009

143 64 1
                                    


Xyanara's POV

Napabalikwas ako sa kama ko ng ilang beses dahil sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng pinto nitong kwarto ko. Mukhang nakatulog pala ako ng hindi ko namalayan matapos kong mag-shower kanina nung dumating ako galing School.

Ang dahilan? Walang iba kundi sa sobrang pagod... lalo na nung maglakad lang ako kanina dahil sa sobrang lakas ng ulan. Yon tuloy at ang hirap maghanap ng masasakyan. Buti na ngalang at may dala akong payong eh.

Maya-maya'y napakatok ulit si Cherry.

"Bruhaaaa!!! Dinner is ready na! Labas na diyan dali!", rinig kong sigaw niya mula sa labas na parang nakalamon ng megaphone sa sobrang lakas ng boses nito.

Kaagad naman akong napatayo at inayos mona ang sarili bago lumabas ng kwarto.
Naabutan ko pa nga siyang nakatayo parin sa gilid ng pinto ng kwarto ko kaya marahan niya akong hinila paupo sa hapag kainan.

Nagniningning ang mga mata kong napatingin sa mga pagkaing niluto niya.

"Anong meron bruha at ang dami naman ata nito?", tanong ko sa kanya habang inaabot nito sa akin ang plato.

Napangisi naman kaagad siya at napakagat sa hawak-hawak niyang Fried Chicken. "Wala lang... masaya lang talaga ako ngayon dahil nakita ko na naman siya kanina ulit doon", aniya na parang kinikilig.

Bahagya ko siyang hinampas sa braso. "Ayan kana naman eh... Puro ka Kouichi, Kouichi, Kouichi. Sino ba talaga yon at parang na gayuma ka?", napailing-iling kong saad habang nilalagyan ko na ng pagkain ang plato ko.

"Grabe ka bruha huh, di ba pwedeng na-love at first whiff lang ako sa kanya? Alam mo namang inlove ako sa mga mababango eh...", nakangusong tugon nito.

Trinay kong hindi matawa sa sinabi niya maging sa pagnguso niya pero hindi ko talaga nakayanan.

"Hahahahaha ano? Love at first whiff? Nakakatawa namang pakinggan nun bruha", bulalas ko at agad na isinubo sa bibig ang adobong manok.

Agad naman niya akong sinamaan ng tingin habang ngumunguya siya ng pagkain.

"Diba gusto mo ng mabango?", nakangising tanong ko.

Napataas naman ang kilay niyang napasalita. "At bakit naman kung oo?", wika niya bago sumipsip ng juice.

Alam niyo minsan tinutupak din ako...

"So why not try to date the owner of Downy bruha? Malay mo kahit hindi maligo yun ng ilang buwan mabango parin, tsaka di kana lugi sa kanya kung ganoon", natatawang sabi ko kaya nung akma akong kukuha ng hotdog ay agad niya itong inilayo sa akin.

"Kouichi is enough for me bruha. Ikaw yung nakaisip nun so why not try dating him instead?", binelatan pa talaga ako nito ng bonggang-bongga at agad na inisa-isang kinain ang mga hotdog na nasa plato.

Napamaang nalang ako sa kanya hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa ginawa niya. Kinain niya lahat ng hotdogs ko eh... huhuhu.

Ako naman ngayon ang napanguso sa kanya. "Ba-bakit mo inubos yun... bruha?", kunwari ay naiiyak kong sabi.

Nilagyan niya ng fried chicken ang plato ko at napabungisngis.

"Wag ka nang malungkot beh... may hotdog pa naman nohh", aniya at napatango-tango.

Napaawang naman kaagad ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Talaga???", nae-excite kong sabi na parang bata.

"Oo nga ano kaba, nandon bruha buksan mo ng makita mo", napatingin naman ako sa tinuturo niya at agad na bumagsak ang balikat ko dahil don. May hotdog nga pero nasa loob naman ng ref huhuhu.

HEIJUEL'S ACADEMY: School for MusiciansWhere stories live. Discover now