Chapter 16

27 3 3
                                    

Mizuki's POV


Nasa room na ko lahat sila tumingin sa akin na nag- aalala yung iba parang gusto niyang patayin ang nanakit sa akin lalo na si pres.


"Okay ka lang ba? Masakit ba anit mo? Omg ang gulo ng buhok mo" worried na tanong sa akin ni kia. "Medyo masakit anit ko pero okay naman ako" sabi ko pero hindi nawala sa itsura niya ang pag-aalala.


"Suklayan nalang kita" sabi ni Mae bago suklayan ang buhok ko. "Punasan ko na lang pawis mo sa noo" sabi ni sarah bago punasan ng pawis ko.


"Bango amoy dior" sabi ni sarah kaya lahat inamoy yung pawis ko takte nakakahiya. "Gagi oo nga" sabi nung ilan yung iba naman busy pa rin sa pag bake.


"Wotah oh" sabi ni pres bago ibigay yung water sa akin na agad ko naman ininom. "So back tayo sa topic kanina.. Siguro naman may naisip na kayong design" tanong ni pres sa aming lahat kaya lahat kami tumango tango.


"Good so nakapagbake na ako sa bahay ng mga cake at magpapadeliver nalang ako bukas ng mga cake na walang design dahil bukas kayo mismo gagawa ng design sa harap ng magiging costumers natin okay ba yun?" Tanong sa amin ni pres kaya tumango uli kami bago simulan ang pag-aayos ng room.


"Luna" tawag sa akin ni sky habang tumutulong ako mag-ayos ng upuan, tumigil muna ako bago ko siya puntahan sa may pintuan.


"Ano?!" Malamig kong tanong sa kaniya habang nakapamewang. "Galit yan?" Nang-iinis niyang tanong bago ako gayahin sa pagkapamewang ko, rinig ko naman ang mga bungisngis ng mga kaklase ko mula sa likodan ko.


"Tigil tigilan mo ako Sky "wala sa mood kong sabi bago siya talikuran. "Okay okay sorry" pigil niya sa kin habang nakahawak sa braso ko, inis ko iyong tinanggal bago siya tignan nang nagtataka.


"Okay lang ba yung ulo mo?" Tanong niya habang nakatingin sa buhok ko kung saan ako nasabunutan kanina.

"Oo" sagot ko na tatalikod na sana pero pinigilan nanaman niya ko.


"Bakit nanaman?" Inis na sabi ko gusto ko na talaga kasi tumulong sa kaklase ko para kasing ewan yung ginawa nila.


"Wala lang" natatawa niyang sabi bago mabilis na tumakbo paalis ng room namin, nanttrip nanaman yung loko na yun, sinilip ko muna kung saan siya pumunta bago uli bumalik sa trabaho ko kanina.

"Wow ang ganda napakarelaxing ng room natin" sabi ni pres na parang in love na inlovesa status ng room namin ngayon. Napakarelaxing talaga kasi parang cafe siya kahoy yung upuan pati yung table.



Nag-add kami ng coffee, ice tea, juice sa menu pinangalan namin yung room namin ng LOVED CAFE.


"Bye na guys mag pa practice pa ako sa design ko" paalam ni pres sa amin kaya lahat kami nagsilbasan na nag room isasara daw yung door baka may sumabutahe may trust issues kaming lahat.


Nagpaalam sa akin si kia na uuwi na daw siya dahil nandun yung materials na gagamitin niya kaya mag isa akong bumibili ng isang box ng lemon square dun ako mag pa practice sa room ng cooking club pumayag naman silang gamitin ko.


Habang nagpapractice ako gumawa ng design pumasok bigla si sky at umupo sa kaharap kong upuan. Wow ang sarap naman sabi niya habang nabubulunan sa kinuha niyang lemon square na may design na cactus yep nag add ako ng design.


"Wag ka nga magsalita tumatalsik kaya" sabi ko habang busy sa pag design ng cat medyo magulo pa siya kaya binigay ko nalang kay sky, medyo namula pa yung tenga niya bago niya kainin yung binigay kong cup cake.



I hate you, MR. PLAY BOY! || SHIM JAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon