Chapter 14: Choices

11 0 0
                                    

Moments

Savannah POV

Hindi ako mapakali simula nang mag-stay na lang sa condo unit nila ang bestfriend ko.Nag-aalala ako sa kanya, hindi ko naman kasi alam na may something pala sa kanila ni Matthew. Ayoko sanang manghimasok pero nag-aalala talaga ako para sa bestfriend ko. Sana lang ayos lang siya roon. But, I'm planning to visit her in her condo.

Nag-ayos na ako at nagsuot lang ako ng simple sky blue dress. Hindi na rin ako magpapamaneho kay Manong, kaya naman dahil hindi naman sobrang layo iyon. It will take 30 minutes sa pagbibiyahe.

Inihanda ko na nga ang sarili ko at lumabas na rin ng kwarto.

"Good morning mom, I'll just go to Sheillaisha condo po ha? Baka late na po ako umuwi." Pagpapaalam ko rito at hinalikan si mommy sa pisngi.

"Sure baby! Take care okay? Ingat sa pagmamaneho mo." Payo nito at ngumiti sa akin. "Noted po mommy." Magalang kong sabi at lumabas na ng bahay.

Nagmaneho na nga ako para puntahan ang bestfriend ko. Ilang sandali lang ay nakarating na nga ako. Hindi ko tuloy maiwasan ang madagdagan ang kompiyansa ko dahil panay ang mga tingin ng mga kalalakihan at ang iba ay bumabati pa. Napapangiti na lang tuloy ako pero bigla kong nakita si Matthew.

Anong ginagawa niya rito? Don't tell me, nag-usap sila.

Halos mapatakip pa ako sa naisip ko at bago pa ito tuluyan na makalayo. I call him.

"Matthew!" sigaw ko rito na sana ay marinig niya.

Hindi naman ako nagkamali dahil lumingon rin ito at lumapit sa akin.

"Oh, bakit ka pala nandito?" takang sabi ko.

"We talked. Sorry Savannah hindi ko nasabi sayo but I need to go. Ikaw na muna ang bahala sa kanya," Sambit nito at sumakay na rin sa kotse.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil nakaalis na kaya't tinungo ko na lang ang room ni Sheillaisha—ang bestfriend ko.

Nagdoorbell muna ako rito dahil ganito sa bawat room sa condo nila parang katumbas ng bahay sa bawat pintuan.

Ilang sandali rin ay niluwa rin ang bestfriend ko at hindi ko kinaya ang awra nito. Malungkot ito at halatang kakagaling lang sa pag-iyak.

"Anong ginawa ng lalaking 'yon sayo? Tsk! Sabi na dapat hindi kita pinayagan na magstay dito eh. A-ayos ka lang ba ha?" takang sabi ko sa bestfriend ko.

Pinapasok niya na muna ako at pilit na ngiti ang tinugon.

"Medyo pero sa totoo lang masakit pa rin besty. Pero I'm glad kasi kahit papaano nagkausap kami at naliwanagan ako kaso parang kulang pa rin," malungkot nitong sabi hanggang sa lumuha na naman siyang muli.

"Bes, tahan na. Naiitindihan kita hindi ko man alam yung kabuuan alam ko magiging okay din lahat okay? At alam ko hindi na rin 'yon manliligaw pa at ayoko na rin sa kan'ya," ani ko sabay hawak sa kamay nito at ngumiti rin sa kanya.

"Laban lang ha bes okay? Tumahan ka na sayang ganda natin oh," pagbibiro ko habang nagpapacute sa kanya para bawasan na rin ang sakit na nararamdaman niya.

"Oo sige na! Ikaw talaga besty, kahit kailan mabola ka. Sorry na sa drama ko. Kasi naman," saad nito habang nakanguso pa.

"Nako, hindi naman eh! Basta tumahan na at alam kong hindi rin gusto ni Matthew na umiiyak ka," Dagdag kong sabi para tuluyan na siyang tumahan.

Tumahan na nga ito at ngumiti nang bahagya ngunit batid kong peke dahil base sa awra niya, nasasaktan pa rin siya.

Marupok 'tong bestfriend ko,nako!

"Mag-ayos ka na at kumain na lang tayo sa labas, treat ko." pag-aayaya ko rito habang nagmamasid sa kabuuan ng paligid.

"Sige na bes. Hintayin mo na lang ako rito," saad nito at tsaka tumayo na rin.

Ngumiti na lang ako at hinayaan siyang kumilos. Alam ko kahit hindi niya pa sabihin nasasaktan pa rin siya. Wala naman ako sa lugar para magpayo pero nandito lang ako para sa kanya.

Habang naghihintay sa bestfriend ko. Naalala ko tuloy na may meeting kami bukas at ang masaklap pa makikita ko na naman silang apat, kasama na 'ron si Matthew. Actually, hindi naman ako sa kanya galit sadyang naiinis lang ako kasi naman sinaktan niya yung bestfriend ko.

Sana lang magkaroon ako ng concentration bukas, mahirap na.

Nabuntong-hinga na lamang ako habang naghihintay. Isinantabi ko na lang muna ang para bukas dahil ang priority ko ngayon ay maging maayos ang pakiramdam ni besty.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin ito.

"Bes! Tara na!" masigla nitong sabi habang nakangiti.

"Okay ka na ba talaga ha?" takang tanong ko habang pinag-aaralan ang kaniyang kabuuan baka kasi may ginawa na hindi ko alam kaya masyadong masaya.

"Oo naman! Tara na sa mall," seryoso niyang sabi kaya't ngumiti na lang ako at umalis na kami.

RESTAURANT
        
        Ilang oras lang naman ang biyahe namin. Hindi naman kasi malayo rito ang restaurant ni Mr. Kyo, oo yung manager ko sa pagmomodel. Kilala naman ito ni Sheillaisha dahil nasabi ko na nung nakaraan at dahil nababasa niya rin sa mga magazine. Bumababa na nga kami para i-take yung reservation na ipinahanda ko.

"Ayos ka na ba talaga ha? Kumain muna tayo bes ha?" saad ko rito habang sabay namin tinungo ang loob ng restaurant.

"Yes of course! Ayos lang naman na'ko but yeah, nandito rin pala si Matthew," bigla nitong sabi na siyang ikinagukat ko.

Napataas ako ng kilay dahil sa pagtataka ko na bakit nandito ang lalaki na 'yon, pero imbis na mag-isip o ano pa man. Minabuti ko na lang isipin na baka kailangan nila mag-usap. Wala namanng kaso 'yon lalo na kung ikagagaan niya ng loob.

"Sorry bes, hindi ko alam na sumunod pala siya sa atin. He text me up, alam pa nga ang new number ko," dagdag nitong sabi kaya napangiwi na lang ako.

Lakas naman pala 'non! But yeah, ang cool niya.

"It's okay besty, as long as you are okay and you will feel better go! Support naman kita," masaya kong paglalahad. Habang naghihintay na rin kami ng order ang siyang pagdating ni Matthew.

Napaayos ng upo ang bestfriend ko kaya'y naalarma ako na narito na siya.

Ano kayang pag-uusapan nila?

The Glamorous LadyWhere stories live. Discover now