Chapter 9

38 7 0
                                    

MIZUKI

"Hoy gising hoy" panggigising sa akin ni dad.


"Daddy 5 minutes more please" sabi ko habang tinatakpan ang tenga ko kasi si dad pilit akong pinapagising ay oo nga pala nasa hospital parin ako hanggang ngayon.


"Mizuki nandito yung mga kaibigan mo" sabi ni dad na pilit parin ako ginigising.


"Mga? si kia lang naman kaibigan ko dad".

"Ay oo nga pala ano ba tayo para sa kaniya isa lang naman tayong stranger na bumista sa kaniya, okay lang okay lang talaga kami" rinig kong sabi ni gael kaya dali dali akong tumayo at inaayos ang magulo kong buhok.


"Weylan" gulat kong tawag sa kaniya ,nginitian naman niya ako bago ako batiin pabalik, oo nga pala hindi pa ako naghihilamos.


"Kaya mo na bang tumayo?" nag-aalalang sabi sa akin ni dad habang inaalalayan ako tumayo.


"Yup kaya na nito" sabi ko habang pinapakita yung paa kong may benda  tinanguan naman niya ako kahit halata kay dad na hindi siya kumbinsido.

"Ingat sa paghakbang" pag-aalalay sa akin ni dad kahit kaya ko naman na maglakad.

"Kaya ko na dad thank you" pagpapasalamat ko kay dad nang makapasok na ako sa banyo.

"Okay ingat parin sa loob okay baka pwersahin mo nanaman iyang paa mo" sabi ni dad na mayroong laman sa bawat words na sinasabi nakita kaya yun ni dad sana hindi.


Pagkatapos ko naman maghilamos lumabas na ako ng cr uupo palang ako sa sofa ng awatin ako ni dad, taka ko naman tinignan si dad bago tignan ang sofa kung saan natutulog pala si sky.

"Sky!"


Natatarantang tumayo si sky habang hawak hawak parin ang kumot, rinig na rinig ko naman ang mga bungisngis nila kia.


"Makasigaw naman" inis niyang sabi habang pinipilit na dumilat.


"Gising na bro tanghali na" natatawang sabi ni mateo kay sky na magbalak pa atang matulog uli.


"Maiwan ko muna kayo at may kailangan ako asikasuhin sa company, magpapadala nalang ako ng food luna behave kalang okay" sabi ni dad bago dali daling lumabas ng room.

"Sakto nagugutom narin ako" sabi ni kia habang umaaktong namimilipit.

"Okay ka na ba?" sabi ni Weylan na may halong pag-aalala, mabilis naman akong tumango at ngumiti ng sobrang lawak enebe pereng tenge te.

"Thats good" sabi niya na may sukling ngiti pereng tenge telege to si weylan sarap mahalin joke.


"Nagbreakfast na ba  kayo?" tanong ko habang hinahanap ang hair brush ko.

Nasan na ba yun.

"Ito ba hinahanap mo?" tanong sa akin ni sky habang gamit gamit ang hair brush ko .

"OO" sabi ko bago kunin sa buhok niya yung suklay.

"T-tulungan kita magsuklay" sabi ni sky bago kunin sa kamay ko ang suklay


"Para kayong mag-asawa sabi ni kia sa amin.


Agad naman akong lumayo dahil baka maissue na naman.


"Dito ka hayaan mo sila" sabi niya bago uli lumapit sa akin.


Habang kumakain kami hindi ko maiwasan tignan si kia na ngayon ay nakatingin kay kenzo itong si kenzo naman patingin tingin sa akin kaya kunot noo ko siya tinignan.


"Penge pa kanin gael" utos ni kia kay gael parang walang kia's diet sa isipan niya, sabi kasi DAW sa kaniya ni kenzo mahilig daw si kenzo sa matakaw na babae kaya tuwing nakikita or nadadaanan namin sila sky lagi siya bumibili ngang sangkatutak na pagkain pero ako lang naman kumakain.


"Oh wala kang diet ngayon?" nakangising tanong ni mateo sa kaniya kitang kita naman ang pag-iba ng timpla ng mukha ni kia, nakasimangot na ngayon.



"Penge ako pizza" hingi ko kay mateo kasi nasa harapan lang niya, kinuha naman iyon ni kenzo para ibigay sa akin.


"Salamat" sabi ko bago kunin ang isang pirasong pizza.


"Luna" tawag sa akin ni sky kaya taka ko siyang tinignan habang nahinto sa pagkagat.


"Wala lang" natatawa niyang sabi bago i pat ang ulo ko.


"Baliw".


"Sakit na ng tiyan ko" sabi ni kia habang nakahawak sa tyan ikaw ba naman kumain ka ng sangkatutak na pagkain biglaan pa, kung hindi sumakit tyan mo.


"Yan halatang diet ng diet araw araw" natatawang sabi ni mateo sa kaniya pikon naman siyang hinabol ni kia ng sipa pati hampas.


"Aray ko tama na" natatawang tumaktakbo si mateo paikot sa sofa habang si kia patuloy parin siyang hinahabol.


"Takte ka may sama ka ba naloob sa akin" sabi ni kia na ngayon ay binabato na nang unan  si mateo itong si mateo naman parang batang lalong inaasar si kia.


"Kayo ata para sa isa't isa" sabi ni gael na nagpatigil sa kanilang dalawa, sabay na hinabol ni kia at mateo si gael, poor gael.


"Porket kaibigan kita ginaganyan mo na ako".


"Ang pangit mo".


Sigaw na sabi nila mateo at kia kay gael na ngayon ay tawa ng tawa.


"Sige pagaling ka ha" sabi ni kia sa akin paalis na kasi sila dahil may pasok pa bukas.


"Bye bye" sabi ni gael at mateo habang inaayos yung polo nila,tingnan ko naman si weylan na kanina pa busy sa cellphone niya.


"Sige mauna na kami" paalam nila sky bago sila sabay sabay na lumabas ng kwarto ko.


"Makakapagpahin--- oh bakit ka bumalik?" taka kong tanong kay sky.


"Dito uli ako matutulog" sabi niya bago ibagsak ang sarili niya sa sofa.


"What?! Umalis kana!! kinakabahan na sabi ko sa kaniya habang pinagbabato siya ng makita kong pwedeng maibato pero hindi manlang siya nasaktan dun kasi puro unan lang, iaamba ko palang yung vase ng tumayo agad siya.


"Chill wag yan sayang ito" turo niya sa pagmumukha niya kaya tinarayan ko nalang siya at padabog na humiga, bahala siya dyan susumbong ko siya.


"Wag ka mag-alala hindi kita gagalawin hindi ka pasok sa standard ko" sabi niya sa akin kaya hinarap ko siya at tinarayan uli.


"Ang pangit mo".



                             °°°

I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon