November 2021 (iv) News From Around Wattpad

87 6 1
                                    

Ngayong buwan ng Nobyembre, narito ang mga kapana-panabik na aktibidad at balita sa Wattpad!

---

AmbassadorsPH

"Communication Through Gestures" 

For our Write-a-thon Challenge this month, we will be highlighting the Deafness Awareness Week which is celebrated during the middle of November. This challenge is dedicated to the people who use hand gestures, or use special devices as their way of communication.

In 500 to 800 words, write a short story with the theme of "Communication Through Gestures".

How would you tell the story of someone who uses hands to communicate? 

Remember, each entry will be evaluated based on content, creativity and grammar. For the winners, you will receive winner certificates. And for all participants, you will have a statement of participation!

---

WattpadFanFicPH

Sinong nakapag-stream na ng Offical MV ng Rock With You? 

Yaaas, Carats! Ngayong buwan ng Nobyembre patuloy pa rin naming i-fefeature ang KPOP idol group na kinahuhumalingan niyo na SEVENTEEN. 

Nariyan ang aming "Guess the SEVENTEEN Member" at "17 Facts About SEVENTEEN" at dahil spooky November na, kami ay may inihandang surpresa para sa inyo!!! Abangan na lamang kung ano ito 👀 

At kami'y magdaragdag din ng mga SEVENTEEN fanfic stories sa aming opisyal na Reading List.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lamang ang profile ng WattpadFanFicPH.

---

WattpadRomancePH

Remembering November Love, round 2! 

May paborito ka bang kanta o playlist na laging binabalikan? Basta may tugtog, hangga't may musika, alam ng RomancePH na patuloy na titibok ang ating mga puso. Kung minsan, maaaring may kasamang ngiti o luha, ang mahalaga, lahat tayo ay may awit para sa ating sariling kuwento ng pag-ibig. 

Kaya naman, ngayong Nobyembre, nagbabalik ang musical challenge ng RomancePH, ang Remembering November Love! Sumulat ng kuwento base sa mga playlist na aming ibibigay para sa pagkakataong manalo at ma-feature ng WattpadRomancePH. 

Kung tinatanggap mo ang hamon na ito, pumunta lang sa aming profile WattpadRomancePH at hayaan ang mga daliri na sumayaw sa ibabaw ng inyong mga keyboard!

---

#WattpadOnKumu

Opisyal nang nagtapos ang Watt Now?, ang opisyal na tambayan ng mga Wattpader sa Kumu kung saan maaaring makipagkulitan at makipagkumustahan sa inyong mga paboritong Wattpad Stars. Sa lahat ng sumuporta sa programang ito mula Agosto hanggang Oktubre, maraming maraming salamat po!

---

At dito na nagtatapos ang November issue ng ating newsletter. Hanggang sa susunod na buwan!

Happy Wattpadding!

Community Newsletter (2021)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang