December 2021 (i) Panayam kay littleauds

36 3 0
                                    

1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

1. Ilang taon ka nang Wattpad Staff at ano ang posisyon mo? 

Walong buwan na akong natatrabaho sa Wattpad bilang isang Editorial Specialist para sa Wattpad Paid Program. 


2. Ano ang iyong mga ginagawa bilang Wattpad Staff? 

Bilang isang Editorial Specialist, marami akong iba't ibang responsibilidad. Hindi ko masasabi lahat ngunit isa sa aking pangunahing gawain ay ang paghahanda sa mga piling kuwento na inilalabas para sa Wattpad Paid program. 


3. Paano mo napagsasabay ang pagiging kabilang sa Wattpad Staff at mga pinagkakaabalahan mo sa labas ng Wattpad

Ang susi ay tamang time management at pagiging organized. Bukod sa pagiging Wattpad Staff ay mayroon din akong online baking business. Dahil ang Wattpad ay based sa Canada ang aking working hours ay tuwing gabi kaya sa umaga nagagawa ko ang aking ibang responsibiladad na labas sa Wattpad. 


4. Ano ang pinakamagandang aral na natutunan mo sa pagiging Wattpad Staff? 

As an introvert, I have learned to adapt with working with people from different culture. There are different tasks that was given to me so I have the chance to talk to everyone and because of that I become more respectful and understanding with their opinions and feedback about my work with an open mind. 


5. Ano ang pinakamasayang parte sa pagiging Wattpad Staff? 

Ang pinakamasayang parte ay mabasa ang feedback ng mga writers na nasa Paid Program. Ang simpleng thank you nila ay nakakataba ng puso. Pati na rin ang marinig ang mga bagay na naitulong sa kanila ng program lalo na sa panahon ng pandemya. 


6. Ano ang pinakamahirap na parte? 

Para sa akin ang isa sa pinakamahirap na parte ay pagiging editor dahil ito ang pinakamahabang task o pinaglalaanan ko ng oras. You have to give your full attention sa kuwento habang ito ay nasa proseso ng editing. Pero worth it naman ito kapag natapos at na-launch na para sa Paid Program. 


7. Ano ang iyong masasabi sa culture at working environment ng Wattpad? 

I can say that the working environment on Wattpad is friendly, motivating, nurturing, collaborative, and inclusive. I work with people from different countries and cultures so we learn a lot from each other. Wattpad is also very appreciative of everyone's work. So, I am very happy to be a part of an amazing company. 


8. Paano nakatutulong ang iyong pagiging kabilang sa Wattpad Staff bilang isang manunulat o mambabasa? 

Bilang isang mambabasa na-explore ko ang iba't ibang genre ng kuwento na hindi ko naman madalas binabasa. Marami rin akong natutunan technicalities habang ako ay nag-eedit ng mga kuwento. 


9. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang isa sa hindi mo makalilimutang karanasan mula nang ika'y maging kabilang sa Wattpad Staff? 

Ilan sa mga di ko makalilimutang karanasan ay maging bahagi ng iba't ibang program na inihanda ng Wattpad para sa mga manunulat kagaya na lang ng partnership nito sa isang local live streaming app na kumu kung saan nabigyan ako ng oportunidad na maging isa sa mga host.


10. Bilang kabilang sa Wattpad Staff, paano mo hina-handle ang kritisismo ng ibang Wattpaders sa inyong ginagawa para sa buong community? 

Alam naman natin na we can't please everyone kaya dapat mas maging bukas at malawak ang pangunawa sa opinion o kritisismo ng ibang Wattpaders. Maari din naman natin itong magamit bilang motivation to do well and syempre there is always a room from improvement. 


11. Maaari ka bang magbigay ng mensahe sa Wattpad at sa komunidad natin? 

Para sa Wattpad, I just want to thank you for giving endless opportunities to Wattpad writers. And for the community thank you for always supporting Wattpad writers. And as always, Happy Wattppading! 

Community Newsletter (2021)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon