Kabanata 3

62 8 2
                                    

“Sino kang babae ka at pumasok ka sa selda na ito?” galit na asik ni Tasyo habang hindi pa rin nito binibitiwan ang baril na nakatutok sa kaniya.

Gusto niyang matawa pero hindi niya magawa. Dapat ba siyang tumawa dahil nakaharap niya ang kontrabida-bida na sinulat niya? O dapat siyang masindak dahil kasalukuyan siya nitong tinutukan ng baril.

Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at kagaya ng inilarawan sa sinulat niya ay ganoon din ang nakikita niya ngayon kay Tasyo na kaharap niya ngayon.

Naging inspirasyon niya si sir Steven sa mukha ni Tasyo kaya magkawangis silang dalawa. May mapupungay na mata, nakaarko ang dalawa nitong kilay, matangos ang ilong nito, may mala-rosas itong labi, malapad na balikat at mahahalata sa kiyas nito na lalaking-lalaki ito.

“Sagutin mo ako kung saan ka nanggaling?”

Hindi maiwasang mapangisi ni Josefa habang tinitigan niya ang binata. “Kung sasabihin ko ba sa iyo, maniniwala ka ba?”

“dime la verdad si no quieres que te corte la lengua!” [“Sabihin mo sa akin ang totoo kung ayaw mong putulan kita ng dila!”]

Laking gulat niya nang ibinagsak ang mga kamay nito sa mesa. Nanglilisik ang mga mata nito habang nakatitig ito sa kaniya.

Isang ngisi na lang ang iginanti ni Josefa sa nangagalaiti na heneral. Ganitong-ganito niya inilarawan si Tasyo.

Maliit ang pasensya at mainitin ang ulo.

“Isa ka bang tulisanes na gustong pabagsakin ang pamahalaang Espanya? Sagot!”

Napatili na lang si Josefa nang sumigaw na naman ito sa kaniya, madilim ang mukha nito at wala siyang nakikitang awa sa mga mata nito.

“Paano kung sabihin ko sa iyo na nanggaling ako sa hinaharap, maniniwala ka ba?” taas kilay na tanong ni Josefa

Saglit na nagkaroon ng katahimikan at mayamaya pa narinig na niyang pumagak ito ng tawa.

“una gran broma!” [“Isang malaking kalokohan!”]

Hindi naiwasang mapakurap-kurap ng mata ni Josefa dahil sa kaniyang narinig. Marunong si Josefa magsalita ng Espanyol dahil may Spanish class siya nang nag-aaral siya sa kolehiyo at iyon din ang dahilan kung bakit marunong magsalita ng salitang Espanyol si Tasyo.

“Ayaw mong maniwala? Edi don't.”

“Paano ko paniniwalaan ang isang babaeng katulad mo kung ang iyong tinuran ay hindi kapani-paniwala.

“Mas lalong hindi ka maniniwala kung sasabihin kong tauhan ka ng sinusulat kong nobela,” aniya sa kaniyang isip

“Kung hindi ka isang tulisanes, ano ka?”

“Tao, duh!” Hindi maiwasang mapaikot ng mata si Josefa.

“Huwag mong ubusin ang aking pasensya, babae kung ayaw mong maputulan ng hininga rito.”

“Okay, fine, fine! Beast mode ka rin, ano?”

Kitang-kita niya ang pagkunot ng noo nito. “B-beast mode? Anong wika ba ang iyong ginamit at tila hindi ko yata iyon maintindihan?”

“A, basta! Huwag mo nang alamin baka masiraan ka ng bait kung malaman mo kung ano iyon.”

“Maging ang iyong pananamit ay kakaiba. Muli kitang tatanungin kung saan ka nga ba nanggaling?”

Biglang napatingin si Josefa sa kaniyang suot at gayon na lamang ang pagkagulat niya nang hindi nagbago ang suot niya, kung ano ang kaniyang suot ay ganoon din ang suot niya rito.

A Blast of MemoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon