they are Indios?”

“Paumanhin ngunit hindi ko gaanong batid ang iyong tinuran.”

Hindi maiwasang mapaikot ng mata dahil sa hindi na naman maintindihan ni Tasyo ang kanyang sinabi. Tinatamad na siyang isalin sa Filipino ang kaniyang sinabi.

“Sa akin na lang iyon.” Ngumiti siya ng peke sa binata at muli siyang umirap

“Isang palatanungan pa rin sa akin kung paano ka napunta sa kwartel. Nasaksihan ko kung paano ka lumitaw sa lugar na iyon. Isa itong kababalaghan.” Umiling-iling si Tasyo na ’di pa rin naniniwala na nangyayari ito.

"Kung nakita mo akong lumitaw dito ay alam mo rin kung paano ako makakauwi?" Tila nagkaroon ng ningning at pag-asa ni Josefa na makakabalik pa siya sa bahay niya.

Hindi puwedeng manatili siya nang matagal dito dahil alam niyang hindi puwedeng magtagpo ang manunulat at mga tauhan ng kuwento. Alam niyang mas lalong magkakagulo sila.

Kitang-kita niya kung paano umarko ang kilay nito. “Hindi ko alam kung paano ka makakauwi sa tahanan mo at mas mainam na hindi ka makakauwi dahil pag-aari na kita.”

Gayon na lamang ang paglaki ng mga mata ni Josefa nang narinig niya ang sinabi ni Tasyo. “Sandali lang naman sir! Wala ’to sa usapan.”

“Bakit, anong akala mo na walang kapalit ang pagpapalaya ko sa iyo?” taas kilay na saad ni Tasyo

“Sir, para lang sa kaalaman mo, hindi ako pagmamay-ari ng sinuman, kahit na ang isang kagaya mo na hambog.”

Napayukom na lang ng kamao si Josefa dahil nagtitimpi na siya kay Tasyo. Kapag hindi talaga siya makapagpigil ay masasapak niya ang isang ito.

Ngumisi ito sa kaniya ng nakakaloko.
“"¿Por qué, qué piensas de ti niña? Sois las mismas chicas que nos entretienen a los chicos.” [““Bakit, anong akala mo sa iyong sarili babae? Pare-pareho lang naman kayong mga babae na nagbibigay-aliw sa aming mga lalaki.”]

Hindi na nakapagtimpi si Josefa at idinapo niya ang kanyang kamay sa pisngi ni Tasyo. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito matapos niya itong sampalin ng malakas.

“For your information! Kayo ang may kailangan sa amin at hindi kami.” Napayukom na ito ng kamao at nang akma na sana siyang susuntukin nito, nang muli siyang nagsalita. “Ano, sasaktan mo ako? Sige, suntukin mo ako kung gusto mo!"

Nakita niyang unti-unti nitong ibinaba ang kamao nito. “Hindi mo ako kilala para sampalin ako mujer,” nanglilisik nitong saad

“Oh! Kilalang-kilala kaya kita. Ikaw si heneral Protacio Ruiz y Guevarra.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Blast of MemoirWhere stories live. Discover now