PROLOGUE

19 3 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

PROLOGUE

Malakas na ingay at malilikot na ilaw ang sumalubong sa akin. Maraming tao at karamihan ay may hawak na kaniya-kaniyang baso ng alak. Hindi ako sanay na pumupunta sa ganitong lugar at mas lalong hindi ako sanay mag-suot ng ganitong kaiksi at kabulgar na damit. Kung hindi ko lang talaga siya Ate, hindi ako sasama eh. Naiinis kong inalala kung paano niya ako napapayag dito sa kagagahan niya.

Pagkauwi ko kanina galing trabaho ay sinalubong na kaagad ako ni Ate at sinabing isasama niya ako sa isang bar. Nakasuot siya ng damit na bulgar na bulgar, na aakalain mong hindi pa siya nanganganak ng tatlong beses. Mapula rin ang labi niya at maayos ang mukha at buhok. Gayak na gayak and ready to party.

Sa pagod ko at sa dami pa ng naiwang gawain sa opisina na sa bahay ko na sana balak ituloy gawin, tumanggi ako. Kaso pagdating ko sa harapan ng kwarto ko hindi ko mabuksan ang pintuan at ayun naman si Ate na malaki ang ngisi sa akin habang hawak ang susi sa kwarto. Bakit ba nakalimutan kong kuhanin yung isa ko pang susi ko na nasa opisina?

"Sige na kasi Jen. Minsan lang 'to. Lumabas ka naman diyan sa kuwarto mo. Puro ka na lang opisina bahay, opisina bahay. Hindi ka na ata nagpapahinga eh." She's worried, I know. Pero ilang beses ko na ring sinabi sa kaniya, sa kanila ni JM, na ayos lang ako. Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang maniwala

"Ate maayos nga lang ako. Kaya pwede ba. Ibigay mo na iyang susi sa akin kung talagang nagaalala ka. Gusto ko ng magpahinga, kaya please lang." At inilahad ko pa ang isang kamay ko sa kaniya, hinihingi ang susi, habang hinihilot ko ang sintindo ko gamit ang isa pa. Pero sa halip na ibigay sa akin ay hinawakan niya ang ibabaw ng tube top na suot niya at inilagay ang susi ng kwarto ko sa dibdib niya. Napairap na lang ako sa ginawa niya.

"Okay, then I'll go back to my office, doon na lang ako matutulog." May pinagawa kasi ako maliit na kwarto sa gilid ng opisina ko. Masyado rin kasi iyong malaki kaya naisip ko na kalahati na lang noong space ang gawin kong opisina at 'yung kalahati naman ay pinagawa kong kwarto.

"Jen naman!" pagmamaktol niya pero nagsimula na akong maglakad papunta ng main door ng mansyon.

"Isang beses lang. Ngayon lang." pigil niya sakin. Nakahawak na siya ngayon sa dalawang balikat ko at iniharap ako sa kaniya. "Promise! Ngayon lang talaga, pumayag ka na. Please!" at nagpaawa look pa siya. As if naman na makukuha niya ako sa paawa niya.

"Let me go. I need some rest, okay. At hindi ako makakapag-pahinga kung sasama ako sa'yo." At pinilit kong tanggalin ang mga kamay niya sa balikat ko pero ayaw niya tanggalin.

"Hindi ka madaan sa mahinahong usapan ah. Puwes, dadaanin kita sa satong paspasan." Napakunot ang noo ko sa pagtataka sa sinabi ni Ate. Nagulat na lang ako nang may dalawang maid ang humawak sa magkabilang kamay ko habang may isa pa na may hawak ng isang pares ng damit na halos kapareho ng kay Ate pero may manggas.

"Ate, what are you planning to do? Teka, bitiwan niyo ko!" nagpumiglas ako sa hawak nung dalawang maid.

"Huwag na huwag niyong bibitawan! Sinasabi ko sa inyo kapag iyan nakawala." sabi ni Ate sa mga maids tapos ay lumingon siya sa akin habang may ngisi sa mga labi. "Oras na para sa transformation mo kapatid ko. Oras na para ipakita mo naman ang tinatago mong alindog at ganda." At tumawa pa siya na parang isang kontrabida sa isang drama.

Sinubukan ko ulit magpumiglas pero wala akong nagawa nang hilahin na ako ng mga maid papunta sa kwarto ko at binuksan naman ni Ate ang pintuan. Nang sumara ang pintuan ay wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan siya sa gusto niya. Ano pa bang magagawa ko? Eh mukhang willing talaga siyang igapos ako masunod lang ang gusto niya.

Irog(Mahal) *ON HOLD*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon