Chapter 31: At the Restaurant

3 0 0
                                    

Sweetness is overload.

Savannah'H POV

Hinayaan ko na lang sila sa mga gusto nila. Basta ako nagugutom na rin talaga ako, kahit sa totoo lang nararamdaman kong kakaiba. Hindi ko alam kung ano iyon pero pakiramdam ko planado lahat. Pinili ko munang huwag isipin ang mga bagay na iyon. Mas nag-focus na lang ako sa dapat— kumain.

"Guys, see you there na lang. I can drive naman." Pag iiba ko sa usapan ng makalabas na kami ng office.

"No! Sama-sama tayong pupunta 'ron. Ako na bahala, balik na lang tayo rito pagkatapos. Kotse ko na lang gamitin. Kasya naman diyan anim eh." Pag-vovolunteer ni Ian.

Naalala ko rin na malaki ang kotse niya este van pala. Hindi ko alam kung palagi niyang gamit iyon or talaga nagkataon lang din.

"It's okay with me. Mas maganda sabay-sabay tayo at magkakasama." Matthew added.

"Me too," biglang sabi naman ni Jay.

"Let's go!" pagyaya ni Christopher.

Habang ako naman ay hinila ni Ian sa papasok sa loob ng kaniyang van, doon daw ako sa tabi niya. Like, wala akong nagawa kundi hayaan siya dahil sumabay na rin ang tatlo dahil mga gutom na rin talaga ang mga ito.

Mukha silang mga bata sa lagay namin ng mga oras na iyon.

Sumakay na nga kami sa van ni Ian. Ang van niyang Sunray Deluxe Van.

Nasa loob na nga kami ng kotse at biglang naging awkward ang lahat. Walang kahit isang sumira sa katahimikan, tila para bang mga pipi kaming lahat. At kahit ako, ayokong manguna para masira ito.

Hanggang sa...

Ehem...

"Sobrang tahimik ninyo naman. Gutom na talaga kayo?" pagtatanong ni Ian para talagang masira ang katahimikan.

"Oo nga, kanina lang ang daldal ninyo. What happened?" I asked.

"Nothing. Maybe I am hungry," saad ni Matthew sabay ngisi nang bahagya.

"Same here, nakakagutom lang talaga." dagdag naman ni Christopher.

"Oh... yeah... same thoughts with them. Later baka lumabas din yung kakulitan namin kapag busog na. Mahirap talaga magutom ang mga gwapo." Pagbibiro ni Jay habang nakahawak pa sa kanyang babá na akala mo may bigote. At sabay natawa naman ang tatlo sa kaniyang paandar.

Habang ako naman nagpipigil din sa tawa. Kakaiba rin pala siya magutom. Hindi na alam ang sinasabi.But yeah, they are totally package plus handsome. Minsan nga naiisip ko, did I deserved to be their princess? Hindi naman sa tinatanong ko ang sarili ko pero syempre I am a workholic woman, at ako pa talaga ang natipuhan nila.

At ilang minuto lang ay nakarating na kami sa malapit na restaurant. Yeah, this is a newly restaurant of Syncthecia.  But, this is Sync Ve Resto and daddy is one who think for this named. And soon, I will be the next owner. Well, sino pa ba kundi ako lang naman. Kaya nga kung tutuusin, kung sino man ang magiging asawa ko talaga in the near future ang suwerte dahil hindi lang talaga basta mayaman ang pamilya, kilalang sa business field talaga.

Nag-park na si Ian ng kaniyang Van, pagkatapos nito ay bumababa na rin kami. Nauna bumababa si Matthew and guess what, pinagbuksan pa ako ng pinto. At inalalayan pa ako, sumunod na lang ang tatlo na para bang dismayado. Pero ako naman, napangiti bigla.

Oh my heart, kumalma ka. Parang akala mo naman totoo siya sa ginawa niya. Nagpapansin lang talaga sayo si Matthew.

At syempre umiral na naman ang pagiging palabiro ni Jay.

The Glamorous LadyWhere stories live. Discover now